• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 16th, 2020

Ilang fans bumilib sa pagpapakitang gilas sa boxing ni Jemuel Pacquiao

Posted on: July 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Umani nang positibong reaksyon mula sa ilang boxing fans ang pagpapakitang gilas sa ensayo sa boxing ng panganay na anak ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao na si Jimuel.

 

Nag-post kasi sa social media ang 19-anyos na si Jimuel ng video ng kaniyang boxing training.

 

Sinabi nito na marami siyang natutunan sa kaniyang ama gaya ng positioning at balance.

 

Dahil dito, maraming fans ng fighting senator ang nagsabing kayang-kaya niyang sundan ang mga yapak ng ama sa larangan ng boksing.

 

Ang iba ay tinawag pa itong “Little Pacquiao.”

 

Magugunitang mismong ang Pinoy ring icon ang nagtuturo sa anak sa mga sekreto nito sa matagumpay na career sa boxing.

BAGONG LAYA, BEBOT PINATAY

Posted on: July 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PATAY ang isang babaeng kalalaya pa lamang umano sa kulungan dahil sa kasong iligal na droga nang barilin ng hindi pa nakilalang salarin sa Port Area,Maynila kagabi.

Kinilala ang biktima na si  Janel  Seguros  ng 11st Railroad Port Area.

Nabatid na naglalakad sa may Rail Road Street sakop ng  Barangay 650 nang may bumuntot sa kaniyang isang lalaki saka binaril sa ulo.

Matapos ang pamamaril ay saka iniwan ang biktima naduguang nakahandusay saka mabilis na tumakas ang suspek

Patuloy naman nagsasagawa ng follow up operation ang pulisya para sa ikadakip ng suspek.

Gayundin inaalam pa kung may kinalaman sa droga ang pamamaril sa biktima na umanoy sangkot din sa ilang iligal na aktibidad sa Maynila.  (GENE ADSUARA)

Hontiveros sa house-to-house search for COVID-19 cases ng PNP: Parang tokhang

Posted on: July 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inihalintulad ni Senator Risa Hontiveros ang inisyatibang house-to-house search para sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 cases sa ‘oplan tokhang’ na isasagawa ng mga pulis, local government, at health officials.

 

Maaalalang ang oplan tokhang ay ikinasa laban sa iligal na droga.

 

“Parang tokhang pero pang-COVID. This may actually discourage more people from reporting their status. We need to improve home- and community-based healthcare,” ani Hontiveros sa pahayag.

 

“Imbes na pulis, mas kinakailangan ang mga doktor at health workers sa barangay at mga kabahayan. We need more and better barangay-based healthcare, not this,” dagdag pa nito.

 

Ito ang naging reaksyon ng senadora makaraang

 

Samantala, nilinaw naman ni Interior Secretary Eduardo Año na pangungunahan ng mga local health officials ang naturang programa at aasistihan lamang ng mga pulis.

 

“Ang ating kapulisan naman ay mag-a-assist lang sa kanila para sigurado na ma-implement ang lockdown at sigurado din na maayos naman ‘yung paglilipat ng ating mga positive patients.”

NBA: James Harden, Nikola Jokic nasa Orlando na matapos ang mga delay

Posted on: July 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nakarating na sa Walt Disney World Resort Campus sa Orlando, Florida si NBA star James Harden para humabol sa Houston Rockets na naghahanda sa muling pagpapatuloy ng 2019-20 season.

 

Ngayong Miyerkules nang dumating sa Florida si Harden, limang araw matapos mauna ang kanyang team na Houston Rockets na magtungo sa campus.

 

Hindi naman idinetalye ng Rockets ang dahilan kung bakit nahuli ng dating si Harden.

 

Sa kabilang dako, umaasa naman ang Houston na makakasama na nilang muli si All-Star guard Russell Westbrook sa NBA bubble sa mga susunod na araw.

 

Kamakailan kasi nang magpositibo sa coronavirus si Westbrook, bago pa man bumiyahe patungong Orlando ang koponan.

 

Kinakailangan munang magnegatibo si Westbrook nang dalawang beses bago ito payagang makapasok sa loob ng NBA bubble.

 

Samantala, nasa loob na rin ng NBA bubble ang big man na si Jokic, na naantala ang biyahe sa Amerika makaraang dapuan ng coronavirus.

 

Batay sa ulat, bagama’t tapos na raw ni Jokic ang 48-hour quarantine ng NBA, hindi pa raw ito pinapayagang lumahok sa ensayo ng team.

 

Kinakailangan daw munang sumailalim ni Jokic sa testing bago makasama ang Nuggets sa practice court.

