• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 2nd, 2020

Ex-NBI chief Dante Gierran, itinalaga bilang bagong Philhealth head

Posted on: September 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Itinalaga ni Pangulong Rodrig Duterte si dating NBI chief Dante Gierran bilang bagong Philhealth chief.

 

Kinumpirma ni Senator Bong Go ang appointment ni Gierran.

 

Papalitan ni Gierran ang nagbitiw na si Ricardo Morales.

 

Magugunitang nahaharap sa imbestigasyon si Morales dahil sa malawakang katiwalian.

 

Tiniyak ng bagong hepe ng Philippine Health Insurance Corp. (PHILHEALTH) na kaniyang ibabalik ang pagtitiwala ng tao sa nasabing ahensiya.

 

Ayon kay Atty. Dante Geirran, na siyang bagong talagan hepe ng PhilHealth, na kaniyang lubos na gagawin ang lahat ng kaniyang makakaya para mapaganda ang trabaho.

 

Isa rin aniya itong malaking karangalan ang pagkatalaga sa puwesto at bilang isang mabuting sundalo ay hindi ito aatras sa misyon.

 

Aminado ito na mahirap ang nasabing trabaho na maibalik ang tiwala sa tao sa ahensya sa loob ng 2 taon.

 

Pinasalamatan nito ang pangulo sa pagkakatalaga sa kaniya sa puwesto na isa aniyang karangalan para sa kaniyang magulang.

 

Magugunitang naging hepe si Geirran ng NBI bago italaga sa PhilHealth na papalitan naman niya ang nagbitiw na si retired Brig. General Ricardo Morales.

 

Aminado  rin ang bagong talagang PhilHealth, na wala siya gaanoong kaalaman sa kalusugang publiko ngayong uupo na siya sa katungkulan.

 

Sa panayam ng ANC kay PhilHealth President at CEO Dante Gierran, dating direktor ng National Bureau of Investigation, sinabi niyang natatakot siyang gampanan ang panibagong trabaho ngayong wala ito sa kanyang kasanayan.

 

“Natatakot ako. Takot ako kasi hindi ko alam ang operasyon ng PhilHealth. Hindi tulad ng NBI, alam ko ang operasyon ng NBI. Pero ang PhilHealth, wala. Hindi ko alam ang public health,” sambit ni Gierran

Malakanyang, todo-depensa sa pagkakapili kay Gierran bilang bagong PHILHEALTH Chief

Posted on: September 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

IGINIIT ng Malakanyang na hindi kailangan  na isang health expert ang dapat na maitalaga sa PHILHEALTH upang maayos na mapagana ang ahensiya.

 

Ito ang naging tugon ni Presidential spokesperson Atty Harry Roque sa reaksiyon ng Unyon sa PHILHEALTH na sanay ang naitalaga sa kanila ay isang eksperto sa health insurance.

 

Binigyang halimbawa pa nito na  hindi naman  kailangan na maging embalsamador ang isang manager ng memorial park.

 

Pagbibigay diin ni Sec. Roque, ang mahalaga ngayon ay malinis ang korupsiyon sa PHILHEALTH at naniniwala silang pasok sa kuwalipikasyon si dating NBI Director  Dante Gierran upang pamunuan ang ahensiya.

 

Giit nito si Gierran  ay abugado bukod pa sa CPA  kayat may alam aniya ito kapwa sa financial at  legal aspect.

 

Bukod dito ayon kay Sec. Roque ay hindi kailanman nakaladkad sa anomang kontrobersiya ang pangalan ni Gierran at subok na aniya ang integridad nito.

 

Sa ulat, nagpahayag ng  pagkadismaya ang grupo ng mga empleyado sa PhilHealth sa pagkakatalaga kay Gierran bilang bagong pangulo ng PhilHealth.

 

Ayon   sa lider ng Employees Union ng PhilHealth  na si Fe Francisco, hindi pinakinggan ni Pangulong Duterte ang kanilang panawagan na magtalaga ng financial expert na marunong sa PhilHealth.

