• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 18th, 2021

May milagro kay Black

Posted on: January 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGAGALAK at pasalamat si incoming Meralco sophomore professional Aaron Black sa pagkakasama niya top five candidates para sa Outstanding Rookie award ng 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Online Awards sa darating na Linggo, Enero 17.

 

“Definitely an honor to be considered as one of the better rookies of the (Philippine Cup) bubble,” litanya kahapon ng dating Ateneo Blue King Eagle sa University Athletic Association of the Philippine at anak ni Bolts coach Norman Black.

 

Swak sa No. 2 ng nakababatang Black sa statistical points (SPs) para sa nasabing parangal, na sinasandalan niya niyang motibasyon dahil kahit aniya ‘di bigatin at ‘di kabilang siya sa top rookie prospects, naging kandidato siya sa magandang puwesto.

 

Humihinga siya sa bumbunan sa SPs kay Roosevelt Adams ng Terrafirma Dyip at angat kina Kevin Barkley Eboña ng Alaska Milk, Aris Dionisio ng Magnolia Hotshots at Arvin Tolentino ng Barangay Ginebra San Miguel

 

“Even if you are drafted in the third or fourth round, if you work your butt off and you have the opportunity to show what you work for, I think it’s possible,” giit ng 24-anyos at 6-1 na kaliweteng guard.

 

Siya’y tinapik sa second round, 18th pick overall sa 35th PBA Rookie Draft 2019 ng kanyang tatay. (REC)

Travel restrictions sa mahigit 30 bansa extended hanggang Enero 31

Posted on: January 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

EXTENDED ang travel restrictions sa mahigit na 30 bansa hanggang Enero 31, 2021 ito’y matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon na palawigin ng hanggang Enero 31, 2021 ang entry travel restrictions at rules na naaangkop sa lahat ng biyahero na mula o manggagaling mula sa mga bansang…

 

  1. The United Kingdom
  2.  Denmark
  3. Ireland
  4. Japan
  5. Australia
  6. Israel
  7.  The Netherlands
  8. The People’s Republic of China, kabilang na ang Hong Kong Special Administrative Region
  9. Switzerland
  10. France
  11. Germany
  12. Iceland
  13. Italy
  14. Lebanon
  15. Singapore
  16. Sweden
  17. South Korea
  18. South Africa
  19. Canada
  20. Spain
  21. United States of America
  22. Portugal
  23. India
  24. Finland
  25. Norway
  26. Jordan
  27.  Brazil
  28.  Austria
  29.  Pakistan
  30.  Jamaica
  31.  Luxembourg
  32. Oman

Sinabi ni Sec. Roque na hindi kasama sa listahan ang United Arab Emirates dahil mismong ang Pangulo ang maga-anunsyo kung dapat ngang isama sa listahan o hindi.

“List is for extension of restrictions and not for new,” giit ni Sec. Roque.

Kaugnay nito, inatasan din ng IATF ang Department of Transportation na mahigpit na magpatupad ng issuances sa mga airline na magsasakay ng mga pasahero na mahigpit na pinagbabawal na makapasok sa Pilipinas ayon sa travel restrictions ng office of the president at ng inyong IATF.

Sa kabilang banda, papalakasin ang contact tracing protocols kung saan isasama ang third generation contacts para sa new variant cases. Lahat ng matutukoy na close contacts ay kailangang sumailalim sa mahigpit na facility-based 14-day quarantine samantalang ang natirang contacts mula sa flight manifest ay papayuhan sumunod sa appropriate quarantine protocols.

Sa kabilang dako, inatasan naman ng Department fo the Inetrior and Local Government (DILG) na maglabas ng advisories sa mga local government units para paghandaan at palakasin ang maintenance ng kanilang quarantine faciltiies.

Nais ng DILG na tiyakin na mapapatupad ng tama ang paggamit ng StaySafe.ph system ng mga LGUs para sa contact tracing.

Sa mga nagpostibo, liban sa prescribed testing and quarantine protocols, kailangan nilang sumailalim sa whole-genome sequencing na gagawin ng Department of Health, University of Philippines Philippine Genome Center at ang National Institutes of Health (UP-INHS).

Kaugnay nito, ang Overseas Workers Welfare Administration at ang DOTR One Stop Shop ay sisiguraduhin na magpapatupad ang tamang protocols sa mga nagpositibo na new Covid-19 variants.

