• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 6th, 2020

No vaccine, no contact sports – PSC

Posted on: July 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

 Pinayuhan ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon “El Presidente” Fernandez ang lahat ng National Sports Associations (NSAs) na sumunod sa ipinatutupad na protocol at rekomendasyon mula sa Inter-Agency Task Force  on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) para sa unti-unting pagbabalik ng sports sa “new normal.”

 

Pansamantala, dapat muna umanong ituon ng NSAs ang kanilang mga programa gamit ang teknolohiya upang patuloy na makapagsanay ang mga atleta, ani Fernandez.

 

‘No vaccine, no contact sports muna talaga or else we want to sacrifice the health and well-being of the athletes and coaches,” sambit pa nito.

 

Sa kabila ng kasalukuyang katayuan, iginiit naman ni Fernandez, ang Officer-in-Charge ngayon sa ahensya habang nakabakasyon si Chairman William ‘Butch’ Ramirez, na walang patlang at makukuha ng mga atleta at coach ang kanilang buwanang allowances sa naunang napagpasiyahan na 50 porsiyento.

 

“The Philippine Amusement and Gaming Corporation remittance continued kaya tuloy-tuloy pa rin  ang allowances ng mga atleta. We give 50  percent of their corresponding allowances para mapagkasya natin ang budget until December. Like other government agencies, nagbawas tayo ng budget para maidagdag sa gastusin ng pamahalaan sa paglaban sa COVID-19,” pahayag ni Fernandez.

 

“Tiis-tiis lang muna tayo dahil lahat tayo sa buong mundo ay naapektuhan ng pandemic. But rest assured, as what President Duterte instructed to us, aalagaan namin ang mga atleta,” kwento pa ni Fernandez sa ginanap na 1st Top Usapang Sports on Air.

 

Nakabantay rin ang PSC sa pangangailangan ng mga atleta na kasalukuyang nasa abroad tulad nina pole vaulter EJ Obiena at gymnast Carlos Yulo  na kasalukuyang nagsasanay bilang paghahanda sa naudlot na Tokyo Olympics.
“Tutok tayo r’yan. But for our athletes na under quarantine rito sa atin, tuloy lang ayuda natin,” pahayag ng four-time PBA MVP.

 

Kabilang sa programa na isinusulong ng PSC ay ang online module para sa training, strength and conditioning, psychological at medical test ang mga atleta at coaches.

 

“Kumpleto tayo sa personnel para sa pangangailangan na ‘yan ng mga atleta. On the part of the NSA’s we appreciate the initiatives para sa online training and competitions tulad ng chess, karate and taekwondo,” aniya.

 

Inamin ni Fernandez na malaki ang epekto sa performance ng atleta ang kawalan ng face-to-face sparring at training, higit sa mga atleta na nakatakdang sumabak sa Olympics at hahataw pa sa nalalabing qualifying meet sa susunod na taon, ngunit ang marubdob na pagnanasang manaig at makapagbigay ng karangalan sa bansa ang magiging baston sa tagumpay ng atletang Pinoy.

80% ng bansa, maaaring isailalim na sa MGCQ sa July 16

Posted on: July 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inilahad ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na posibleng mas maraming lugar na ang isasailalim sa modified general community quarantine (MGCQ) sa darating na July 16.

 

Sa panayam, iginiit ni Lorenzana na dedepende sa datos ng coronavirus disease o COVID-19 ang quarantine measures sa bansa na magmumula sa Department of Health (DOH).

 

“Sabi nga ng DOH, depende pa sa mga analytics na lalabas pero more likely siguro mga 80%, mag-MGCQ na tayo sa July 16,” giit ni Lorenzana.

 

“Dahil nga lumuluwag na ‘yung ating quarantine atsaka gusto na nating buksan ‘yung ating ekonomiya, maraming pagbabago, mas marami ng tao ang makakalabas, pati mga simbahan magbubukas na rin, magdadagdag na rin ng transportasyon ‘yung DOTr so malaking pagbabago,” dagdag pa nito.

 

Lahad pa ni Lorenzana, ang second phase ng national action plan laban sa COVID-19 ay inaayos na at ipepresinta sa IATF.

 

“Nagawa naman natin ‘yung ating objective habang pinipigilan natin ‘yung pagtaas ng infections ay inaayos naman natin ‘yung ating capabilities,” paliwanag pa ni Lorenzana.

 

“So ngayon, medyo nag-plateau na except ‘yung Cebu [City]… Ang ating objective diyan mag-plateau lang, hindi na magdadagdag every day or ‘yung case doubling.”

