• January 3, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 16th, 2021

Mga bakunang dinevelop ng Pfizer at Gamaleya, ide-deliver na sa bansa

Posted on: January 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHANG made-deliver sa Pilipinas sa susunod na buwan ang mga bakunang dinevelop ng Pfizer at Gamaleya Research Institute.

 

Tiniyak ng Malakanyang sa publiko na walang “favoritism’ sa pagbili ng tinaguriang potentially life-saving doses.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ang maliit na volume ng bakuna ay magmumula sa Pfizer.

Wala namang ibinigay na detalye si Sec. Roque sa bilang o dami ng doses na manggagaling naman mula sa Gamaleya, na nag-develop sa Sputnik V vaccine.

Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque na tanging ang vaccine doses mula China’s Sinovac ang tanging available para sa mga Filipino hanggang Hunyo dahil ang Western brands ay hindi kaagad available.

“Hindi naman ibig sabihin na palibhasa papasok na ang Sinovac sa Pebrero, titigil na tayo ng effort na makaangkat pa ng ibang bakuna galing sa ibang mga manufacturers. So, pagdating po ng Pebrero, hindi lang 50,000 [doses mula sa] Sinovac ang available,” ani Sec. Roque.

Binigyang diin ni Sec. Roque na ang tanging bakuna na inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang gagamitn para sa mass inoculation program.

“So far, only Pfizer received an emergency use authorization for its vaccine. Uulitin ko po, wala tayong favoritism,” ayon kay Sec. Roque.

Samantala, ang Gamaleya at Sinovac’s EUA applications ay nananatiling nakabinbin sa FDA.

Sinabi ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na ang Sinovac’s EUA application ay aaprubahan sa Pebrero 20. (Daris Jose)

Upakang Ancajas, J Ro matutuloy na sa Abril

Posted on: January 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MATUTULOY na ang muling pag-akyat ng ruwedang parisukat  ni world men’s boxing champion Jerwin Ancajas makalipas ang may na buwa nang pagkakapirmi lang sa Estados Unidos.

 

Sinabi nio Manny Pacquiao Promotion (MPP) president Sean Gibbons, na papanhik sa lonang de lubid si Ancajas upang harapin si Jonathan Rodriguez ng Mexico  sa pagtatanggol sa kanyang International Boxing Federation (IBF) super-flyweight sa papasok na Abril.

 

“The date we’re looking at is April. We’ve got to get in the ring by April,” ani Gibbons nito lang isang taon.

 

Makailang napagliban ang petsa ng laban ng Pinoy boxer sanhi ng pandemya. (REC)

 

2 PATAY, 2 SUGATAN SA PANANAKSAK NG KAINUMAN

Posted on: January 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DEDO ang dalawang katao habang malubha namang nasugatan ang dalawa pa matapos pagsasakakin ng isang mister na kanilang nakainuman sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala nina Caloocan police homicide investigators PSSg Jenny Ryan Rodriguez at PCpl Romnick Fabroa ang nasawing mga biktima na si alyas Ben at alyas Michael Talastas habang ginagamot naman sa ospital sina Raul Dais at Mario Andoy dahil din sa mga tinamong sakask sa katawan.

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., i-prisinta sa inquest proceedings sa Caloocan City Prosecutor’s Office para sa kasong two counts of murder at two counts of frustrated murder ang suspek na si Anthony Leyte, 45 ng Golden Ville, Brgy. 167, Llano

 

Sa imbestigasyon, bumisita ang mga biktima sa kanilang kaibigan na si Teodorico Gabugan, sa Golden Ville, Brgy. 167, Llano kung saan nagkaroon ng inuman ang mga ito kasama ang suspek na kapitbahay ni Gabugan.

 

Matapos nito, nagpasya ang mga biktima na umalis alas-9:10 ng gabi kung saan sinamahan sila palabas ng bahay ng live-in partner ni Gabugan na si Emma, 55, nang bigla na lamang lumapit ang suspek na armado ng patalim at pinagsasaksak ng suspek sa katawan ang mga biktima.

 

Dead-on-the-spot si Ben at Talastas habang isinugod naman sa pinakamalapit na pagamutan si Dais at Andoy samantalang mabilis na tumakas ang suspek subalit, kalaunan ay kusang loob na sumuko sa Caloocan Police Sub-Station 7. (Richard Mesa)

BARBIE, na-overwhelmed sa mga pasabog na sorpresa ni DIEGO

Posted on: January 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SANA nga ay nahanap na nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga ang para sa isa’t-isa. 

