• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 19th, 2021

ONLINE SELLER 3 PA, KULONG SA P.2 MILYON SHABU

Posted on: January 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HALOS P.2 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang babaeng online seller na natimbog sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Malabon at Navotas cities.

 

Alas-3:00 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Malabon Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna PSSg Julius Sembrero sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. John David Chua sa pamumuno ni P/Col. Angela Rejano ng buy-bust operation sa kahabaan ng Avocado St. Brgy. Potrero.

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang kanilang target na si Bernadeth Morales alyas “Bodeth”, 32, online seller ng Bagong Barrio, Caloocan City at Axel De Guzman, 29 ng Sta. Cruz, Manila matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

Kasama ring inaresto ng mga operatiba si Jervic Pastor, 18, ng Brgy. 144, Caloocan City at nakuha sa kanila ang nasa 17.7 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P120,360.00 ang halaga at buy-bust money.

 

Nauna rito, dakong 10 ng gabi nang matimbog din ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Rolando Balasabas si Wendy Cusi alyas “Wewe”, 26, (pusher/listed) sa buy-bust operation malapit sa kanyang bahay sa Leongson St., Brgy. San Roque, Navotas city.

 

Narekober kay Cusi ang nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P68,000 ang halaga, at P300 marked money. (Richard Mesa)

1 Thessalonians 5:15

Posted on: January 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Always seek to do good to one another and to all.

Ads January 19, 2021

Posted on: January 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Congratulations sa Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings

Posted on: January 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

GUSTO kong i-congratulate ang Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings pagdomina sa Virtual Special Awards Night ng 45th Philippine Basketball Association 2020 na ginanap nitong Linggo, Enero 17 makaraan ang isang buwang pagwawakas ng Philippine Cup sa Angeles City, Pampanga bubble.

 

Umiba ng nakagawian ang propesyonal na liga, walang ginawarang Most Valuable Player sanhi na all-Pinoy lang na komperensya ang naisagawa sa katatapos na taon na pinaikli ng Coronavirus Disease 2019.

 

Napanalunan ang highest individual award na Best Player of the Conference ni Gin Kings guard Stanley Wayne Pringle, Jr.

 

Dumale ang 33-anyos, 6-1 ang taas na Fil-Am ng 1,640 boto buhat sa mga player, media at Commissioner’s Office upang daigin sina Matthew Wright ng Phoenix Super LPG (1,578 votes), Roger Ray Pogoy (958) at Bobby Ray Parks, Jr.(876) ng TNT, Calvin Abueva (779) ng Fuel Masters, at Christian Jaymar Perez ng Terrafirma (668).

 

“All the players were deserving,” pahayag ni Pringle sa virtual acceptance rin sa award. “Just being nominated for me was a blessing.”

 

Kahanay niya sa Elite Five sina teammate Japeth Paul Aguilar, Wright, Abueva at Tropang Giga John Paul Erram.

 

Ang kakampi ni Pringle na si big man na si Prince Caperal ang nagwaging Most Improved Player, habang do-it-all player ni coach Earl Timothy Cone na si Earl Scottie Thompson ang tinanghal na Aveino ‘Samboy’ Lim, Jr. Sportsmanship award.

 

Tinapos ni Thompson ang may tatlong taong sunod na pag-uwi ni DanielGabriel Norwood ng Rain or Shine sa karangalan. KJasamang tinalo niya sina Abueva at Perez.

 

Kinopo naman ni Aaron Black ng Meralco ang Outstanding Rookie na pinalit muna sa Rookie of the Year. Ginapi ng anak ni Bolts coach Norman Black sina Arvin Tolentino ng BGSM, Kevin Barkley Eboña ng Alaska Milk, Roosevelt Adams ng Dyip at Aris Dionisio ng Magnolia Hotshots. (REC)

No. 1 most wanted ng NCRPO timbog ng NPD

Posted on: January 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Arestado ang isang tinaguriang No. 1 Most Wanted Person ng National Capital Region Police (NCRPO) sa ikinasang Oplan Pagtugis at Saliksik ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa Parañaque city.

 

Kinilala ni NPD Director PBGen. Eliseo Cruz ang naarestong suspek na si Ronnie Bolista, 37 at residente ng 2 Adelpa St. Tanza 1, Navotas City.

 

Sa report ni BGen. Cruz kay NCRPO Chief PBGen. Vicente Danao Jr., dakong 5:20 ng hapon nang matimbog ng pinalakas na Intelligence Driven manhunt Operation ng NPD DID sa pangunguna PLTCOL Allan Umipig at P/Maj. Herman Panabang ang suspek sa Sto. Niño St., San Antonio Valley 6, Brgy. San Isidro, Parañaque City sa bisa ng warrants of arrest na inisyu ni Judge Pedro T Dabu ng Malabon RTC Branch 170 para sa kasong Double Murder at Frustrated Murder (No Bail).

 

Katuwang ng mga tauhan ng NPD DID-Tracker Team ang NCRPO Intelligence unit RID at RIU sa pinalakas na Oplan Pagtugis laban sa mga Most Wanted Person base sa direktiba ni NCRPO Chief.

