• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 9th, 2020

Kobe Paras kinunsinte ng UP

Posted on: July 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Wala umanong balak ang University of the Philippines (UP) na parusahan o pagsabihan  ang kanilang star player na si  Kobe Paras matapos masangkot sa 5-on-5 pickup game na tahasang pagsuway sa pinatutupad na general community quarantine (GCQ) protocols ng gobyerno kaugnay sa COVID-19 pandemic.

 

Ayon kay Perasol hindi niya inaasahan na pag-uusapan ang isyu sa online sessions ng Fighting Maroons kaugnay sa ginagawa nilang individual training.

 

Tanging magagawa lamang umano nito ay paalalahanan si Paras na unahin ang kanyang safety lalo na at may health crisis.

 

Matatandaang pinagalitan sina Gilas pool members Thirdy Ravena at Isaac Go ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), habang sina PBA players Japeth Aguilar at Adrian Wong ay pinagmulta at inatasang sumailalim sa COVID-19 tests dahil sa paglahok sa 5-on-5 game sa isang gym sa Greenhills.

 

Inalis na umano ang video sa Instagram, pero may mga litrato na nagpapakita na kasama ni Paras sina Wong, Ravena at iba pang manlalaro sa gym na lumalabag sa social distancing guidelines.

 

Kahit umano pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang professional basketball at football teams na magbalik sa ensayo, nanatiling bawal pa rin ang pickup games sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ.

 

Wala umanong rason para pagalitan si Paras kung si Perasol ang tatanungin.

 

“I know him as a very responsible person so I trust his judgment on whatever he decides to do,” ani Perasol. “If there’s a concern from me regarding that incident, it was all about his safety and not on him breaking any team rules.”

 

“It will probably come out in one of our conversations but I won’t ask about it. I may remind him to be more careful about his safety,” dagdag pa nito.

 

Isa si Paras  sa mga sinasasandalan ng Maroons, kung saan may ikinamada itong average na 17.4 points, 5.7 rebounds, 1.9 assists, at 1.3 blocks sa Season 82, unang season nito sa UAAP

Gobyerno, inalis na ang restriksyon sa mga non-essential travel ng mga Filipino

Posted on: July 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INALIS na ng pamahalaan ang restrictions na ipinatupad nito sa mga non-essential travel ng mga Filipino sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ito ang naging desisyon ng COVID-19 task force ng pamahalaan, araw ng Lunes.

Nagtakda rin aniya ang task force ng mga kondisyon sa non-essential outbound travel ng mga Filipino.

Kabilang na rito ang pagsusumite ng kumpirmadong roundtrip tickets para sa mga magbi-byahe na gamit ang tourist visas at sapat na travel health insurance para i-cover ang rebooking at accommodation expenses.

Ang ‘country of destination’ naman aniya ay kailangan na may no entry ban para sa mga Filipino at ang traveler aniya ay kailangan na kumuha ng deklarasyon na nagsasaad na batid nito ang panganib ng pag-byahe at sundin ang COVID-19 guidelines para naman sa returning Filipino gaya ng mandatory RT-PCR testing at quarantine. (Daris Jose)

Baldwin hindi pa rin tatanggalin sa Gilas Pilipinas – SBP

Posted on: July 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Mananatili pa ring project director ng Gilas Pilipinas si Tab Baldwin.

 

Kasunod ito ng kinaharap nitong kontrobersya sa negatibong komento sa mga local coaches at PBA noong nakaraang buwan.

 

Ayon kay Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) executive director Sonny Barrios na naging malinis na ang pangalan ni Baldwin sa ginawa nito.

 

Magkakaroon lamang ng pagbabago ng desisyon kung magsalita muli ito ng hindi maganda sa PBA.

 

Plano ngayon din ni SBP president Al Panlilio na magsagawa ng set up ng video conference kay Baldwin at ibang mga opisyal ng SBP para pag-usapan ang ibang programa ng Gilas.

 

Magugunitang minultahan na ng P75,000 si Baldwin at sinuspendi ng tatlong laro bilang assistant coach ng TNT Katropa dahil sa negatibong komento nito sa PBA.