 

Parehong may mga pinagdaanan and in fact, ilan sa mga netizens ang natatakot na sila ngayon ang magka-relasyon.

 

May negatibong imahe na si Barbie dahil na rin sa mga ganap ng past relationships niya. Si Diego naman, ang pagiging mahina raw nito.

 

Eh, hindi maitago ni Diego ang pagmamahal kay Barbie. At mukhang kahit ang mommy ni Diego na si Teresa Loyzaga ay boto rin sa girlfriend ng anak at malapit dito.

 

Si Barbie naman, halatang na-overwhelmed sa pasabog na surprise sa kanya ni Diego nang dumating ito with all the white flowers, petals, ribbons at mga polaroid pictures nilang dalawa na nakasabit.

 

Isa sa caption ng picture ni Diego, “How Happy You Make Me” at “My Princess.”

 

Sey ni Barbie sa caption niya, “Came home to this. Grabe naman. Thank you, grabe ka talaga. You’re the best. Thank you my love @diegoloyzaga.

 

Sinagot naman ito ni Diego nang, “This is just the beginning.”

 

***

 

NAKAKAILAN na lock in taping na rin si Ken Chan kaya go lang ito ng go basta trabaho talaga.

 

At nakahanda na nga raw siya para sa lock in taping muli para sa bago niyang serye sa GMA-7 na Ang Dalawang Ikaw. Kapareha niyang muli ang ka-loveteam na si Rita Daniela rito.

 

Sa kanyang IG Story ay ipinost ni Ken ang mga essentials na dadalhin niya sa lock-in taping na tatagal ng ilang linggo. Talaga namang parang sasabak sa giyera si Ken dahil 6 na storage box ang kanyang dala na puno ng pagkain at toiletries at tatlong maleta ng mga damit na kanyang gagamitin.

 

Ayon kay Ken ay siya mismo ang nag-ayos ng kanyang mga gamit na dadalhin. Mukhang sanay na sanay na rin naman kasi ang aktor dahil nga hindi ito ang unang pagkakataon na sumabak siya sa lock-in taping. Bukod sa paghahanda ng kanyang mga gamit, ang isa pang labis na pinaghandaan ni Ken ay ang kanyang papel bilang Nelson,

 

Isang lalaking may DID or dissociative indentity disorder. Para sa kanyang mapanghamong papel ay kumonsulta pa si Ken sa adult psychiatrist na si Ma. Bernadette Manalo-Arcena ng St. Luke’s Medical Center na consultant din ng aktor sa My Special Tatay series niya kung saan ay ginampanan niya naman ang papel na Boyet na may mild intellectual disability.

 

Ang kwento naman ng Ang Dalawang Ikaw ay magkakaroon ng isa pang karakter si Ken bukod kay Nelson – si Tyler na isang gun dealer at smuggler. Kaya naman kinailangan din niyang sumailalim sa isang firearm training. Kabado and at the same time ay happy at excited si Ken sa kanyang bagong serye dahil isa na naman daw itong kakaibang kwento na hahamon sa kanyang pagiging aktor.

 

Sa totoo lang, napakapalad ni Ken dahil kitang-kita ang tiwala sa kanya ng GMA-7. Talagang mga kakaiba at mapanghamong character ang palaging ibinibigay sa kanya.

 

***

 

PAREHO raw achievement at the same time, pressure para kay Kelvin Miranda na nile-label siya bilang “The Next Alden Richards.”

 

Alam daw niya kung gaano na kalaking artista si Alden kaya nandoon daw talaga ang pressure at the same time, natutuwa siya kung nakikita nga siya na posibleng sumunod sa yapak nito.

 

Nagpapasalamat din si Kelvin sa nakalaking tiwala sa kanya ng GMA-7, lalo na ang GMA News TV na pansin namin, madalas talagang kuhanin ang Kapuso star.

 

Isang malaking hamon nga kay Kelvin ang The Lost Recipe na magsisimula ng mapanood sa January 18. Maganda ang trailer na mukhang inspired ang technical aspect sa mga Korean series, lalo na yung mga may halong fantasy at the same time, ang pagpapakita ng kultura ng Pilipinas.