 

Dapat din aniya  ay may 7 years experienced sa field ng public health at dapat  ay rekumendado ng Board ng PhilHealth base na rin  sa nakasaad sa Universal Health Care Law. (Daris Jose)

13-M NA PAMILYA NABIYAYAYAN NA NG 2ND TRANCHE NG SAP

Posted on: September 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT na sa mahigit 13.59 milyong pamilya nag naka tanggap ng ayudang P6,000-P8,000 sa ilalim ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

 

Batay sa datos ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD)  nasa  13,598,020 pamilyang benepisyaryo na ang nakatanggap ng cash aid.

 

Dahil dito, aabot na sa P81.4 bilyon ang nailabas ng DSWD para sa 2nd tranche ng SAP. Ang SAP ay isang proyekto ng pamahalaan upang matulungan ang mga nawalan ng trabaho dulot ng COVID19. (RONALDO QUINIO)

Duterte humalik sa lupa

Posted on: September 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Hinalikan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lupa kung saan naganap ang pagsabog sa Jolo, Sulu.

 

Binisita ni Duterte ang lugar kung saan lumuhod siya at humalik sa lupa.

 

“That’s why      when I visited the blast — and thank you for sharing with me the gesture — lumuhod ako, hinalikan ko ‘yung at least semento to where my soldiers and the countless and the num — at saka ‘yung mga Tausug na walang ka — their lives snuffed out for no reason at all,” ani Duterte sa kanyang pagbisita nitong Linggo.

 

Sinabi ni Duterte na hinalikan niya ang lupa dahil hindi man lamang nakapag-sign of the cross ang mga namatay sa big­lang pagsabog.

 

“Walang kasalanan kaya ako lumuhod, hinalikan ko ‘yung lupa kasi hindi lang man nakapagtawag ‘yung “Allah, I commit my…” o nagpaka-sign of the cross before dying,” paliwanag ni Duterte.

 

Sinabi rin ni Duterte na “unfortunate” ang nangyari na patunay na hindi dapat magpaka-kampante pagdating sa isyu ng te­rorismo.

 

Ipinaalala rin ng Pa­ngulo sa mga sundalo na dapat palaging maging prayoridad ang kaligtasan ng komunidad at mga mamamayan.

 

Naganap ang pagsabog noong Agosto 24 kung saan nasa 15 katao ang namatay kabilang ang pitong sundalo.

Pagdanganan kumita ng P200K sa Arkansas golf

Posted on: September 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAPARTIHAN ng $4,329 (P200K) si Bianca Pagdanganan kahit nanlamig sa final round sa one-over par 72 pa-three-day aggregate 210 at mapabilang sa six-way tie para sa 61st slot sa wakas nitong Lunes (Manila time) ng Walmart NW Arkansas Championship sa Pinnacle Country Club sa Arkansas.

 

Pumalo sa first two rounds ng 70 at 68, naiwanan ang Pinay rookie pro ng 17 strokes kay champion Austin Ernst ng USA (63-193) na nagsubi ng $345K ($16.8M) top prize sa torneong nilahukan ng 156 golfers.

 

May agwat na dalawang tira si Ernst kay Anna Nordqvist ng Sweden (69-195), samantalang dalawang Amerikana pa ang nagsalo sa ikatlo’t-ikaapat na posisyon na sina Angela Stanford (65-197) at Nelly Korda (67-197) sa yugtong ito ng Ladies Professional Golf Association (LPGA).

 

Pero laglag balikat ang dalawang pambato pa ng Pilipinas na sina Dottie Ardina at Fil-Am Clariss Guce na mga na-cut sa second round. Lumanding sa 18 magkakatabla sa ika-98 puwesto si Guce, habang si Ardina ay nasa apat na magkakatabla sa ika-135 na posisyon. (REC)

Basketball coach John Thompson Jr, pumanaw na, 78

Posted on: September 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pumanaw na ang unang Black basketball head coach na si John Thompson Jr sa edad 78.