 

Sa Hulyo 31 oras sa Pilipinas muling magpapatuloy ang mga laro sa NBA kung saan maghaharap ang Utah Jazz at New Orleans Pelicans, maging ang magkaribal na Los Angeles Lakers at Clippers.

Int’l travelers bumaba ng 95% mula nang mag-lockdown

Posted on: July 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Bumaba ng 95 porsyento ang bilang ng mga international passenger na pumasok at lumabas ng bansa mula nang magsimula ang COVID-19 lockdown nitong Marso, kumpara sa kaparehas na panahon noong 2019, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

 

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, mahigit sa 96 porsyento ang ibinaba ng international arrivals at 95 porsyento sa departure mula Marso 16 hanggang hunyo 30 dahil sa suspensyon ng mga flight at travel restrictions sanhi ng pandemya.

 

Tanging 189,000 pasahero lamang ang dumating sa bansa at 238,000 ang umalis sa panahong ito, kumpara sa 5016 milyong departure sa parehong panahon noong 2019.

 

“We do not foresee these statistics to rise in the near future while the entire world is still fighting to defeat this coronavirus,” ayon kay Morente.

 

Ayon kay deputy spokesperson Melvin Mabulac, maraming pasahero ang pumasok at lumabas sa bansa sa pmamagitan ng Ninoy Aquino International Airport dahil sarado ang ibang international gateways habang may lockdown.

 

Aniya, pinayagan lamang na magbalik-operasyon ang international flights sa Clark at Mactan airports noong Hunyo.
Ayon pa kay Mabulac, kabilang sa mga dumating ang mahigit 16,000 seafarers na bumaba sa barko makaraang i-quarantine sa mga barko sa Manila Bay. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

MRT 3 at LRT: bawal mag-usap at gumamit ng cellphone sa loob ng trains

Posted on: July 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pinagbawal ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) at Light Rail Transit Line 1 (LRT 1) ang paggamit ng cellphones at mag-usap sa loob ng dalawang rail lines.

 

Sa isang advisory mula sa MRT 3 sinabing ang polisiya ay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga pasahero at sa loob ng trains.

 

“To avoid the possible spread and infection of the virus among commuters, answering phone calls and talking inside the trains are now prohibited,” ayon sa advisory.

 

Muling pinaalalahanan ng pamunuan ng MRT 3 ang mga pasahero na magsuot ng face masks sa lahat ng oras upang maiwan ang pagkalat ng droplets sa mga trains lalo na kung nagsasalita o umuubo at humatsing.

 

Namimigay din ang mga empleyado ng Department of Transportation (DOTr) ng mga health declaration forms sa mga commuters bago sila pumasok sa mga stations at sumakay sa trains na siyang gagamitin sa contact tracing.

 

“Commuters are required to state on the health declaration forms their name, address, contact number, station entry, date and time, temperature, and whether they are manifesting symptoms of COVID-19,” wika ng DOTr.

 

Ayon sa DOTr, ang mga health measures na ito ay ginagawa ng pamunuan ng MRT 3 upang masigurado ang kaligtasan ng mga pasehero at empleyado nito.

 

Noong July 11 ay may naitalang may 281 na empleyado ang positive sa COVID 19 mula sa kabuuhang 3,300 na personnel ng MRT3.

 

Karamihan sa mga nagpositbo sa COVID-19 ay mga depot personnel at station employees at may kasama rin na ticket sellers.

 

Matapos ang 5-day na shutdown ng operation ng MRT 3, ang naka deploy at tumatakbong trains sa ngayon ay 13 na lamang mula sa 16 hanggang 19 na trains.

 

At dahil sa kokonti ang tumatakbong trains ng MRT 3, may mahabang pila ng mga commuters sa mga stations ang nararanasan ngayon.

 

“No talking” din ang polisiya sa LRT Line 1 upang maiwasan ng pagkalat ng COVID 19 virus subalit kung “life and death situation” ay maaari silang gumamit ng cellphones subalit kinakailangan may suot pa rin silang face masks.

 

Ayon sa pamunuan ng LRT 1, sinusunod lamang nila ang warning ng World Health Organization (WHO) at Department of Health (DOH) na kung ang isang tao ay infected ng COVIC 19, “talks, sneezes or coughs” droplets ay maaaring lumabas sa kanilang bibig at ilong na maaaring malanghap ng ibang tao o pasahero sa train. (LASACMAR)

Ads July 16, 2020

Posted on: July 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

2020, Year of Filipino Health Workers – Duterte

Posted on: July 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2020 bilang Year of Filipino Health Workers.