Djokovic at asawa nito, nagnegatibo na sa coronavirus

Posted on: July 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nagnegatibo na sa coronavirus si tennis star Novak Djokovic at asawa nitong si Jelena.

 

Walang nakitang sintomas ang dalawa mula ng sila ay nag-quarantine ng 10-araw.

 

Nakuha nito ang nasabing virus sa Adria tennis tour ang inorganisa ni Djokovic sa Belgrade at Zadar, Croatia.

 

Naging pang-apat na tennis player si Djokovic na nagpositibo sa virus dahil sa pagsali sa torneo na kinabibilangan nina Grand Slam semifinalist Grigor Dimitrov, Borna Coric at Viktor Troicki.

 

Ayon sa kampo ng Serbian tennis star, ito ang lumabas sa pinakahuling resulta na isinagawang PCR test sa mag-asawa.

DAGDAG na naman na BABAYARAN sa DRIVER’s STUDENT PERMIT

Posted on: July 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Mula sa Agosto 3 ay mandatory na sa mga kumukuha ng student permit para sa driving na mag undergo ng “at least 15 hours” na theoretical course mula sa mga LTO accredited driving schools o sa Drivers Education Centers ng LTO.

 

Ang paniwala ng LTO ay sa ganitong paraan “mas magiging disiplinado at courteous” ang mga drivers. Pero take note po – hindi ito libre. May bayad po! Mas maganda raw na may gastos para pagpahalagaan ng mga aplikante ang driver’s license nila.  Pero parang isa ulit itong sampol na pag hindi kaya ng gobyerno ay ipapasa sa pribadong sektor at pagkakitaan ang “solusyon” sa problema.

 

Marami naman kasi na nagkaka-lisensya na hilaw pa sa kaalaman sa pagmamaneho.  Pero teka, diba’t kahit may student license ay dadaan pa rin sa examination bago makakuha ng driver’s license? Kung hindi dapat pumasa ang isang aplikante ng lisensya eh bakit nakakakuha pa rin ng driver’s license?

 

Ang student permit ay hindi lisensya!  Kaya nga ‘student’ – para magaaral na makapagmaneho.  At talaga bang kailangan yung ‘15 hours’ theoretical mandatory course bago makakuha ng student permit?

 

Sigurado kayang walang mangyayaring magic na naman dito at basta mag-i-isue na lang ng certificate of completion?  Kung kailangan talaga na “kahit papaano” ay may alam na sa pagmamaneho ang isang kumukuha ng lisensya bakit hindi sa high school pa lang ay ma-integrate na ang driving lessons – wala pang gastos.

 

At kapag kukuha ka ng student permit at graduate ka na ng high school ay mas me alam ka na kaysa kukuha pa ng 15-hours theoretical course.  O kaya naman para wala nang gastos para sa mga nais magmaneho – maliban sa mga accredited driving schools ay mag-offer ang TESDA o mga LGU ng driving lessons.

 

Pa-accredit nila sa LTO at libre pa nila makukuha ang mandatory na 15-hours theoretical course.  Sana ay ma-konsidera ng LTO ito para naman yung mga hindi makakayanan ang enrollment fee sa mga accredited driving schools ay may pag-asa naman na makakuha ng lisensya sa ligal na paraan. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

PSC OIC Fernandez, atleta sumalang sa Covid-19 tests

Posted on: July 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pinangunahan ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner at newly appointed Officer-In-Charge Ramon Fernandez ang isinagawang COVID-19 swab testing sa PhilSports Complex sa Pasig City.

 

Kasama ni Fernandez sa ginanap na testing ang kanyang asawang si Karla Kintanar-Fernandez at inaasahang makukumpleto ang 14-day quarantine, habang nagtatrabaho bilang OIC, sa July 17.

 

“We will comply with the standard procedures to ensure that we are helping in curbing the spread of the virus,” ani PSC OIC Fernandez.

 

Bukod kay Fernandez dumaan din sa Covid testing ang mga national boxer mula sa Baguio City na sina 2021 Tokyo Olympic qualifier Irish Magno at 2019 AIBA Women’s World Champion Nesthy Petecio, 10 iba pang boxers, 6 na lalaki at 4 na babae at isang coach.

 

Sumailalim din sa swab tests ang mga atletang nakatira sa Philsports mula boxing hanggang fencing, para-athletes ng athletics, wheelchair basketball, sitting volleyball, table tennis, at chess.

 

Sasalang sa 14-day quarantine ang mga boksingerong mula Baguio at oobserbahan hanggang lumabas ang resulta. Bibigyan din umano sila ng pagkain, tirahan at lahat ng assistance mula sa PSC staff.