Samantala, inaprubahan din ng IATF ang pagpapatuloy ng weekly genomic bio surveilance activities ng Department of Health, UP-PGC, UP-NIH sa mga papasok na pasahero at local cases kung saan binibigyang prayoridad ang mga pasyentong nasa reinfected patients at ang nasa clusters.

Ipinag-utos ng IATF ang pagkakaroon ng small working group para maresolba ang mga isyu tungkol sa funding availability at paggamit ng quarantine facilities at eventual handling sa LGUs ng mga paparating na mga overseas Filipinos. Ang DOH ang inatasan na manguna sa small group na ito.

Sa iba pang mga bagay, inaprubahan ng IATF ang updated criteria for selecting priority areas for Covid-19 vaccines deployment ng Department of Health, in consultation with the interim National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) for Covid-19 Vaccines.

At panghuli, irevise ng IATF ang operational capacity ng road, rail, maritime and aviation centers sa pampublikong transportasyon sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine at modified general community quarantine.

“Yan po ang pinakahuling balita galing sa inyong IATF. Uulitin ko po, ang travel restrictions apra po sa mga bansang meron na pong variant ng Covid-19, sumatotal 30 countries po ito po ay pinalawig pa hanggang January 31 ng taong ito,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)

Chulani malaking kawalan para sa cycling – Tolentino

Posted on: January 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINAGLUKSA ng komunidad ng cycling ang pagkamatay sa atake sa puso nitong Linggo, Enero 10 ni Ronda Pilipinas chairman Moe Chulani sa batam-batang edad lang na 45 taong-gulang.

 

Nanguna ang bagong muling nahalal na pangulo ng Integrated Cycling Federation of the Philippines o PhilCycling (ICFP)) na si Abraham Tolentino, sa mga nakiramay sa mga inulila ni Chulani, ang nagtatag ng LBC Ronda Pilipinas bikathon na nasa 10 taon noong 202, kasama si Dino Araneta.

 

“He’s a loss in the cycling community. He’s very dedicated in cycling,” komento ni Cavite Eight District Rep. Tolentino, na siya ring presidente ng Philippine Olympic Committee (POC). (REC)

Highly-Anticipated Films to Watch This First Half of 2021

Posted on: January 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BECAUSE of the COVID-19 pandemic, 2020 has been a tough year for the film industry, especially with all the film releases getting postponed to a later date. 

 

Here’s a rundown of some of the highly-anticipated films we’re all looking forward to catching in cinemas this first half of 2021!

 

Things are looking a bit brighter as more cinemas start to open this year, although with stricter regulations to ensure the safety of its staff and moviegoers. Check it out below:

 

FEBRUARY:

Nomadland (February 19)

Directed by: Chloé Zhao
Starring: Frances McDormand, David Strathairn  

 

The Mauritanian (February 19)

Directed by: Kevin Macdonald
Starring: Benedict Cumberbatch, Shailene Woodley, Zachary Levi, Jodie Foster

 

MARCH:                         

Raya and the Last Dragon (March 5)

Directed by: Don Hall
Starring: Kelly Marie Tran, Awkwafina

 

The King’s Man (March 12)

Directed by: Matthew Vaughn
Starring: Gemma Arterton, Matthew Goode, Aaron Taylor-Johnson, Ralph Fiennes

 

Morbius (March 19)

Directed by: Daniel Espinosa
Starring: Jared Leto, Matthew Smith, Michael Keaton, Jared Harris

 

APRIL:

No Time To Die (April 2)

Directed by: Cary Joji Fukunaga
Starring: Ana De Armas, Daniel Craig, Ralph Fiennes, Rami Malek, Lea Seydoux

 

Peter Rabbit 2: The Runaway (April 2)

Directed by: Will Gluck
Starring: James Corden, Elizabeth Debicki, Lennie James

 

A Quiet Place Part II (April 23)

Directed by: John Krasinski
Starring: Emily Blunt, Millicent Simmonds, Cillian Murphy, Noah Jupe

 

MAY:

Black Widow (May 7)

Directed by: Cate Shortland
Starring: Scarlett Johansson, Florence Pugh, Rachel Weisz, David Harbour

 