 

Mapapanood din sa serye ang ilan sa mga tourist spot sa bansa na sa Manila lang matatagpuan.   Napapanahon lalo na ngayong may pandemya na mas mapalakas pa ang turista sa bansa.    Kaya nakipagtulungan din ang DTCAM (Department of Tourism, Culture and Arts of Manila), Intramuros Administration at Manila City Personnel Office.

 

Ilan sa mga location na nakita namin ay ang Jones Bridge, Gota de Leche, Intramuros, Luneta at iba pa.

 

Malaking production at ang laki ng tiwala ng network kay Kelvin na ginu-groom talaga bilang isa sa mga Kapuso Leading man.

 

Mahuhusgahan na rin kung marami ang kikiligin sa bagong tambalan nila ni Mikee Quintos. (ROSE GARCIA)

Ebon binuyangyang ang alindog

Posted on: January 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINANGALANDAKAN ni University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s indoor volleyball star Lycha Ebon ang alindog nang ipasilip ang kanyang katawan sa social media kamakalawa.

 

Nakabihis ng orange one-piece swimwear, binalandra ng kaliweteng opposite spiker ang hanep na kurba habang nakaupo sa tabing dagat na pinaskil sa kanyang Instagram account.

 

Hindi naman nakalusot ito sa mga netizen sa beach body ng 5-foot-8 volleybelle na pumapalo para sa Far Eastern University Lady Tamaraws.

 

Isa sa nabighani si national men’s indoor volleyball player Jayvee Sumagaysay.

 

Nabulilyaso ang 82nd (2029-20) at 83rd (2020-21) ng collegiate league sanhi ng Coronavirus Disease 2019 kaya outing muna ang Morayta-based volleybelle na dalaga. (REC)

Pope Francis, Pope emeritus Benedict XVI nabakunahan na rin vs COVID-19

Posted on: January 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagsimula na ring gumulong ang COVID-19 vaccination program ng Vatican City State ngayong araw, kung saan una sa mga naturukan ng bakuna kontra coronavirus ay sina Pope Francis at Pope Emeritus Benedict VXI.

 

Kinumpirma ito mismo ni Matteo Bruni, director ng Holy See Press Office nang matanong hinggil sa vaccination program sa Vatican City State, maging ni Bishop Georg Gaenswein, Private Secretary ni Pope Francis.

 

Nauna nang inanunsyo ni Pope Francis sa isang panayam na plano niyang magpabakuna kontra COVID-19 ngayong linggo.

 

Sinabi ni Pope Francis na “ethical action” ang pagpapabakuna kontra COVID-19 sapagkat nakasugal ang kalusugan ng isang tao sa laban kontra coronavirus pati rin ang buhay ng ibang tao. (Vatican News)

DIREK ERIK, excited nang simulan ang kanyang first period film na ‘Bonifacio’

Posted on: January 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAY hindi pa ba tayong hindi alam sa kwento ni Andres Bonifacio na hindi natin nabasa sa mga history books o napanood natin sa pelikula?

 

Isang malaking pelikula na legacy project tungkol kay Bonifacio ang ipoprodyus ng Regal Entertainment ngayong 2021, na pamamahalaan ni Dondon Monteverde.

 

Ayon kay Mr. Monteverde, sisimulan ang shooting ng pelikula sa unang quarter ng 2021 at ito ay ididirek ni Erik Matti.

 

Ayon kina Monteverde at Matti, ang bagong movie tungkol kay Bonifacio ay naglalaman ng mga bagong detalye sa makulay na buhay ng fallen hero.

 

“Alam naming na ang buhay niya ay isa sa most written at marami na rin nagsapelikula nito pero ipinapangako namin na sa aming pelikula ay mas marami revelations about Bonifacio na ngayon lang matutuklan,” pahayag ni Monteverde.

 

Para kay Matti, batid niyang isang malaking hamon ang paggawa ng Bonifacio.

 

“Nang marinig naming ang mga detalye sa buhay ni Bonifacio na ngayon lang namin nalaman, naging interesado kami ni Dondon. Gusto namin ibahagi ang kwento na hindi namin alam.