 

Kaugnay nito, pinuri ni NCRPO chief Danao ang mga myembro ng operating team na masigasig na nagsagawa ng Oplan Saliksik na nagresulta sa pagkadakip sa suspek.

 

Dinala ang suspek sa NPD-DID para sa proper documentation at disposition.

 

Nabatid na ang insidente ng pagpatay ay naganap sa Lungsod ng Navotas, limang taon na ang nakalipas. (Richard Mesa)

4 drug personalities timbog sa Valenzuela buy-bust

Posted on: January 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na  droga ang arestado matapos makuhanan ng nasa P81,600 halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-busy operation ng pulisya sa Valenzuela city.

 

 

Ayon kay Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PCpl Pamela Joy Catalla, dakong 1:10 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Robin Santos sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega sa Beside Camella homes Subd. Gate, sa Galas St, Brgy. Bignay.

 

 

Isa sa mga operatiba na nagpanggap na buyer ang nagawang makabili ng P500 halaga ng shabu kay Menardo Denilla, 29, at Mark Alvin EStrella, 35, kapwa ng Galas St. Brgy. Bignay.

 

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa pulis-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P34,000 ang halaga, marked money, P300 cash, dalawang cellphones at isang motorsiklo.

 

 

Nauna rito, bandang alas-11:30 naman ng gabi nang madakma din ng kabilang team ng SDEU sa buy-bust operation sa kahabaan ng Joy St., Brgy. Punturin si Raymond Dinglasan, 38, at Ernesto Rodriguez, 51, matapos bentahan ng P1,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Ani SDEU investigator PSSg Ana Liza Antonio, narekober sa mga suspek ang nasa 7 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P47,600 ang halaga, marked money, P790.00 cash, dalawang cellphones at isang kulay green na Honda Civic (WCU-367). (Richard Mesa)

15K NA MGA COVID19 CONTRACT TRACER HANAP MULI NG DILG

Posted on: January 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TATANGGAP muli ang Department of the Interior and Local Governmen (DILG) ng may 15,000 contact tracers  para sa COVID-19 contact-tracing efforts.

 

 

Kailangan ngayon ang mga ito lalo na at may bagong UK variant ng COVID19 na nakapasok na sa bansa.

 

 

Sa memorandum na nilagdaan ni DILG Officer-in-Charge Bernardo Florece, Jr., inatasan ang DILG regional directors na magtungo ang lahat ng DILG-hired contact tracers sa kani-kanilang mga rehiyon upang ibailik ang kanilang identification cards sa local government unit (LGU) sa pagtatapos ng kanilang kontrata noong  December 31, 2020, Sa mga ito ayon sa DILG ay mas mainam na kumuha ng mga muling kailanagang 15,000 contact tracers dahil ang mga ito ay maga trained na. Kailangan na lamang na ma evaluate ang naging performance nito sa naging trabaho ng mga ito.

 

 

Samantala ayon sa Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance unit na tukoy na nila ang may 143 na katao na nagkaroon ng close contact kay “patient zero” na unang tinamaan ng UK variant ng COVID19. Sinabi ni Dr, Rolly Cruz na 55 ay tinatawag na first generation close contacts o may 2 metro ang lapit mula kay patient zero ang exposure. Habang nasa 88 ang tinatawag na second-generation close contact na expose kay patient zero ng hindi lalapit sa dalawang metro.

 

 

Kaugnay nito ay hinikayat ni QC Mayor Joy Belmonte ang lahat ng taga- Kyusi na nanggaling  sa abroad na sumailalim sa 14 day quarantine. Dahil  ayon kay Mayor Belmonte na mas kailangan na maging maingat ang lahat lalo na at may UK variant na COVID-19 na na tayo. Patuloy pa ring nananawagan ang mayor na sundin pa rin ng mga health protocols. (RONALDO QUINIO)

Patay na si Efren ‘Bata’ Reyes, ‘fake news’

Posted on: January 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nag-react ang pamilya ng Pinoy billiard champion na si Efren “Bata” Reyes sa mga lumabas sa social media na pumanaw na ito kamakailan.

 

Ayon sa anak ni Bata na si Chelo Reyes, “fake news” umano ang naturang impormasyon dahil maayos ang kalagayan ng kanyang ama.

 

Bilang patunay, nag-post pa ito ng video, kung saan nanonood ng basketball game sa kanilang bahay ang tinaguriang “The Magician.”

 

Nakangiti pang sumigaw si Bata na okay lang daw siya.

 

Si Reyes ay huling lumabas sa billiard event noong 2019 SEA Games, kung saan nag-uwi siya ng bronze medal.

MATTEO, inalala na ‘di madali ang pinagdaanan sa showbiz kaya thankful sa mga nakatulong

Posted on: January 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

EXCITED si Matteo Guidicelli to be one of the hosts of Born To Be A Star, kasama si Kim Molina.

 

Matapos na maging judge sa katatapos lang na The Masked Singer Pilipinas ay sumabak naman agad sa pagiging judge ng reality competition si Matteo. Tila paborito ng Viva ang mister ni Sarah Geronimo dahil may bagong work agad ito.

