IGINIIT ng dalawang batikang abogado na sina Atty Larry Gadon at Atty Glenn Chong na obstruction of justice ang ginagawa ng dalawang senador na kinabibilangan nina Senator Franklin Drilon at Senator Sonny Angara kasunod ng kanilang insertion o pagnanais na huwag bigyan ng pondo ang nasabing laboratoryo.
Ayon naman kay Dr. Erwin Erfe, chief ng Forensic Laboratory Division ng PAO na brazen abuse of power ang ginagawa ng dalawang naturang senador para matigil ang ginagawang pag tulong sa mga mahihirap.
“Abuso sa kapangyarihan at unconstitutional ang ginagawa ng dalawang senador na yan dahil lamang sa kalaban ng kliyente nila (Accra) ang mga tinutulungan naming mahihirap,” saad ni Erfe. Mag dudulot din ito ng tinatawag na “chilling effect” sa mga regular na empleyado ng gobyerno.
Sinabi naman ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta, na matagal ng may “kill PAO Forensic Lab” na pinag iinitan ng dalawang senador na isang panggigipit sa mahihirap na kliyenye ng PAO upang hindi makapag testify laban sa mgannasa likod ng dengvaxia case. Patuloy naman na nanawagan ang PAO sa pangunguna ni Atty Persida V. Rueda-Acosta kay PDU30 na huwag sanang p[ayagan ang pag alis ng pondo ng PAO Forensics Lab. (RONALDO QUINIO)