Free Guy (May 21)

Directed by: Shawn Levy
Starring: Ryan Reynolds, Taika Waititi, Joe Keery

 

Godzilla vs. Kong (May 21)

Directed by: Adam Wingard
Starring: Millie Bobby Brown, Alexandar Skarsgard, Kyle Chandler

 

Spiral (May 21)

Directed by: DarrenLynn Bousman
Starring: Morgan David Jones, Samuel L. Jackson, Ali Johnson

 

JUNE:

The Conjuring: The Devil Made Me Do It (June 4)

Directed by: Michael Chaves
Starring: Vera Farmiga, Patrick Wilson, Julian Hilliard

 

Ghostbusters: Afterlife (June 11)

Directed by: Jason Reitman
Starring: Finn Wolfhard, McKenna Grace, Carrie Coon, Sigourney Weaver

 

In the Heights (June 18)

Directed by: John M. Chu
Starring: Anthony Ramos, Leslie Grace, Corey Hawkins, Jimmy Smits

 

(Note: Release dates and movie lineup are subject to change without prior notice.) (ROHN ROMULO)

DIREK MARK, tatahi-tahimik lang sa biggest project ng Kapuso Network; na-excite ang netizens sa teaser ng ‘Voltes V(Five) Legacy’

Posted on: January 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAEXCITE agad ang netizens nang biglang maglabas ang GMA Network ng official “Voltes V(Five) Legacy” teaser. 

Post pa nila sa GMA Facebook: #VoltesVLegacy: Brace yourselves for the Boazanian invasion and LET’S VOLT IN!

Tatahi-tahimik lamang si Director Mark Reyes sa pinakamalaking project na mapapanood ngayong 2021 sa Kapuso Network pero nakagawa na pala siya ng teaser nito.

Noon kasing tinanong siya kung sinu-sino among the Kapuso stars ang bubuo sa cast ng Voltes V Legacy, matipid lamang niyang sagot ay “nagpapa-audition pa kami” although ipinakikita na niya ang preparations na ginagawa niya at ng kanyang team.

Kaya ready na ba kayo? Wait na lamang tayo ng susunod na announcement ng GMA Network kung kailan talaga mapapanood ang Voltes V Legacy at kung sinu-sino ang bubuo sa cast nito.

***

TAPOS na ang lock-in taping ni Mylene Dizon at cast ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa isang resort-hotel sa San Mateo, Rizal, naikuwento niya sa isang interview na may advantage at disadvantage din naman ang ganitong procedure sa pagti-taping.

     “Ang advantage sa akin, hindi na ako bibiyahe every other day mula sa bahay ko sa Silang, Cavite to the location” sabi ni Mylene.

“Since araw-araw ang taping namin nina Ate Guy (Nora Aunor), Kyline Alcantara, Zoren Legaspi, Ina Feleo, Yasser Marta, at si Direk Laurice Guillen, lagi kaming in character at nasusundan namin ang story. 

Naging mas closer din kami at parang nakakuha ako ng isang bagong pamilya sa kanila.                

“Iyon nga lamang, ilang araw kang malayo sa pamilya mo,  tulad ko na-miss ko ang dalawa kong anak, sina Tom at Lucas at ang partner ko (Jason Webb). 

Nang matapos na ang taping namin at nakabalik na ako sa bahay, hindi ko pa rin mayakap ang pamilya ko, dahil kailangan ko munang mag-quarantine bilang pagsunod sa health protocols.    “Pero okey din naman dahil bago ang lock-in taping, lahat naman tayo ay nag-enjoy makasama ang pamilya natin dahil lockdown tayo, wala tayong trabaho at walang classes ang mga anak ko, sama-sama kami sa bahay, naipagluto ko sila ng pagkain, na dati hindi ko nagagawa dahil nga I’m working.”                      Kasalukuyan nang napapanood araw-araw sa GMA-7 ang mga fresh episodes ng Bilangin ang Bituin sa Langit, 4:15PM after Prima Donnas.

***

NAG-TRENDING sa social media  ang pagdi-display ni Kapuso actress Andrea Torres ng kanyang toned abs sa kanyang Instagram last January 13.

Isang sun emoji lamang ang caption ni Andrea sa photo pero hindi napigilang mag-comment ang mga followers niya.