PAGDAMI ng TNVS COLORUM NAKAKABAHALA

Posted on: July 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nilimitahan ng LTFRB ang mga pinayagang makabyahe na mga TNVS. Ibig sabihin nito ay extended ang pagkatengga at kawalan ng hanapbuhay ng daan-daang drivers. May mga pinayagan din bumyahe pero meron ngang hindi.

 

Kung ano ang basehan sa pagpili, tanging LTFRB lang ang nakakaalam at ang makasasagot sa tanong na yan. Kaya naman dumiskarte ang mga naiwang pinagpilian – napakaraming FB accounts ang laganap ngayon na tumatanggap ng booking na mga colorum na TNVS, hindi lang yung mga hindi pinayagan kundi pati na rin yung mga nais mag TNVS pero hindi nakapag-apply.

 

Instant kumpetensya ang mga ito sa mga TNVS na accredited ng app-based TNCs at ng mga lehitimong taxi drivers. Para sa amin sa Lawyers for Commutes Safety and Protection (LCSP),mapanganib sa driver at maging sa pasahero ang FB booking ng mga colorum na TNVS.

 

Hindi nga natin dapat tawaging TNVS ang mga ito kung hindi naman sila accredited ng TNC dahil mga simpleng ‘car-for-hire’ lang sila. Kamakailan ay may malagim na pangyayari sa isang babaeng driver na sa FB booking kumukuha ng pasahero.

 

Kailangan marahil ay tingnan na ito ng mga awtoridad bago pa lumala ang sitwasyon. Una ay ano nga ba ang basehan ng pagpili sa pinayagang pumasada kontra sa mga hindi pinayagan. Tambiolo ba ginamit o palakasan system na naman?

 

Dapat maipaliwanag ito. Kung nais nila ay limitahan ang mga TNVS sa panahon ng pandemya ay mukhang hindi nga nangyari dahil ang naging resulta ay mas pagdami pa ng colorum na car-for-hire sa pamamagitan nga ng FB bookings – walang nabawas na sasakyan sa lansangan.

 

Marahil tulad ng ibang sektor ng transportasyon dapat na rin payagan bumyahe ang mga lehitimong TNVS dahil may prangkisa naman sila. Kailangan na rin tingnan kung mainam na magbukas na rin ng TNVS sa ibang lugar na wala pa o dating meron pero ipinatigil. Tulad sa Bacolod na hindi pinarenew ng LTFRB ang mga TNVS doon – ang resulta, colorum operation. Option din ito na hanapbuhay para sa mga umuwing OFWs nating kababayan at sa mga nag-avail ng ‘balik-probinsya’ program ng pamahalaan.

 

Dapat may hanapbuhay sa probinsiya dahil kapag wala balik Maynila rin sila at magiging palso ang programa. Sa ngayon na hirap ang tao sa transportasyon ay didiskarte at didiskarte sila upang makabyahe at kumita para sa pamilya. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Operasyon ng MRT 3 hinto muna

Posted on: July 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Hinto muna ang operasyon simula kahapon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID 19 na may naitalang186 workers ang infected.

 

Sinabi ng management ng MRT 3 na baka sakaling hanggang Sabado pa abutin ang pagsasara ng nasabing rail line.

 

“The shutdown may be extended or shortened. A sufficient number of MRT personnel must be cleared of the virus to be able to return to work,” ayon sa MRT3.

 

Ang Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infections Diseases ang siyang nagbigyan ng recommendation para sa pansamantalang paghinto ng operasyon ng MRT 3.

 

May 169 na depot personnel at 17 ticket sellers, train drivers, control center personnel at 1 nurse ang may COVID 19.

 

Angnasabing ticket sellers na may COVID 19 ay nakatalaga sa Cubao at North Avenue stations.

 

“Out of 1,300 MRT 3 employees who returned to work last month when the rail line resumed operations after quarantine, 964 have been found negative from the virus,” sabini Assistant Secretary GoddesLibiran.

 

Dagdag pa ng management na ang pagsasara ng operasyon ng MRT 3 ay upang magbigay daan rin sa pagsasailalim sa swab testing ng iba pang MRT 3 personnel kasama na ang maintenance workers, upang maiwasan ang pagkalat ng virus at masiguro ang kalusugan ng mga pasahero.