 

“Hindi muna sila pinalalabas ng assigned rooms nila. Until lumabas swab test results nila, hinahatiran sila food,” ani Philsports Dormitory manager Roselle Destura.

 

“Kung may ipapabili, ipapawithdraw, at ipapadala sa pamilya, pinapaiwan namin sila ng note sa harap ng room nila and then kami na gagawa for them,” dagdag pa nito.

 

Tutulungan ng PSC ang mga atleta na makakuha ng travel pass pabalik sa kanilang hometowns kung magnegatibo sa ginawang covid tests.

Kobe napiling cover ng NBA 2K21

Posted on: July 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inilabas na ng NBA 2K21 ang kanilang ikatlong cover.

 

Ito ay sa pamamagitan ng namayapang Los Angeles Lakers star Kobe Bryant.

 

Ang “Mamba Forever” edition ng laro ay binubuo ng iba’t-ibang pirasong artwork ni Bryant.

 

Isa aniya itong paraan sa pagkilala sa nasabing NBA player.

 

Magugunitang noong Enero ng pumanaw ito at anak niyang si Gianna ng bumagsak ang sinasakyang helicopter kasama ang pitong iba pa.

 

Nauna sa unang cover ng NBA 2K21 ay si Damian Lillard ng Portland Trail Blazer habang pangalawang cover naman si New Orleans Pelicans Zion Williamson.

LIBRENG MASS TESTING PINAPAOBLIGA SA SC

Posted on: July 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINAPAOBLIGA ng 11 indibidwal sa Supreme Court (SC)  ang gobyerno na magpatupad ng libreng mass testing sa COVID19.

Sa pamamagitan ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL), hiniling ng mga petisyuner na palakasin ang contact tracing ,mabilisang pag contain ng virus at i-improve ang laboratory testing capacity.

“The omission of proactive and efficient mass testing amid the COVID-19 pandemic has shown that a systemic and normalized violation of the right to health engenders the impairment of other human rights and liberties, such as the rights to travel, livelihood or work, education, and access to justice,” base sa  petition for mandamus.

Gusto rin umano ng mga petisyuner na atasan ang gobyerno na ilabas ang tama at kumpletong impprmasyon sa situwayon ng CoVID19 sa Pilipinas.

“Without accurate and timely information on the extent of community transmission of COVID-19, the government lacks proper grounds for any policy pronouncement. These irregularities lessen the confidence of the public in the ability of the DOH (and government in general) to deal with the pandemic with transparency and integrity,” dagdag pa sa petisyon.

Kabilang sa mga petisyuner sina dating
social welfare secretary Judy Taguiwalo, kumakatawan sa  senior citizens, medical doctors, scientists, the LGBTQIA community, migrant workers, students, teachers, jeepney drivers, frontline workers, professionals at homemakers.

Habang ang mga  respondents sa  petition sina  Health Secretary Francisco Duque III, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Interior Secretary Eduardo Año, Transportation Secretary Arthur Tugade, Budget Secretary Wendel Avisado, Cabinet Secretary Karlo Nograles, Labor Secretary Silvestre Bello III, pawang nasa  Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Gayundin kasama si Peace process chief Carlito Galvez Jr.,  chief implementer ng  national action plan against COVID-19 bilang respondent. (GENE ADSUARA)

Customs umalerto vs bagong ‘swine flu’

Posted on: July 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Mahigpit na nakabantay ngayon ang Bureau of Customs (BOC) sa mga borders ng bansa upang maiwasang makapasok ang ang mga kontaminadong karne ng baboy kaugnay ng bagong strain ng swine flu virus.

 

Ipinag-utos ni Customs Commissioner Rey Leo­nardo Guerrero sa lahat ng customs port officials na maging mapagbantay at masusing suriin ang mga dumarating na reefer containers na naglalaman ng karne ng baboy at iba pang produktong karne bago makapasok sa Pilipinas.

 

“The Bureau of Customs has been strictly monito­ring agricultural and other food items and ensuring that proper procedures are followed to guarantee the safety of the consumers and prevent the entry of food that may contain diseases,” ayon sa pahayag ng BOC.

 

Kabilang sa ipinatutupad na aksyon ng BOC ay ang pagsampa sa mga dumarating na barko ng kanilang mga tauhan at qua­rantine officers ng Bureau of Animal Industry (BAI), Bureau of Plant Industry (BPI), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para magsagawa ng inspeksyon.

 

Matapos ang inisyal na eksaminasyon ng mga boarding officers, nilalagyan ang reefer container ng seal para naman sa 100 pors­yentong eksaminasyon ng National Meat Inspection Service sa storage warehouse.

