• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 23rd, 2020

Pagdanganan tabla sa ika-68, nakapagsubi pa rin ng P249K

Posted on: December 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HULI na ang pag-init ni Bianca Pagdanganan sa binirang two-under 69 para sa nine-over 297 na naglagak lang sa kanya kabuhol si American Angela Stanford sa 68th place na may tig-$5,189 (₱249K) prize sa pagtiklop ng 10th CME Group Tour Championship 2020 sa Tiburon Golf Club Gold course sa Naples, Florida na pinangunahan ni Ko Jin-young ang 1-2 finish ng South Korea nitong Linggo (Lunes sa Pilipinas).

 

Iyon ang pinakamagarang nilaro ng 23-anyos na bagitong professional golfer ng Pilipinas sa 72-player field, four-day event makaraan ang 73-79-76 dito, na nagtampok sa 66-270 ni Jin-young para sa five-stroke win sa kalahing si Kim Sei-young  (72) at kay Hannah Green ng Australia (67) na nagsosyo sa 275s.

 

Iniuwi ng 25-anyos, 5-6 ang taas at buhat sa Seoul na si Jin-young ang $1.1M (₱52.8M) champion purse habang may grasya naman sina Sei-young at Green na $209,555 (₱10M) bawat isa.

 

Ang torneo ang ika-18 yugto at nababa na rin sa telon ng 71st Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2020 ng Estados Unidos. (REC)

 

DTI, nanawagan sa publiko na huwag bumitiw sa pagsunod sa mga health protocols

Posted on: December 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga Christmas shoppers na huwag bumitiw sa pagsunod sa mga health protocols para hindi na muling sumirit  ang bilang ng mga mahahawaan ng Covid-19.

 

Sa Laging Handa briefing sinabi ni DTI sec. Ramon Lopez, na kapag lalabas ng bahay ngayong holiday season ay dapat na laging magsuot ng face mask, face shield, sumunod sa physical distancing, maghugas ng kamay, mag-disinfect  at iwasan ang pagtungo sa matataong lugar.

 

Aniya, inilunsad ngayong holiday season ng kanilang ahensya ang staysafeph app na ang layunin ay magabayan at maipaalam agad sa publiko ang mga lugar na may Covid positive  o kayay may mga Na-exposed na mga indibiduwal.

 

Sa kabilang dako, hinikayat naman ng kalihim ang lahat ng private establishments pati na ang mga indiBidwal na pumapasok sa mga establisyimento na i-download ang StaySafePh sa mga cellphone, dahil Ito lamang aniya ang government owned at pinayagan ng IATF. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

John 3:16

Posted on: December 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

God gave his only son.

Dagdag gastos sa Tokyo Olympics, pinaplantsa na

Posted on: December 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Magpupulong ngayong araw ang organizing committee ng Tokyo Olympics 2021 para pag-usapan ang karagdagang gagastusin nila sa opening at closing ceremonies.

 

Plano kasi ng organizer na gumastos ng karagadang $33.7 million.

 

Nauna ng mayroong $82 million ang inilaan na budget sa opening ceremony subalit dahil sa coronavirus pandemic ay hindi ito ipinagpatuloy.

 

Magugunitang nagpatupad na ng 50 cost-cutting measures ang Inernational Olympic Committee at organizers gaya ng iniksian na lamang ang pamamalagi ng mga manlalaro sa athletes village para hindi na kumalat pa ang virus.

 

Gaganapin ang nasabing Olympics sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8, 2021.

Sana ako si Santa Klaus (1)

Posted on: December 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PASKO 2020 na po sa darating na Biyernes, Disyembre 25.

 

At kagaya po nang nakagawian ng Opensa Depensa sapul noong 1997 dito sa People’s BALITA Sports, may mga gusto po akong mangyari o ako po’y may mga kahilingan sa ating Dakilang Diyos.

 

O sana ako lang po si Santa Klaws para matupad ang aking mga Christmas wish sa ating mga atleta at opisyal sa sports

 

Narito po sila:

 

Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez – Makalipas pamunuan sa overall championship ang Pilipinas sa 2015 Southeast Asian Games at 2019 SEA Games pareho sa ating bansa, nawa’y makamit na rin ng mga Pinoy ang hindi lang unang gold medal, dalawa o higit pa sa 32nd Summer Olympics Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang sa Hulyo 2021 dahil Covid-19.

