Gonzaga sa PSA awards
- Published on March 24, 2021
- by @peoplesbalita
Maraming nagserbisyong atleta bilang frontliners mula nang magka-Covid-19 noong isang taon na ang upang matulungan ang bansa at ang mga mahihirap na labis na naapektuhan ng pandemya.
Bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at kawanggawa, ilan sa kanila pagkakalooban ng ‘Special Recognition’ sa virtual San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Annual Awards Night sa Sabado, Marso 27 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong.
Ang special citation ay parte sa 2020 honor roll nang pinakamatagal na media organization sa bansa na pinamumunuan ng pangulo na si Tito S. Talao, sports editor ng Manila Bulletin, sa event na ihahatid ng SMC at mga suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) at Cignal TV.
Ilan sa tatanggap ng nabanggit na award sina Southeast Asian Games gold medalist Nikko Bryan Huelgas at Maria Claire Adorna ng triathlon, nationalmen’s indoor volleyball coach Dante Alinsunurin at national players Jessie Lopez at Ranran Abadilla;
University of Santo Tomas Tigresses mentor Emilio Reyes, Jr., at national women’s volleyball team member Jovelyn Gonzaga na mga itinaya ang kanilang buhay para magsilbi sa bansa sa panahon na kailangan ng tulong ng karamihan. (REC)
-
PNP sa publiko: ‘Iwasan ang hoarding ng oxygen tanks at iba pang medical supplies’
Patuloy na magbabantay ang Philippine National Police (PNP) upang maiwasan ang hoarding ng oxygen tanks at iba pang medical equipment at supplies. Ito ang pagtitiyak ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar kasunod nang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID 19 at pangamba na magkaubusan ng oxygen tanks. Ayon kay PNP […]
-
NLEX pinalawig pa ang kontrata nina Alas at Ravena
Pinalawig pa ng NLEX Road Warriors ng tatlong taon ang kontrata nina Kiefer Ravena at Kevin Alas. Sa kaniyang social media, ipinarating ng NLEX star guard ang kaniyang labis na kasiyahan at pasasalamat sa koponan. Tiniyak nito sa koponan na kaniyang gagawin ang makakakaya para mangibabaw ang kanilang koponan. Taong 2017 ng […]
-
LeBron James posibleng makapaglaro na laban sa Boston Celtics
Posibleng makabalik na sa paglalaro si NBA star LeBron James matapos ang abdominal injury nito. Inaasahan kasi ng Los Angeles Lakers na makakasama na nila si James para sa pagbisita nila sa Boston Celtics. Itinuturing na mahalaga na makasama nila ang 17-time All-Star sa itinuturing nilang basketball rivalry sa kasaysayan ng […]