Nagagawa naman ni Andrea na ikondisyon ang sarili niya, kahit naka-lock-in taping sila ng cast ng Legal Wives, kasama sina Dennis Trillo, Alice Dixson, at Bianca Umali  na very soon ay mapapanood na rin sa GMA Telebabad.

Mas may oras kasi siya kung hindi siya kasamang kinukunan sa eksena. (Nora V. Calderon)

2 nalambat sa P170K shabu sa Navotas

Posted on: January 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang timbog matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas city, kahapon ng madaling araw.

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasbas ang naarestong mga suspek na si Jaymar Marquez, 28 ng Inocencio St. Tondo at Sharmaine Vergara, 26 ng Fabye St., Sta. Ana Manila.

 

Ayon kay Col. Balasabas, dakong 2:55 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez sa R10, Brgy. NBBN kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makabili sa mga suspek ng P500 halaga ng shabu.

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng ma operatiba.

 

Nakumpiska sa kanila ang nasa 25 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P170,000.00 ang halaga, buy bust money at P500 bills.

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Ads January 18, 2021

Posted on: January 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WHO nagsagawa ng emergency meeting dahil sa mga bagong variants ng COVID-19

Posted on: January 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagsagawa ng emergency meeting ang World Health Organization (WHO) para talakayin ang banta nang mabilis na pagkalat ng mga bagong variants ng coronavirus.

 

Ito ay matapos na napilitang magpatupad ng panibagong mga restrictions ang iba’t ibang bansa na nakakaranas nang pagsirit ng COVID-19 cases bunsod nang mutation ng virus.

 

Kadalasan kada tatlong buwan kung magkita-kita ang miyembro ng komite, pero minabuti ng WHO na magpulong sa lalong madaling panahon para talakayin ang mutation ng virus, na sinasabing mas nakakahawa.

 

Sa kanyang talum pati, sinabi ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus, pag-uusapan nila ang mga lumutang na bagong variants ng coronavirus at ang banta nito, pati na rin ang potential use ng mga bakuna kontra rito at testing certificates para sa international travel.

 

Ito na ang ika-anim na pulong ng WHO International Health Regulations emergency committee patungkol sa COVID-19.

ANDRES, kinatuwaan ng netizens dahil mas guwapo kay AGA

Posted on: January 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IBINAHAGI ni Charlene Gonzalez – Muhlach ang latest update sa kanilang twins ni Aga Muhlach na sina Andres at Atasha.

 

Kasama ang mga stolen photos ni Andres na hinangaan ng netizens dahil totoo namang nakapaka-guwapo nito, na pwedeng maging next matinee idol kung papasukin niya ang showbiz industry.

 

Caption ni Charlene, “flooding my feed with andres, @aagupy

“The day has come were you are starting a new chapter in your life as you head out to college. As a mom, you imagine & know that someday, that day will come but you always think it’s too far away for it to be a reality.
Have the best time of your life in Spain & continue to make lasting memories, that you will cherish forever..
“All these pictures I have taken of him are all stolen shots from our last beach trip. I could not resist.
See you in a couple of months (may), my son.. love you very much.
“As for Atasha. She currently is studying online in a UK university but due to the current lockdown in the UK. She will continue to study online this semester and Atasha will will be on campus the following school year in the UK.
“Ang hirap mag-let go for any mom but going off to college will be a wonderful experience for all children. As parents, we provided them wings, but now it’s their turn to fly…
“We love you so much #mymommyheart.”

 

Marami rin ang humanga sa pagpapalaki nina Aga at Charlene sa kanilang mga anak, at kahit saan bansa sila mag-aral ay pupuwede dahil kayang-kaya nila, dahil nakapag-ipon nang husto si Aga, na para raw male counterpart ni Sharon Cuneta sa yaman.

 

Anyway, may nagtataka rin kung bakit sa Spain napili ng mag-aral si Andres na mataas ang kaso ng COVID-19, kung pupuwede naman naman sa Harvard o ibang Ivy League universities sa Amerika o maging sa UK.

 

Narito ang ilang comment at papuri ng netizens:

 

“Maganda/pogi + mabait + smart. You raised them well, Charlene. Give credits to yourself as well.

“Andres is even more gwapo than his dad. Matangkad at sporty pa. He looks like a young Ilac Diaz.