 

Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham’Bambol’ Tolentino – Makatuwang ng PSC at mga national sports associations (NSAs) para sa misyon ng ‘Pinas sa Olympic gold, na hindi lang sana isa kundi lampas pa sa nasabing bilang.

 

Pole vaulter Ernest John ‘EJ’ Obiena – Makakopo ng Tokyo Olympic gold para hindi naman masayang malaking ginasta ng gobyerno o PSC sa Italy training camp at pagkalinga rin ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa pamumuno ni president Philip Ella Juico.

 

Gymnast Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo – Kagaya ni Obiena, makaginto rin sana sa Tokyo Games dahil din sa malaking gastos na sa kanya ng pamahalaan o nabanggit na sports agency, at asikaso rin ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) sa pagti-training sa Japan.

 

Boxer Eumir Felix Marcial – Sawa na ang Diwang Kayumanggi at ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) sa silver at bronze medals sa mga nakaraang Olimpiks mulasa iyong sport, kaya dapat gold na ang maupakan mo o ninyo ni Irish Magno sa Japan lalo’t inaruga rin kayo ng PSC.

 

National Sports Associations (NSAs) – May makapasa pang mga atleta ninyo para masamahan ang mga pambato ng PATAFA, GAP, at ABAP sa papasok na taong Olympics sa mga darating na buwang pagsali ng inyong mga manlalaro sa iba’t ibang Olympic Qualifying Tournament (OQT).

 

Hanggang po bukas uli. (REC)

 

Ilang player ng PBA balik Gilas Pilipinas – Marcial

Posted on: December 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

BALIK ang mga manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) upang kumampanya sa national colors sa 2021 International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup Qualifiers 2021 sa darating na Pebrero 18-22.

 

Final window na ng Qualifiers ang event na itataguyod ng ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. ang mga laro sa Group A, na Bubble-style rin ang mga laro  sa Clark, Angeles City.

 

Nagtagumpay ang PBA bubble sa Pampanga, nakumpleto nang walang aberya ang 45th Philippine Cup 2020 na pinagkampeonan ng Barangay Ginebra San Miguel noong Oktubre 5-Disyembre 9.

 

Pinarating na sa PBA ni SBPI president Alfredo Panlilio ang muling paghiram ulit ng players sa propesyonal na liga.

 

Bukod sa limang nasa Gilas pool, puro collegiate players o mga bagong graduate ang bumuo sa Philippine quintet na inilaban sa huling window sa Bahrain nitong Nobyembre kung saan winalis ang Thailand sa dalawang laro.

 

“Nagsabi na si (SBP) president Al fredo Panlilio kung puwedeng gumamit ng PBA players,” pahayag Biyernes niPBA  commissioner Wilfrido Marcial. “Pinapayagan naman, kaya inusog na namin ‘yung PH Cup opening sa April 9.”

 

Kabilang sa mga nag-Gilas sa first round nitong Peb. 23 sa Jakarta laban sapinulbos na Indonesia  sina Christian Jaymar Perez, Roger Ray Pogoy , Justin Chua, Kiefer Isaac Ravena, John Paul Erram, Abu Tratter, at Jeth Troy Rosario. (REC)

Posibilidad na magdagdag pa ng NBA teams, pinag-aaralan na – Silver

Posted on: December 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inamin ng NBA na hindi nila isinasara ang kanilang pintuan sa posibilidad na madagdagan pa ang kasalukuyang 30 teams na naglalaro sa liga.

 

Ayon kay NBA commissioner Adam Silver, sa ngayon ay kanila nang pinag-aaralan kung ano ang maaaring implikasyon ng pagpapalawig pa sa bilang ng mga naglalarong koponan.

 

Paglalahad pa ni Silver, ang financial issues na kinakaharap ng liga sa harap ng pandemya ang nagtulak sa kanila na busisiin ang ideya.

 

“I think I’ve always said that it’s sort of the manifest destiny of the league that you expand at some point,” wika ni Silver.

 

“I’d say it’s caused us to maybe dust off some of the analyses on the economic and competitive impacts of expansion. We’ve been putting a little bit more time into it than we were pre-pandemic. But certainly not to the point that expansion is on the front burner.”