 

“Gusto namin itong ikwento hindi para maiba o kontrahin ang historical facts na alam natin tungkol sa Katipunan kundi gusto namin mag-prisinta ng ibang side sa kwento na bagamat hindi naman magbabago sa nakasulat sa history books kundi gumawa ng isang magandang kwento na pampelikula whether pagdedebatehan ito matapos mapanood,” dagdag pa ni Matti.

 

Nang ipresinta raw sa kanila ang idea na gumawa ng bagong Bonifacio film, marami raw silang naging tanong, sabi ni Matti, bago sila napapayag na ituloy ang movie.

 

“Handa ba kami na gawin ito. Kaya ba naming i-recreate ang 1890s kung ano talaga ang vision nito? May ibang anggulo pa ba kay Bonifacio na hindi pa naituro sa eskwela at hindi pa natalakay sa ibang Bonifacio film na ginawa dati pa?

 

“Is another Bonifacio movie worth telling?Is another Bonifacio movie still relevant to the year 2021?

 

Ayon pa kay Matti, excited na raw siya sa paggawa ng una niyang period film, gayundin sa pag-recreate ng mundo nooong 1890s at kung paano ang pamumuhay ng mga tao.

 

Sabi pa ng director, marami beses na raw siyang inalok na gumawa ng period film in the past pero lagi siyang may dahilan para tanggihan ang mga ito.

 

“In a historical piece, especially with a biography of a famous personality that’s heavily documented, it is not just about telling the story right. It’s not a book. It’s a movie. Ang main challenge ay kung paano mo bubuuin ang kwento sa time and setting na sa tingin mo ay magugustuhan ng audience ang kwento bilang filmmaker.

 

“Ang paggawa ng isang historical movie ay kasinghirap o mas mahirap pa sa paggawa ng isang science fiction movie,” sabi pa ni Matti.

 

Ito raw ang nakatatakot kaya tumatanggi Matti sa paggawa ng isang period film. Dapat daw maging handa siya sa pagbuo ng isang mundo na higit pa sa pag-imagine tungkol dito kundi dapat din niyang maipasok ang lahat ng historical facts at ipakita kung ano ang tunay na buhay noong panahon na iyon.

 

“Period films are not just about story. It is about transporting the audience to a world that would offer them discoveries of how it was then.

 

“Now, I think I am ready to face those fears. We are ready to work hard on knowing the facts and be ready too to make a piece of cinema that’s worth experiencing without the feeling of being lectured on it.” (Ricky Calderon)

Accreditation ng City Garden Grand Hotel sinuspinde ng DOT

Posted on: January 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sinuspinde ng Department of Tourism (DOT) ang accreditation ng City Garden Grand Hotel sa loob ng anim na buwan.

 

Napatunayan kasing iligal na tumatanggap ng mga guests ang naturang hotel para sa leisure activities, kahit pa isa itong quarantine facility sa kasalukuyan.

 

Binawi rin ng DOT ang certificate of authority to operate ng hotel at pinatawan ito ng P10,000 multa, pero binibigyan naman ng karapatan na umapela sa mga penalties na ito.

 

Magugunita na sa City Garden Grand Hotel umupa ng kwarto ang flight attendant na si Christine Dacera at mga kaibigan nito para sa kanilang New Year’s Eve party.

 

Sa cr ng kwartong 2209 ng hotel natagpuan ng kanyang mga kaibigan si Dacera na wala nang buhay noong umaga ng Enero 1, 2021.

 

Samantala, pinapaalalahanan naman ng DOT ang mga accomodation establishments na mayroong certificate to operate bilang quarantine facility na bawal silang tumanggap ng guests para sa leisure activities.

 

Iyon namang mga hotels na may certificates to operate para sa leisure activities ay hindi pinapahintulutan na magsilbi bilang quarantine facilities. (ARA ROMERO)

Honasan inabswelto sa pork barrel scam

Posted on: January 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong graft laban kay dating Senador at ngayon ay Information and Communications Technology Secretary Gregorio Honasan at pito pa kaugnay ng P10 bilyong pork barrel scam.

 

Sa 52-pahinang ruling ng anti-graft court, nabigo ang prosekusyon na magpakita ng ebidensya para patunayang guilty sa kaso si Honasan kung saan ang ‘presumption of innocence ‘ ay pumabor sa akusado.