 

Hindi na binanggit pa ng kaanak nito ang sanhi ng kamatayan nito basta ang sinabi lamang na nagkaroon ito ng problema sa kalusugan.

 

Hindi na binanggit pa ng kaanak nito ang sanhi ng kamatayan nito basta ang sinabi lamang na nagkaroon ito ng problema sa kalusugan.

Ads September 2, 2020

Posted on: September 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

P2.8M ALLOWANCE NG MGA FRONTLINERS SA NAVOTAS

Posted on: September 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAGLAAN ang Lokal na Pamahalaan ng Navotas ng P2.8 milyon para sa one-time special risk allowance (SRA) ng mga frontliners na humaharap sa laban kontra sa COVID-19 pandemic.

 

Nasa 428 city employees, 187 mula sa City Health Office at 241 mula sa Navotas City Hospital, ang nakatanggap ng kanilang SRA.

 

“Lubos kaming nagpapasalamat na ang aming medical at health care providers ay nakatuon at matatag. Sila ay walang pagod na nagtatrabaho at nagbibigay ng masigasig na pangangalaga at serbisyo sa nagdaang anim na buwan, ” ani Mayor Toby Tiangco.

 

“Pinahahalagahan namin ang mga sakripisyo na kanilang ginagawa para sa aming mga kapwa Navoteño. Inaasahan namin na makakatulong ang SRA na mapalakas ang kanilang moral at bibigyan sila ng bagong lakas habang patuloy nating nilalabanan ang health crisis,” dagdag niya.

 

Noong nakaraang Mayo, ang City OrdinanceNo. 2020-20 ay nagbigay sa mga health workers sa Navotas na direktang contact ng mga suspected, probable at positive ng COVID-19 ng karagdagang bayad na katumbas ng maximum na 25 porsyento ng kanilang buwanang suweldo.

 

Alinsunod sa Malacañang’s Administrative Order No. 28 na nagsasaad na ang SRA ay kinu-computed sa isang na-rate na batayan depende sa bilang ng araw ng mga public health workers na pisikal ng kanilang trabaho. (Richard Mesa)

BILANG NG KASO NG COVID-19 SA KYUSI NASA HIGIT 11K NA

Posted on: September 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY na nadaragdagan  ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Quezon City.

 

Sa huling datos ng Quezon City Health Department , umabot na sa 11,464 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.Ang nasabing mga kumpirmadong kaso sa lungsod ay validated na ng QCESU at district health centers.Samantala sa bilang naito ay nasa , nasa 1,996 lamang  ang aktibong kaso na patuloy na nagpapagaling.9,045 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 423 ang nasawi.

 

Nasa 11,673 naman ang suspected COVID-19 cases kabilang na ang mga natukoy sa isinasagawang mga contact tracing. Sa unahg araw naman ng muling pag sasailam sa General Community Quarantine (GCQ) ng Metro Manila ay kapansin-pansin na halaos usad pagong ang daloy ng trapiko sa mga lnasangan sa Kyusi partikulat ang Regalado Ave., Commonwealath Ave., Visayas Ave., at Elliptical road. (RONALDO QUINIO)

NCR, Bulacan, Batangas, Tacloban at Bacolod nasa GCQ – PRRD

Posted on: September 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Mananatili sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila simula Septembre 1-30.

 

Ito mismo ang inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte base na rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

 

Kabilang na nasa ilalim ng GCQ ang mga probinsiya ng Bulacan, Batangas at lungsod ng Tacloban at Bacolod.

 

Habang nasa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ sa Iligan City at ang natitirang bahagi ng bansa ay mananatili sa modified general community quarantine (MGCQ).

 

Dagdag pa ng pangulo na hanggang wala pang bakuna laban sa coronavirus ay dapat sundin pa rin ng mga mamamayan ang ipinapatupad na health protocols gaya ng physical distancing, paghuhugas ng kamay at pagsuot ng face mask.