 

Ang bawat expansion team kasi ay magbabayad ng entry fee na maaaring lumampas ng $1 billion, na mapupunta naman sa mga kasalukuyang team.

 

Noon pang 2002 nang huling mag-expand ang NBA nang itatag ang Charlotte Bobcats, na kilala na ngayon bilang Hornets.

Balitang ila-lockdown ang MM ngayong holiday season, fake news

Posted on: December 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MULING PINABULAANAN ng Malakanyang na isasailalim sa lockdown ang Metro Manila (MM) na may 12 milyong katao sa panahon ng Pasko at Bagong Taon para mapigil ang pagkalat ng Covid -19.

 

Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mga walang hiya lamang na gustong siraan ang Pasko dahil nagpapakalat ng pekeng balitang ito.

“Fake news din na magkaka-lockdown mula Dec. 23 hanggang Jan. 3, 2021. Ito po ay mga walang hiya na gusto lang siraan ang ating Pasko,” diing pahayag ni Sec. Roque.

Iaanunsyo naman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang January quarantine classifications sa huling linggo ng Disyembre.

Kumalat kasi sa social media na balik-MECQ ang MM mula Disyembre 21 hanggang Enero 6.

Kaagad namang sinabi ni Department of Interior and Local Government chief Eduardo Año na “fake news” ang mga nagsisilabasang balita ukol sa di umanoy pagbabalik ng Metro Manila sa mas mahigpit na quarantine protocol.

Ayon kay Año na walang katotohanang ang mga bali-balitang kumakalat ngayon na ibabalik ang Capital region sa Modified Enhanced Community Quarantine mula Disyembre 21 hanggang Enero 6.

“Fake news yan,” tugon ni Interior Secretary Año nang kumpirmahin ang ulat.

Nauna nang kumakalat ang isang memorandum ng PNP ukol sa umanoy pagsasabalik sa MM sa MECQ.

Ilan ding mga checkpoint ang inilatag ng Philippine National Police sa Quezon City at Taguig.

Nagpahayag din ng pag-alala si Año ukol sa maagang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa holiday season. (Daris Jose)

2,700 manggagawa maaaring mawalan ng trabaho dahil sa cashless scheme sa tollways

Posted on: December 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Maaaring tinatayang 2,700 na manggagawa ang mawawalan ng trabaho sa expressways dahil sa pagpapatupad ng tuluyang cashless toll collection.

 

Sinabi ni Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) president Rodrigo Franco na may 715 na mangagawa sa kanilang 377 toll booths ang maaapektuhan dahil sa paglipat sa cashless scheme sa kanilang mga tollways tulad ng North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) at Cavite Expressway.

 

“For us the Metro Pacific group, what we are prioritizing now is the retraining of our employees who will be affected by the removal of cash transactions in our toll plaza,” ayon kay Franco.

 

Dagdag pa niya na ginagawa nila ang retraining upang mabigyan ang kanilang mga empleyado ng mga iba pang kaalaman at mabigyan sila ng iba pang trabaho hindi lamang sa loob ng MPTC.

 

Doon naman sa hindi matatangap sa mga bagong posisyon sa kumpanya binigyan ni Franco ng katiyakan na makakatangap sila ng “more than what is required under the law.”

 

“We will follow ang made sure that they are happy with their situation,” wika ni Franco.

 

Samantalang ang San Miguel Corp. (SMC) ay mayroon 2,000 employees sa kanilang 369 na toll lanes mula sa kanilang pinangagasiwaang South Luzon Expressway (SLEX), Tagalog Arterial Road, NAIA Expressway at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway.

 

Sinabi naman ni Skyway O&M Corp. President Manuel Bonoan na mas marami silang manggagawa kaysa sa MPTC dahil mayroon silang ambulant tellers na siyang kumukuha ng mga bayad sa hanay ng pila sa mga toll booths.

 

“The affected employees would also be moved to other functions or other projects, or if they prefer to leave the company because of the change, they will also be accorded the same as provided for by law,” ayon kay Franco.

 

Noong nakaraang August, ipinag-utos ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad ng cashless transactions simula noong Dec. 1 upang mabigyan ng proteksyon ang mga tao mula sa pandemic.

