• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 26th, 2021

PGH, handa nang tumanggap ng kahit na anong brand ng Covid- 19 vaccine

Posted on: February 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HANDA ang Philippine General Hospital (PGH) na tumanggap ng kahit na anumang brand ng coronavirus vaccine.

 

“Kung anuman ang unang bakunang darating ay tatanggapin namin at ang aming batayan sa pagtatanggap nito ay ang EUA (Emergency Use Authorization) na ibibigay ng ating FDA (Food and Drug Administration),” ayon kay PGH director Dr. Gerardo Legaspi.

 

“We all know that if the FDA gives any vaccine the EUA, the safety and efficacy are assured,” dagdag na pahayag ni Dr. Legaspi.

 

Ang Sinovac vaccines na dinonate ng Chinese government ay inaasahan na darating sa araw ng Linggo, Pebrero 28.

 

Sinabi ni Dr. Legaspi na inihanda na ng PGH ang infrastructure at logistical requirements para sa bakuna.

 

“I think the important thing to remember here is whatever vaccine comes, we should welcome it because it will definitely make a difference in helping control the spread of this infection,” aniya pa rin.

 

Nauna rito, sinabi ni Dr. Legaspi na ang  94% ng PGH personnel ay nagpahayag na ng kahandaan na mabakunahan.

 

“Bago pa man po malaman ng mga tao ng PGH noong early January kung anong bakuna ang darating, ang aming initial survey… 75% are willing to have the vaccine, so I hope we still get that 75% of our population and it will still be a good number,” aniya pa rin.

 

Pinawi naman ni Dr.Legaspi ang pangamba ng publiko na ang Sinovac vaccine ay magbibigay lamang ng maliit hanggang sa walang proteksyon para sa mga health workers.

 

Giit nito, ang mga bakunang inaprubahan ng FDA ay ang Pfizer, AstraZeneca, at Sinovac— na aniya’t nag-aalok ng 100% protection laban sa COVID-19.

 

“Hindi naman porket nabakunahan ng Sinovac ay walang proteksyon. Ang ibig lang sabihin, ang proteksyon niya ay hindi as high to prevent mild symptoms from occurring, which probably magiging dahilan to para hindi makapasok ang HCWs sa ospital,” ang pahayag ni Dr. Legaspi.

 

“Siguro ‘yun ang basis ng FDA para sabihin na hindi siya ideal para sa healthcare workers dahil kahit mild symptom, hindi sila papasok pag nagkaroon sila ng mild symptom at mababawasan ang manpower sa ating ospital,” dagdag na pahayag ni Dr. Legaspi.

 

Samantala, hindi naman inirerekumenda ng FDA ang Sinovac para sa mga health workers bunsod ng mababang efficacy rate na 50.4% para sa nasabing grupo subalit maaari pa rin naman aniyang magpabakuna ng mga ito kung kanilang gugustuhin.

Pacquiao vs Terence inaayos

Posted on: February 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ISANG negosyante ang handang sumugal at maglatag ng kanyang milyones matuloy lang banatan nina eight-division world men’s professional boxing champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao at unbeaten World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Terence Crawford ng USA.

 

 

Isiniwalat kamakalawa ni Top Rank Promotions CEO Robert ‘Bob’ Arum, na desididong sagutin ng maperang investor sa Middle East ang mamahaling bayad sa pagdarausan ng suntukan sa taong ito.

 

 

“Somebody is willing to spend big money to get the Crawford-Pacquiao fight and the site fee, that then distorts everything,” pagsisiwalat ng Amerikanong promoter sa podcast Barbershop Conversations.

 

 

Nauna nang humirit ng $40M (P2B) ang 42 taong-gulang na Pambansang Kamao habang $10M naman ang singil ni Crawford para sa upakan.

 

 

Pinanapos ni Arum na malamang na magkatintahan ngayong linggo ang mga handler ng magkabilang panig upang matuloy ang Pacquiao-Crawford 12-round fight. (REC)

Ads February 26, 2021

Posted on: February 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Santiago tinitimbangin pa ang susunod na lalaruan

Posted on: February 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI tatalikuran ni Pilipina volleyball star Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago ang patuloy na paglalaro sa ibayong dagat sakaling hindi pa rin makabalik ang women’s indoor volleyball event ng Philippine SuperLiga (PSL) sa taong ito.

 

 

Nakakatlong taon na sa Japan V. League sa Ageo Medics Volleyball Team, ipinahayag ng 25-year-old, 6-foot-5 former PH national player, na katatapos lang ng liga sa Land of the Rising Sun kung saan pumanlima ang kanyang koponan.