 

Dahil limitado ang bilang ng mga trains at mga pasahero noong Lunes, nakaranas ang mga pasahero ng mahabang pila sa North Avenue station sa Quezon City.

 

Ayon pa rinsa MRT3 management, ang mga pasaherong maaapektuhan ng pansamantalang pagsasara ng MRT ay maaari naming gumamit at sumakaysa EDSA Busway.

 

Sinabi naman ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na naglabas sila ng  190 buses sa kahabaan ng EDSA simula kahapon upang mag pick-up at drop-off ng mga pasahero sa mga designated bus stops sa pagitan ng Monumento at Quezon Avenue, Light Rail Transit Line 1 Balintawak station, Kaingin Road, LRT 1 Munoz station, MRT 3 North Avenue at MRT 3 Quezon Avenue stations.

 

Magdaragdag pa rin ng 90 buses ang Department of Transportation (DOTr) na payagan magbaba ng pasahero sa median lane stops sa EDSA.  (LASACMAR)

 

‘Back to ECQ:’ Mga hospital bed capacity sa Cebu, dadagdagan- Cimatu

Posted on: July 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inaalam ng Visayas Overseer on COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) Task Force na si Sec. Roy Cimatu ang bed capacity sa lahat ng mga pagamutan sa Lungsod ng Cebu.

 

Ayon kay Cimatu, natukoy nila mula sa mga tinawagang may-ari na may 569 bed capacity sa mga pribadong ospital habang 646 sa intensive care units.

 

Natukoy ni Cimatu na sa 86.6% ang “percentage fill” ng mga hospital bed para sa COVID-19 patients at “crucial” ito sa siyudad kung mapupuno ito lalo na at pataas ang kaso ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa lungsod.

 

Alinsunod nito, naghahanap ng paraan ang opisyal upang matugunan ang kakulangan ng hospital beds.

 

Binigyang-diin pa ni Cimatu na kailangang itaas ang sahod ng mga medical workers upang lalong magsikap ngayong panahon ng pandemya.

 

Una nang ihinayag ni Cebu City Mayor Edgardo Labella na magbibigay ang pamahalaan ng dagdag na incentives para sa mga nurse ng mga pribadong pagamutan.

 

Batay sa datos mula sa Department of Health-7, Cebu City pa rin ang may pinakamataas na bilang ng mga confirmed cases kung saan nasa 7,015 na ito at 6,802 naman ang active cases.

 

Nabatid na inilagay uli sa ECQ (enhanced community quarantine) ang lungsod hanggang Hulyo 15. (Daris Jose)

3,314 Bulakenyong estudyante, tumanggap ng pinansyal na ayuda mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan

Posted on: July 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nagkaloob ng pinansyal na tulong ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gobernador Daniel R. Fernando sa pamamagitan ng Provincial Administrator’s Office para sa edukasyon ng 3,314 kuwalipikadong Bulakenyong estudyante.

 

“Sinisikap po natin na maipagkaloob ang tulong pinansiyal sa ating mga qualified at deserving na estudyante sa kabila ng kinakaharap natin na pandemya dahil batid po ng inyong lingkod na malaking tulong ito para matupad ang kanilang mga pangarap. Tulad ni Jose Rizal, naniniwala po ako na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan,” ani Fernando.

 

Sa ilalim ng scholarship program na tinawag na ‘Tulong Pang-Edukasyon para sa Kabataang Bulakenyo’, nakapagpamahagi na ang PA’s Office ng pinansiyal na tulong sa mga benepisyaryo na naka-enroll sa mga pribadong unibersidad at kolehiyo gayundin sa mga estudyante na kumukuha ng masters degree.

 

Tumanggap ang may 3,092 na estudyante na naka-enroll sa pribadong unibersidad at kolehiyo ng tig-P3,500 habang tig-P5,000 naman ang naiuwi ng 209 na estudyante na kumkuha ng masteral. Gayundin, 13 estudyante na may academic awards ang pinagkalooban ng tig-P5,500 bawat isa.