 

Subalit maraming naging problema ang simula ng pagpapatupad ng nasabing cashless transactions.

 

Noong nakaraang hearing sa Senate, sinabi ni DOTr secretary Arthur Tugade na hindi talaga nila maiiwasan ang pagkakaron ng cash booths para sa mga emergencies.

 

Ang NLEX kamakailan lamang ay nagbukas ng kanilang cash lanes sa kanilang toll plazas sa mga expressway.

 

Sinabi naman ng SMC na mayron din silang isang cash lane kada toll plaza upang ang mga sasakyan na walang RFID stickers ay mapayagan pa rin pumasok at mabigyan ng Autosweep stickers at upang maiwasan ang pagsisikip ng traffic sa sa mga toll plazas.

 

Samantala, nanawagan naman si Senator Grace Poe na baguhin ang pamunuan ng Toll Regulatory Board (TRB) dahil sa kapabayaan sa pagpapatupad ng cashless transactions.  (LASACMAR)

MAVY LEGASPI, gustong maka-loveteam si KYLINE ALCANTARA

Posted on: December 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Para sa 46th birthday ni Donita Rose noong nakaraang December 5, nag-organize ito ng isang photoshoot kunsaan may glam team pa na nag-ayos ng kanyang make-up, buhok at isusuot.

 

Na-miss raw ni Donita ang ganitong klaseng photoshoots, lalo noong panahon na nagsisimula pa lang noong 1989 at nung maging sikat siyang VJ ng MTV Asia in 1997.

 

Halos lahat ng magazines noon ay cover si Donita kaya gusto lang daw niyang balikan ang mga araw na iyon.

 

“Wanted to do a fun shoot so I could remind myself that I still look good at 46. Of course I had veeeeery little help from @gwen_mua. She may have brushed my hair a little or maybe a little bit more but I could be wrong. She’s not allowed to say because I made her sign a NDA just to make me look super important. 😂” post ni Donita sa Instagram.

 

Naka-all black ensemble si Donita with matching smokey eyes.

 

Bumalik na pala sa US si Donita last September at mukhang for good na sila roon ng kanyang anak na si JP. Mas gusto raw ni Donita na malapit siya sa kanyang pamilya habang may COVID-19 pandemic.

 

“Adjusting to life here in the Bay Area. I miss everyone back home in the Philippines but then again, nothing beats being around family & being smothered with kisses all day long. 🥰 Though this pandemic has affected everyone, He can turn everything around for the good for those who love Him and are called according to His purposes. Living by faith in this new season for His protection, health and provision. Encouraging everyone to cast your burdens upon Him and He will give you rest. 🙏🏻 #bagonggising 😂”

 

*****

 

Ready na raw na subukan ni Mavy Legaspi ang gumawa ng teleserye next year.

 

Nauna na raw ang kanyang kambal na si Cassy na magkaroon ng teleserye na First Yaya at ka-loveteam nito si JD Domagoso.

 

Sey naman ni Mavy na si Kyline Alcantara ang gusto niyang maka-loveteam kung saka-sakali. Close friend daw kasi niya si Kyline.

 

“I’m really, really fine working with everyone pero siyempre may dagdag impact ‘yun ‘pag friend ko na talaga ‘yung ka-loveteam.

 

“Kyline’s like, that will never go away kasi siyempre close ko ‘yun si Kyline, eh. I know her craft very well, she’s really good.

 

There are so many other artists pero siyempre, homerun talaga ‘pag friend mo. And I think it will give me a nice boost kumbaga kasi siyempre, if ever magserye ako, it’s gonna be my first so I want to be as comfortable as possible,” sey ni Mavy.

 

Mapapanood din si Mavy sa Sarap, ‘Di Ba? at sa bagong comedy-gag-variety show na Flex.

 

000

 

Proud na pinasilip ni American Idol Season 5 runner-up Katharine McPhee ang kanyang baby bump on social media.

 

Glowing ang 36-year old singer-actress sa kanyang  mirror selfie via Instagram habang hawak niya ang kanyang baby bump suot ang isang blue coat.

 

First baby nila ito ng kanyang 70-year old husband, ang composer and record producer na si David Foster. Ito naman ang ika-anim na anak ni Foster.

 

Kinasal sina David at Katharine sa London noong June 2019. (Ruel J. Mendoza)