 

Nakasaad sa Proclamation No. 976, ang pangangailangan na bigyang-pugay ang kabayanihan at sakripisyo ng mga doctors, nurses, midwives at lahat ng health workers na itinataya ang kanilang buhay sa linya ng kanilang serbisyo lalo na ngayong humaharap sa COVID-19 pandemic ang Pilipinas.

 

Maliban dito, ang Pilipinas, bilang miyembro ng World Health Organization (WHO) ay sinusuportahan ang deklarasyon nito na nagsasaad na dapat bigyang pagkilala ang lahat ng health workers.

 

Iniatas naman sa Department of Health (DOH) ang pangunguna sa pag-oobserba ng Year of Filipino Health Workers habang ang mga LGUs, GOCC, SUCs at iba pang departamento ng pamahalaan ay hinihikayat na makipagtulungan at asistehan ang DOH sa implementasyon ng proklamasyong ito.

 

Lahat naman ng national local publications, TV networks at radio stations ay hinihikayat na makiisa sa pagpapakalat ng awareness at public support sa mga programa at aktibidad na mayroong kinalaman sa selebrasyon nito.

 

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang naturang proklamasyon nitong Hulyo 6.

MAG-ASAWA na BACKRIDING sa PRIVATELY USED MOTORCYCLE, PINAYAGAN NA

Posted on: July 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pero mga safety experts hindi pabor sa paglagay ng metal barrier sa pagitan ng rider at angkas na pasahero.

 

Magandang balita na sana para sa mga may family-use motorcycles dahil sa wakas ay pinayagan na ang angkasan ng mag-asawa – kung kasal o hindi ay dapat bang linawin sa guidelines. Pero may dagdag gastos pa dito dahil kailangan daw ng metal barrier sa gitna ng driver at sakay nya, na pinaniniwalaan naman ng mga eksperto na mapanganib. Solusyon daw ang harang sa gitna sa social o physical distancing. Pero ang tanong nga ay kung safe ba.  Ang design ng motor ay pinag-aralan ng mga dalubhasang inhinyero at hindi mga politiko tulad ng nagbigay ng suhestiyon na ganito.  Sa palagay ng ilan, makakaapekto sa balanse ng rider at pasahero dahil parang nilagyan mo ng sariling manibela ang angkas na pasahero. Kailangan kasi sa pagmomotor, para mapanatili ng driver ang balanse ay nadadala nya ang bigat ng pasahero. Pag may aksidente ay maaring magdulot ng mas malalang sakuna ang metal barrier lalo na kapag natanggal ito at tumusok sa tao.  Magastos na, mapanganib pa. Hindi rin kaya ma-monitor ng IATF kung gaano katibay ang installation ng mga metal barrier at maari pang makaapekto sa pag-claim ng insurance kapag may nangyaring aksidente. May mga ibang eksperto na sinasabing sapat na ang naka helmet ang rider at ang angkas nito at additional shield back pack tulad sa gamit sa Indonesia. Maging ang mga motorcycle manufacturers ay duda sa safety ng metal barriers na iminumungkahi.  Nauunawaan naman natin na humahanap ang IATF ng mabisang paraan para mapanatili ang social distancing at iwasan ang hawaan. Pero kung ang papayagan lang na magka-angkas ay ang mag-asawa para saan pa ang metal barrier kung sa bahay naman ay magkasiping sila. Sana ay makita ng mga taga IATF ang katuturan ng mga opinyon dito bago ipatupad ang polisiya ng metal barrier. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

MM mayors, patuloy na inihihirit ang GCQ

Posted on: July 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY na inihihirit ng mga Metro Manila Mayors na manatili sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang kani-kanilang mga nasasakupan.

Ito ang sinabi ni National Task Force on COVID 19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez base na rin sa kanilang pakikipag- usap sa mga Mayor dito sa NCR.

Base sa inilatag na rekomendasyon ng mga Alkalde sa Kalakhang Maynila, sinabi ni Galvez na binabalanse rin kasi ng mga Local Chief Executives sa kabilang banda ang patungkol sa ekonomiya.

Naiintindihan din naman aniya ito ng national government gayung una na ring nabanggit ng Department of Finance na nasa tipping point na ang ekonomiya at mas mahirap na sitwasyon ang kakaharapin kapag hindi maka- recover ang kalakalan.

Magkagayon man ay inihayag ni Galvez na pag-uusapan pa nila sa IATF ang suhestiyon ng mga punong bayan sa Kamaynilaan na tila kumikilos “as one for all … all for one.”