 

Samantala, sinabi ni Catherine Innocencio, executive assistant III, na kasalukuyan pa rin silang namamahagi ng ayuda sa mga kuwalipikadong estudyante sa senior high school at sa mga naka-enroll sa state universities at colleges kabilang ang Bulacan Polytechnic College and Bulacan State University.

 

Aniya, simula Hunyo 16 ngayong taon, tuluy-tuloy ang pamamahagi nila ng tseke sa 300 benepisyaryo kada araw sa iba’t ibang lugar. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

‘Sakaling dumami ang COVID cases sa NBA bubble, season ititigil uli’ – Silver

Posted on: July 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Hindi naitago ni NBA Commissioner Adam Silver ang kanyang pangamba sa posibleng pagkalat ng coronavirus sa loob mismo ng Disney World campus sa Orlando na maaaring mauwi sa tuluyang kanselasyon ng 2019-20 season.

 

Pahayag ito ni Silver ilang linggo bago ang inaabangang pabubukas ng NBA season kung saan ilang mga players at staff na ang nagpositibo sa COVID-19.

 

Ayon kay Silver, hindi raw ititigil ang season kung may isa lamang na mag-test positive sa coronavirus test sa loob ng bubble.

 

Pero kung kumalat naman aniya ang deadly virus, posibleng ito na raw ang maging hudyat para tuluyang i-shut down ang season.

 

“We won’t be surprised when they first come down to Orlando if we have some additional players test positive,” wika ni Silver.

 

“What would be most concerning is once players enter this campus and then go through our quarantine period, then if they were to test positive or if we were to have any positive tests, we would know we would have an issue.”

 

Gayunmman, positibo si Silver na magagawa ng liga at ng kanilang mga health partners na mapigilan ang pagkalat pa ng virus.

 

“I think we do have the ability to trace, of course to try to understand where that positive case came from,” ani Silver. “We can actually analyze the virus itself and try to track whether there is more than one case, if it’s in essence the same virus and same genetic variation of the virus that is passed from one player to another or two people have gotten it on the campus independently. So those are all things that we are looking at.”

 

Una rito, ilang mga NBA stars tulad nina Damian Lillard at Joel Embiid ang nagsabi na duda sila sa konsepto ng NBA bubble.

 

May ilan na ring mga players ang tumangging maglaro sa nalalabing bahagi ng season.

 

Sa pinakahuling datos, halos 30 mga players na ang kinapitan ng COVID-19, kung saan ilan sa mga ito sina Nikola Jokic ng Nuggets, Derrick Jones Jr ng Miami Heat, at maraming iba pa.

MAKIBAHAGI SA BLOOD DONATION DRIVE SA CHINESE GENERAL HOSPITAL

Posted on: July 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Bilang isa sa mga unang salvo ng paggunita sa Blood Donors Month ngayong July 2020 alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1021 (1997, President Fidel Ramos), gaganapin ang isang blood donation drive sa Chinese General Hospital College (CGH College) sa darating na July 11, 2020, araw ng Sabado mula ika-pito ng umaga hanggang ika-dalawa ng hapon.

 

Ang CGH College ay nasa F. Blumentritt Road, Santa Cruz, Manila, katabi ng CGH Medical Arts Building at kilalang landmark ang Manila North Cemetery.

 

 

Dahil sa lumalaking pangangailangan sa dugo, lalong-lalo at nagsimula na ang Dengue months sa panahon ng tag-ulan at habang tayo ay patuloy na nakikipaglaban sa Corona virus Disease-2019, nagtulungan para isagawa ang proyekto ang Dugong Alay, Dugtong Buhay, Incorporated (DADBI) na pinamumunuan ng masipag na si Napoleon “Nap” Marilag at inyong lingkod na isang honorary member at ang Philippine Chinese Charitable Association, Incorporated (PCCAI), na siyang may-ari at nagpapatakbo ng CGH Medical Center na pinangungunahan nina Dr. James Dy, Antonio Tan, Kelly Sia, Dr Samuel Ang at Dr. Benito Goyokpin.

