• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 sa Pinas higit 2 milyon na!

Sumampa na sa hi­git dalawang milyon ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas makaraang madagdagan kahapon ng bagong 14,216 kaso base sa re­sulta ng mga pagsusuri ng mga testing laboratories na ipinadala sa Department of Health (DOH).

 

 

Sa Case Bulletin No. 536, umakyat na sa 2,003,955 katao ang tinamaan ng COVID-19 magmula nang maitala ang unang kaso noong Marso 2020.

 

 

Nakapagtala ng 26.4% positive rate sa 51,473 indibiduwal na isinalang sa COVID-19 tests nitong Agosto 30.

 

 

Nasa 18,754 pasyen­te naman ang gumaling kahapon para tumaas ang kabuuang recoveries sa 1,829,473 na katumbas ng 91.3% ng total case count.

 

 

Umabot sa 86 pasyen­te ang nasawi kaya ang death toll ay nasa 33,533 na 1.67% ng total case.

 

 

Naitala naman ang  mga aktibong kaso sa 140,949 na 7.0% ng total cases.

 

 

Sa mga aktibong kaso, 96.1% nito ay mga mild cases, 1.1% ang asymptomatic, 0.6% ang kritikal, 1.2% ang severe at 1.03% ang moderate cases.

 

 

Sa buong bansa, nakapagtala ng utilization rate na 73% sa ICU beds, 66% sa isolation beds, 71% sa ward beds at 55% sa ventilators.

Other News
  • Perez, Black kikilalanin ng PBA Press Corps

    PAMUMUNUAN nina Christian Jaymar ‘CJ’ Perez at Aaron Black ang mga gagawaran sa PBA Press Corps PBAPC) virtual Awards Night 2021 sa Marso 7 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong.     Sa pangalawang sunod na taon, tinanghal na Scoring Champion si Perez, 27. Si Black, 30, ang mamumuno sa All-Rookie Team.     Pinag-isa […]

  • Ads January 30, 2024

  • Mister timbog sa P47K shabu sa Valenzuela

    ISANG mister na sangkot umano sa pagtutulak ng illegal na droga ang nasakote sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kahapon ng madaling araw.     Kinilalan ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang naarestong suspek na si Rogelio Rivera alyas “Doro”, 47 ng 3034 Urrutia […]