 

 

Idinagdag pa kahapon ni Santiago, na pag-aaralan pa niya ang kanyang mga susunod na hakbang kung sa ‘Pinas na magpapatuloy nang pagpalo o sa ibayong dapat pa rin.

 

 

Pinanapos ng dalaga, na nagpapadala rin ang agent niya ng kanyang kredensiyal sa iba pang mga liga sa iba’t ibang ng mundo na katulad sa China, Italy at Turkey, kaya may posibilidad din mula sa Japan ay lumipat siya ng ibang liga sa Europe o Asia pa rin. (REC)

3 PULIS MAYNILA, INARESTO SA PAGPATAY SA ISANG KOREANO

Posted on: February 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INARESTO  ng  Manila Police District (MPD) ang tatlo nilang kabaro matapos na masangkot sa pagpatay umano sa isang Koreano sa isang sementeryo sa Valenzuela City.

 

 

Kabilang sa nabanggit na mga pulis ay sina PCpl Darwin G. Castillo, PSSG Carl C. Legazpi at PCpl Samruss F. Inoc.

 

 

Ayon kay MPD Director Brig.General Leo Francisco, ang naging biktima umano ng naturang mga kagawad ng MPD ay si Sunuk Nam,55 anyos  kung saan nakipag-ugnayan ang tracker team ng Valenzuela Police sa MPD.

 

 

Napag-alaman na natagpuan ang biktima sa harap ng St. Angelus Cemetery Purok 4, Area 6, G. Marcelo St., Maysan Valenzuela City  noong Pebrero 15 ng umaga.

 

 

May mga ianresto naman ang Valenzuela police  kung saan natukoy ang pagkakasangkot ng  tatlong pulis Maynil sa krimen.

 

 

Kinumpirma naman ni Francisco na pawang mga nakatalaga sa  Roxas Blvd PCP ang tatlong pulis.

 

 

Ang motibo umano sa pagpaslang sa Koreano ay may kinalaman umano sa pera. (GENE ADSUARA)

Dating PNP Chief Gen Camilo Cascolan, itinalaga sa Office of the President

Posted on: February 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ni Presidential Spokesperson Harry Roque na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si retired Gen Camilo Cascolan bilang Undersecretary sa Office of the President.

 

Ito’y makaraan ang ilang buwan pa lamang na pagreretiro ni Cascolan sa puwesto.

 

Sa ulat, si Cascolan ay itinalaga bilang Chief PNP noong September 20, 2020 at nagretiro noon ding November 2020.

 

Si Cascolan ay pang-apat na Chief PNP sa ilalim ng Duterte Administration at miyembro ng PMA Class 1986.

 

Sinasabing, isa rin si Usec Cascolan sa mga nag- draft ng PNP Oplan Double Barrel na ang target ay mga malalaking isda sa illegal drug industry ganundin ang Oplan Tokhang. (Daris Jose)

Lim, Castro, Paranaque patok sa 1st WNBL 2021

Posted on: February 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASA walo lang ang tinapik, pero may anim na protected list sa pangunguna nina dating national team stalwarts Allana May Lim at Clare Castro ang Parañaque kaya patok pa rin sa nakatakdang dumribol na 1st Women’s National Basketball League (WNBL) 2021 sa ihahayag na petsa sa lalong madaling panahon.

 

 

Kasapi ang 32-year-old, 5-foot-9 forward na si Lim ng PH team na nag-gold medal sa 2016 Malacca SEABA Women’s 5×5 at nag-bronze sa 2012 Haiyang Asian Beach Games 3×3, at ng champion Far Eastern Lady Tamaraws sa 74th UAAP 2011-12 kung saan siya nag-season MVP.

 

 

Isang veteran internationalist na rin naman sa 5×5 at 3×3 ang 24-anyos na Kapampangan, may taas na 6-5 na sentro, former Lady Tam din  at marami nang nakuhang parangal sa collegiate league na si Castro.

 

 

Ang ibang koponan maraming natapik sa katatapos na  Virtual 1st WNBL Draft 2021.

 

 

Ang apat pang original sa Lady Aces ay sina Jamie Alcoy, Carmina Reyes, Kris Tolentino at Mardyn Tingcang. (REC)

Ayos lang iyan Sotto!

Posted on: February 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ANG sakit naman nang nangyari kay National Basketball Association prospect Kai Zachary Sotto nang hindi na tanggaping bumalik at makapaglaro para sa Team Ignite na kumakampanya sa kasagsagang 20th NBA G League 2021 sa Estados Unidos ng Amerika dahil sa Coronavirus Disease 2019.

 

 

“Kai and the team both understood the challenges for him to rejoin Ignite given the current international travel constraints, quarantine times and health and safety protocols,” namutawi kay NBA G League president American  Shareef Abdur-Rahim nitong Martes sa isang inisyung pahayag.