 

 

Bukas po ang blood donation campaign sa lahat ng nagnanais na magbahagi ng kanilang dugo.
Simple lamang po ang proseso na gagawin, karagdagan lamang ang mga health protocol na susundin ng mga DADBI at PCCAI-CGHMC organizer sa pangunguna ni CGHMC deputy administrator and Vice President Gracita “CheChe” Javier alinsunod sa pinaiiral ng ating Department of Health at ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Disease.

 

Susuriin po kayo ng mga doctor ng CGHMC upang malaman kung kayo ay may sapat na tulog, tamang timbang, maayos at normal na blood pressure, walang bagong tattoo sa loob ng isang taon, walang maintenance drugs o depende sa iniinom, hindi sumalang sa bagong operasyon, walang menstruation sa mga babae, at hindi nagbigay ng dugo sa nakaraang tatlong buwan.

 

Masusi rin pong sasailalim sa pagsusuri ang makukuhang dugo kung ito ay mayroong syphilis, HIV, hepatitis at HTLV (human T-lymphotropic virus) na nagdudulot ng karamdaman sa dugo o sa nerve system.
Sa mga lalahok sa blood donation, maliban sa merienda at tubig, pagkakalooban din kayo ng tumbler, tig-isang box ng ferrous sulphate para sa iron deficiency anemia at calcium carbonate.

 

Ang mga gamot ay handog mula sa inyong lingkod at PDG (past district governor) Dr. Robert Sy, project manager ng Lions Quest, MD 301, na isa ring PCG auxiliary at ang kabiyak niyang si PDG Marissa Sy, MD301-A4 sa koordinasyon ni Lion President Sol Flores Jr. at ang DOH.

 

Kinakailangan ninyong magsuot ng face mask, habang daraan kayo sa proseso ng thermal scanning, paglalagay ng alcohol o paghuhugas ng kamay, at oobserbahan po ang social distancing.

 

Ang mga tauhan ng ospital na haharap sa inyo ay nakasuot ng kanilang PPE (protective personal equipment).
Makatutulong kung kayo na magdo-donate ng dugo ay may sapat na tulog, anim hanggang walong oras, naka-inom ng 16 oz na tubig bago magpakuha ng dugo, nakapaligo nang maayos, kung maaari ay naka-short sleeves lamang o t-shirt, hangga’t maaari ay dapat nakapantalon ang mga kababaihan, at nakapag-agahan para maiwasan ang pagkahilo.
Kahit tumigil ang ekonomiya at namalagi tayo sa bahay ng tatlong buwan, hindi naman tumigil ang pangangailangan ng mga kababayan natin sa dugo, kaya lubhang mahalaga ang pakikiisa ninyo sa ating blood donation campaign, marami kayong masasagip na buhay.

 

Ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na tayo sa ating mga bayani na lalahok sa darating na July 11, 2020.
Magkita-kita po tayo sa CGH College.

Kai Sotto nagpatattoo; NBA player na ang dating

Posted on: July 9th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Ikinagulat ng fans ang video na naka-post sa Instagram ni NBA G-League player Kai Sotto kung saan makikitang puno ng tattoo ang kanang braso nito na parang manlalaro na ng National Basketball Association (NBA).

 

Walang caption pero may tatlong fire emojis ang post na video ng 7-foot-2 na si Sotto at ipinakikitang  may bagong tattoo ang buong kanang braso nito.

 

Malinaw sa video ang nakalagay na tattoo ni Sotto sa buong braso na  Halloween theme, na may pumpkin heads, ghoul, at witch sa paligid.

 

Hindi naman sigurado kung ang tattoo ay totoo o’ isang temporary tattoo lamang.

 

Matatandaang ang ama ni Kai na si Ervin ay may tattoo rin sa dalawa nitong braso na ancient drawings.
Simula pa noong 2018 ay nasa Atlanta, Georgia na ang buong pamilya ni Kai habang ito ay nag-eensayo sa US bilang paghahanda sa pangarap nitong maging unang purong Pinoy na manlalaro ng NBA.

 

Inaasahang sa muling pagbubukas ng NBA G-League ay sasabak na sa laro si Sotto matapos pumasok sa elite prospect program.