 

Pinawalang sala rin ang pito pang mga opisyal ng National Council on Muslim Affairs (NCMF) na sina Galay Makalingan, Mehol Sadain, Auroran Aragon-Mabang, Fedelina Aldanese at Olga Galido.

 

Si Honasan ay inaku­sahang nagkamal umano ng P29.1 milyon sa kaniyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na mas lalong kilala bilang pork barrel para umano sa isang Non-Government Organization (NGOs) na hindi dumaan sa proseso ng public bidding.

 

Si Honasan ang ika­apat na Senador na nasampahan ng kaso sa kontrobersyal na P10 bil­yong pork barrel scam ng negosyanteng si Janet Lim- Napoles. Ang iba pa na sina dating Senate President Juan Ponce Enrile, dating Senador Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla ay ipinagharap ng kasong plunder at nakulong. Si Estrada at Enrile ay nakalaya matapos na magpiyansa habang pinawalang sala ng korte si Revilla. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

NPD NAGDAGDAG NG 100 PULIS SA MALABON

Posted on: January 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dahil sa u-sunod na pagpatay sa Malabon city na ang pinakahuli ay isang punong barangay ng Hulong Duhat, nagtalaga ng 100 pulis si Northern Police District (NPD) director Police Brig. Gen. Eliseo DC. Cruz bilang karagdagan sa may 400 dating kapulisan sa lungsod.

 

Dakong alas-3:50 ng Martes ng hapon, January 11, nang pagbabarilin sa kanyang sariling bakuran sa No. 3 Florante St. Brgy. Hulong Duhat si PB Anthony “Tune” Velasquez ng mga di nakilalang criminal.

 

Agad namang itinakbo si ‘Kap Tune’ sa Manila Central University Hospital, kung saan siya idineklarang dead on arrival.

 

Dalawang magkasunod na araw bago ito, pinatay sina Sonny Boy Pardillo, 39, habang naglalakad sa P. Aquino St. sa Tonsuya at si Valentino Espinosa, 34, habang natutulog sa sariling bahay sa P. Concepcion sa Tugatog ng dalawang di nakilalang de-baril na salarin sa magkahiwalay na pangyayari.Bago pa ito, pinutukan si Marlon Santiago sa kanyang bahay sa Plata St., Tugatog, hapon ng January 8, habang ang 37-anyos na si Ace Bade ay binaril sa bilyaran sa Tonsuya, 9:55 ng gabi ng January 7.

 

January 5 ay pinaslang din si Rodolfo Carpentero, 46, ng hindi kilalang kriminal, sa Kagitingan St., sa Bgy. Muzon.

 

Isa namang security guard na kinilalang si Yasser Ampuan, 21, ang namatay sa putok ng shotgun sa Bgy. Panghulo noong Disyembre 27.

 

Napaulat sa nakaraan na nakatanggap ng mga death threat si Velasquez sanhi ng aktibong partisipasyon nito sa anti-drug campaign ng lungsod na epektibong nagpababa sa insidente ng droga sa Barangay Hulong Duhat.

 

Magugunitang nabalot ng kontrobersiya si Velasquez nang mapasama sa kumalat na “drug watch list” subalit, itinuring naman nito at ng kanyang pamilya na kagagawan lamang ng mga katunggali sa pulitika.

 

Sa kabila nito, masigasig itong nakipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) partikular sa mga buy-bust operations nito, kung saan diumano ay ‘nasagasaan’ ni Velasquez ang modus ng Zapanta Group na pinangungunahan ng isang dating pulis na natanggal sa serbisyo kaugnay ng pagkasangkot sa iligal na droga.

 

Ikinondena ng Liga ng mga Barangay sa Malabon, sa pamumuno ni ABC President Ejercito Aquino, ang pagpatay kay Velasquez, gayundin ang iba pang kaso ng karumal-dumal na pamamaril sa lungsod laluna nitong mga nakaraang araw.

 

Ipinagluluksa naman ni Mayor Antolin Oreta III ang pagkawala ng isang lingkod-bayan na may puso at dedikasyon sa serbisyo sa katauhan ni Velasquez.

 

Nanawagan si Oreta sa mabilisang aksyon ng pulisya sa pamumuno ni Malabon police Chief Col. Angela Rejano at mahigpit na koordinasyon nito sa lokal na pamahalaan tungo sa pagkahuli ng mga salarin at tuluyang pagkalutas ng mga krimen. (Richard Mesa)