 

 

Dinagdag pa niyang maaaring maging bahagi pa rin ang 18 year-old, 7-foot-3 Pinoy cage phenom ng Ignite sa hinaharap at dinalangin ang patuloy na tagumpay ng player hanggang sa maabot ang pangarap na makadating sa NBA ng USA rin.

 

 

Umalis ng America sa katapusan ng Enero at dumating ng ‘Pinas nitong Pebrero 2 sa pagpayag ng kanyang coach sa Ignite ang tubong Las Piñas City na basketbolista upang mag-reinforce dapat sa Gilas Pilipinas para sa 30th International Basketball Federation (Fiba) Asia Cup 2021 Qualifiers third & final window sa bansa nitong Peb. 18-22.

 

 

Pero kinansela ang event sa Clark dahil sa Covid-19, inilipat man sa Doha pero ‘di rin natuloy sanhi ng pandemya kaya naudlot din ang ‘binyag’ niya sa PH men’s senior team  bago bumalik ng Tate para humabol sa Ignite.

 

 

Wala pang may kasalanan sa nangyari, kahit ang handler ni Sotto. Gusto lang niyang matulungan ang national quintet kahit isang panalo na lang kailangan sa sa tatlo pang laro sa torneo upang umabante sa FIBA Asia Cup 2021 tournament proper sa darating na Agosto sa Jakarta, Indonesia.

 

 

May 5-3 win-loss record ang Ignite na ginigiyahan ni Fil-Am Jalen Green.

 

 

Buhat sa Opensa Depensa, ayos lang iyan Kai. Basta tuloy mo pa rin ang pangarap mo. Kayod lang, maabot mo rin ang maging unang homegrown Pinoy na makapaglaro sa world major cage league. (REC)

75% ng global supply ng COVID-19 vaccines, nabili na ng 10 bansa- PDu30

Posted on: February 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na 75% ng global supply ng COVID-19 vaccines ang nabili na ng 10 bansa.

 

“Magkaintindihan na lang tayo na itong problema, atin lahat. How many countries? Ilan pa lang ang mayroon, again 75% nandiyan lang sa sampu, ang iba pati tayo wala,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Miyerkules ng gabi.

 

“Canada nga na kapitbahay ng America, nagdadamutan pa sila. Kino-corner talaga ng America ngayon kasi they have… 332 million (people),” dagdag na pahayag nito.

 

Kaya nga ang payo ng Chief Executive sa publiko ay maghintay at sundin lamang ang mga tagubilin ng pamahalaan.

 

Sa ulat, mahigit 200 million coronavirus vaccine doses na ang na-administer sa 107 bansa at teritoryo ayon sa Agence France-Presse tally.

 

Tinatayang may 45% ng pagbabakuna ang ginawa na sa mga bansang nabibilang sa mayayamang “G7 club” gaya ng Estados Unidos, Canada, Britain, Germany, France, Italy at Japan.

 

Samantala, 92% ng doses sa buong mundo ay ibinigay naman sa mga bansang inuri o ibinukod ng World Bank bilang “high-income” o “upper-middle income”. (Daris Jose)

Ravena balik na assistant coach sa Tropang Giga

Posted on: February 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IBINALIK sa kanyang dating posisyon sa Talk ‘N Text si Ferdinand Ravena, Jr.  bilang isa sa mga assistant coach sa parating na 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup sa Abril 9

 

 

Ito’y makaraang iupong muli ng Tropang Giga management si Vincent Reyes bilang coach ng flagship team ng MVP Group.

 

 

Demoted si Ravena bilang isa sa mga ayudante kasama nina Alexander Arespacochaga, Alton Lister, Yuri Escueta, Ranidel De Ocampo at Joshua Reyes.

 

 

Coach si Ravena nang umalis si Raoul Cesar Racela noong 2018.

 

 

Tinapik ng team si Mark Dickel bilang active consultant.

 

 

Pero bukas na aklat naman ng lahat na ang New Zealander ang nagtitimon sa Tropang Giga, sa mga laro ay siya ang nakatayo sa bench. Mas madalas na nakaupo si Ravena.

 

 

Sa postgame interview ng media, ang 1992 Rookie of the Year ang  nakikipag-usap sa mga mamamahyag – siya ang humaharap at sumasagot sa mga tanong.

 

 

Sa ilalim ng titulong coach, nirendahan ni Ravena ang Tropang Giga hanggang Finals ng 2019 PBA Commissioner’s Cup pero nalasing sa sa San Miguel Beer.

 

 

At nitong Philippine Cup ng pandemic-shortened Season 45, nakarating din sila sa championship sa Pampanga bubble noong Disyembre pero nilango rin ng Barangay Ginebra San Miguel sa limang laro. (REC)