 

Pawang magaganda ang boses ng sumasali sa Born To Be a Star para patunayan na deserving talaga sila magwagi.

 

Dito sa talent search na ito nadiskubre at nagwagi si Janine Tenoso na ngayon ay kinikilala bilang OST Princess.

 

“This show is very exciting,” wika ni Matteo.

 

“Lahat ng mga applicants ay magagaling so I am sure na mahihirapan ang ating mga judges na mamili kung sino ang winner.”

 

Masaya rin si Matteo na balik-trabaho sila ni Kim as hosts. Maganda raw ang naging bonding nila sa The Masked Singer kaya mas comfortable na sila working together sa reality-based singing competition.

 

Before pumasok sa showbiz si Matteo ay isa siyang popular na car racer. Pero tulad ng ibang showbiz newbie, hindi madali ang landas na kanyang dinaanan to be where he is now.

 

“There is no shortcut to success. Maraming pagdaraanan ang isang aspiring artist bago niya maabot ang success. There will be ups and downs.

 

I should know because I went through the same way. Pero thankful ako sa mga taong tumulong sa akin along the way para marating ko what I have now. I would like to thank them for their never-ending support,” wika pa ni Matteo.

 

Kasama rin sa show bilang judges sina Andrew E, Teacher G (Georcelle Sy), Sam Concepcion at Katrina Velarde.

 

Labingwalo mula sa 40 na nag-audition will make it to the boot camp kung saan sasailalim sila sa training ng mga Star Mentors na sina Thyro, Mark Bautista at Wency Cornejo na kapwa experts sa pag-perform, pagsulat ng kanta at paggawa ng areglo ng musika.

 

Ang Star Judge na si Teacher G ay kasama rin sa pagtuturo para ma-develop ang stage presence ng mga kalahok.

 

Ang grand champion ay magwawagi ng P1 million pesos at recording and management contract sa Viva, ang undisputed star maker since 1981.

 

Magsisimula ang Born To Be A Star sa Enero 30, 2021, Sabado, 7 ng gabi sa TV 5.

 

***

 

MATAPOS mapanood at umani ng papuri sa mahusay niyang performance sa The Boy Foretold By The Stars ay muling mapapanood sa isang gay-themed movie ang guwapong actor na si Keann Johnson titled Run.

 

Ayon kay Direk Mel Magno, mas daring ang role ni Keann dito sa Run compared sa role niya bilang student na naging object of affection ng kanyang bading na classmate.

 

Magkaibang-magkaiba raw ang role ni Keann sa Run in terms of characterization compared sa TBFBTS.

 

Role na isang orphan who runs away from poverty ang papel dito ng guwapong si Kean.

 

Kung sa TBFBRS ay Inglesero ang karakter ni Keann (na bagay na bagay sa kanya), paano kaya ang acting na ipapamalas niya bilang isang mahirap na orphan sa Run?

 

Simula Enero 22, Biyernes ng 10:00 p.m., mapapanood ang BL movie na Run sa KTX sa halagang PHP199. Bida rito sina JR Versales (Seklusyon) at Keann Johnson (The Boy Foretold by the Stars). (Ricky Calderon)

Order na bakuna na Astrazeneca ng mga LGU, sa isang taon pa darating

Posted on: January 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Malakanyang na posibleng sa isang taon pa darating ang bultong order ng pamahalaan na UK made vaccine na Astrazeneca.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna ng inisyatibo ng maraming lokal na pamahalaan na pondohan na din ang pag-angkat ng bakuna na karamihan sa preferred brand ay Astrazeneca.

Sa 2022 pa ani Roque ang dating ng karamihan sa delivery ng mga LGU na tatak Astrazeneca na maaari namang hintayin ng mga kababayan kung kanilang gugustuhin.

Ngayong Hulyo ay may darating din naman na suplay subalit suwerte na kung may makuhang kaunting bilang nito.

“Naku po talaga po, suwerte na tayo kung makakuha tayo ng kaunting supply ng AstraZeneca sa July, pero karamihan po ng deliver ng AstraZeneca ay 2022 pa. Kung kayo naman po ay malusog at handang mag-hintay, pupuwede po iyon. In fact, karamihan nang delivery sa mga LGUS, 2022 pa po iyon,” ani Sec. Roque.

 

Kaya nga ang paalala ni Sec. Roque, mas maiging hanggat maaga ay makabubuting magkaruon na ng proteksiyon lalo na’t may bagong variant na ng COVID 19.

 

Aniya pa, mayorya ng LGU dito sa Kalakhang Maynila ay lumagda na ng agreement sa nasabing British-Swedish pharmaceutical firm gayundin ang pamahalaan ng Antipolo, Baguio, Dagupan, Vigan, Bacolod, Iloilo at Ormoc.

 

“Ang pagbababala po natin, eh isipin po ninyo ay mayroong new variant na mas nakakahawa. Bagama’t ito nga po daw ay hindi mas seryoso kaysa sa ordinaryong variant, hindi po natin masasabi. Kaya kung ako kayo, walang palitan ay magpabakuna na ano, dahil mas mabuti na iyong may proteksiyon kaysa doon sa wala,” aniya pa rin. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)