 

Nagpalabas na rin ang BOC ng panuntunan para sa Electronic Tracking of Containerized Cargo System (E-TRACC System) na isang paraan sa pagsuri sa mga ‘reefer imporation’ sa iba’t ibang pantalan sa bansa. (Daris Jose)

HOUSE BILL 7034, ISABATAS

Posted on: July 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Magsisilbing isang tulay na magdurugtong sa mga guro at sa ‘new normal’ ang pagpasa ng mga panukalang batas na makatutulong sa pagtugon sa hamon sa teknolihiya sa panahon ng pandemya, tulad ng House Bill 7034.

 

Naglalayon ang HB 7034 (Internet Allowance for Public School Teachers Act of 2020) na isinusulong ni ACT-Teachers Party-List Rep. France Castro na maglaan ng badyet para sa internet allowance ng mga pampublikong guro na nagkakahalaga ng P1,500 kada buwan.

 

Ito ay sasaklolo sa pagtugon ng mga guro sa bagong paraan ng pagtuturo na tinatawag na ‘distant learning’ na ipatutupad na sa pagsisimula ng klase sa Agosto 24.

 

Dahil nga sa krisis na kinahaharap ng ating bansa dahil sa COVID-19, ipinagbabawal ng Department of Education (DepEd) ang face-to-face na klase.

 

Samakatuwid, higit na kinakailangan ng mga guro ang paggamit ng internet.

 

Noong wala pang pandemya, pilit na pinahihigpit na ng mga guro ang kanilang sinturon kaya, dagdag-dagok na naman sa mga guro ang pagtapyas sa kanilang badyet upang ilaan sa pagbayad ng kanilang internet services.

 

Ito’y lalong magbabaon sa kanila sa kumunoy ng utang dahil wala silang ibang pagpipilian kundi kumapit na naman sa pagpunta sa London- loan dito, loan doon.

 

Kasabay ng pagsulong ng ACT- Teachers Party-List sa Panukalang Batas 7034, sumisigaw rin ang mga guro na nawa’y maisabatas ito upang maging transportasyon nila sa pagtupad ng layunin ng DepEd na maihatid ang aralin sa mga estudyante sa kani-kanilang tahanan.

 

Magbibigay ngiti at kaluwagan sa ating mga guro ang pagpasa sa panukalang batas na ito.
Sa rami ng nautang ng gobyerno dahil sa pandemyang ito, maglaan dapat sila ng katiting na porsyento para rito.

Biyahe ng trains sa MRT 3 mababawasan dahil sa COVID-19

Posted on: July 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Simula noong  Linggo, July 5  ay mababawasan ang biyahe ng Metro Rail Transit  Line 3 (MRT3)  matapos na mag- positibo ang may 127 na workers ng depot.

 

Mula sa dating average na 16 hanggang 19 trains na tumatakbo, ito ay magiging 12 trains na lamang dahil ang mga workers ay mababawasan dahil sila ay nag-positibo sa COVID-19.

 

Ang mga nasabing workers ay naka-deploy sa North EDSA maintenance works at repairs kung saan sila ay sumailalim sa polymerase chain reaction (PCR) test ang mga ito.

 

“There are 124  employees of the rail line’s maintenance provider Sumitomo Corp.- Mitsubishi Heavy Industries-ES Philippines while the rest are the rail line’s depot workers,” wika ni Department of Transportation (DOTr) undersecretary Timothy John Batan.

 

Ayon sa DOTr may 46 na workers ang naka-home quarantine, 74 ay nasa mga isolation facilities ng pamahalaan at ang 7 naman ay nasa pangangalaga ng mga local government units.

 

Unang naitala ang kaso ng COVID-19 noong June 22 kung saan ang mga empleyado ay nakatalaga sa MRT’s quality control section.

 

“We are assuring the public that no station personnel, who usually come in contact with passengers were infected,” ayon naman kay MRT3 operations director Michael Capati.

 

Ayon sa MRT, ang mga MRT 3 trains ay sumasailaim sa disinfection ng dalawang beses sa isang araw kada sang train trip. Ginagawa ito sa North Avenue sa Quezon City at sa pagdating sa Taft Avenue station sa Pasay.

 

Para naman mabawasan ang mga naghihintay na mga pasahero, ang MRT 3 ay maglalagay din ng mga buses upang maisakay ang mga pasahero.

 

Samantala, may 700 na mga empleyado ng MRT 3 ang nag- negative sa ginawang rapid antibody test sa mga ito.

 

Habang patuloy an gginagawang anti-rapid test sa mga empleyado ng MRT 3 ay patuloy din ang ginagawang contact tracing sa mga nakasalimuha ng mga nag positive na workers sa North Depot.  (LASACMAR)