“I would understand if Andres will study in Germany or UK, but Spain??? Por que Espanya? Ano meron dun? Kung ako papiliin aral ako sa Berlin.

“Most probably Andres really wanted to study abroad esp. in the U.S., UK and other top universities just like his friends/schoolmates but there are credentials constraints. Guys, let us not be fooled by these celebrities fame, beauty and status. They too have problems with their own children that they cannot and will never share in social media. Dont believe everything they say. Most of the time they’re sugarcoating.

“It will be a very good experience for them. Sana all may means to send their children abroad.

“I hope they dont end up exxageratingly liberated after staying abroad for years.

“Di naman sa bashing ha pero notice ko mga artista nq pinapaaral anak abroad..after makatapos pinapasok sa showbiz.yung mga course na kinukuha minsan di magagamit.

“I hope these two eventually work abroad and don’t dabble with showbiz. Ok na yung mag model for commercials. Notice how KC lost her appeal when she tried to fit in. Nawala yung quiet mystery and people got disappointed.

“Bakit sa Spain? Maganda ba education dun? Sana sa Harvard na lang para schoolmate kami. chos!

“Delikado sa Spain ngayon,ang daming may covid. Sana pinagpaliban nalang muna.

“They are giving their kids the best education their money could offer and the opportunity to explore the world outside their sheltered life here sa Pinas. Living away from home during my college years has taught me so many lessons in life. Kaya I really don’t get all the negative comments.”

 

***

 

SIMULA ngayong Monday (January 18), muling saksihan ang pagbabalik sa primetime block ng  most sensational rivalry between friends-turned-mortal enemies mula sa two different regions sa GMA Network’s well-loved TV adaptation ng GMA Network ng 1984 hit movie ng Regal Films na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.

 

After nang ilang buwan na natigil sa ere dahil sa pandemya, muling mapapanood ang pagsisimula ng serye at ang much-awaited all-new episodes naman ay magsisimula sa February 8.

 

Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday ay mula sa direksyon ni Mark Sicat dela Cruz.

 

Pinagbibidahan ito nina Snooky Serna, at Dina Bonnevie na gaganap na magkaibigan na sina Amy at Susie na magiging mortal na magkaaway na parehong na-in love sa character Jay Manalo na si Joaquin.

 

Several years passed, ang anak ni Amy na si Ginalyn (Barbie Forteza) at anak ni Sussie na si Caitlyn (Kate Valdez), na half-sisters na napagpalit nang ipanganak, and by a twist of fate, magiging mabuti ring magkaibigan tulad ng kanilang mga ina.

 

Pero mauulit ang pangyayari, nang parehong magkagusto ang mga anak sa isang charming city boy na si Cocoy (Migo Adecer).

 

Kaabang-abang ang mga susunod na pangyayari sa pamilya ng mga Biday at Waray, lalo kapag lumabas na ang katotohanan sa awayan ng mga ina ng Ginalyn at Caitlyn, at sa pagbabalik ni Joaquin sa buhay nila. (ROHN ROMULO)

Malakanyang, clueless kung kailan maaaring maibalik ang face to face classes

Posted on: January 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

CLUELESS ang Malakanyang kung kailan puwedeng ibalik ang face to face classses sa bansa.

 

Ito’y dahil sa hindi kasi kasama sa mga babakunahan ang mga menor de edad, 18 pababa.

 

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kung mawawala naman ang transmission o hawahan sa adult population dahil mababakunahan na sila, mababawasan din ang risk o panganib para makuha ng mga kabataan ang virus.

 

Magkagayon man, nilinaw ni Roque na wala siya sa posisyon para magbigay ng tiyak na sagot sa usaping ito  dahil naka depende ang sitwasyon sa mga darating na mga datos.

 

Aniya, magsisimula pa lamang kasi ang vaccination program at pag-aaralan pa ang magiging epekto ng bakuna sa mga target population.

 

Magugunitang, nagdesisyon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong nakalipas na taon na kanselahin ang inilatag na pilot testing sa face to face classes sa ilang piling lugar sa bansa na isasagawa sana ngayong enero dahil na rin sa lumutang na bagong UK  variant ng Covid-19, para matiyak na mapo- protektahan ang mga kabataan laban sa virus.