• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2021

4 patay, 3 sugatan

Posted on: February 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Apat ang patay, kabilang ang dalawang pulis ng Quezon City Police District (QCPD), isang  agent at isang civilian informant ng Phi­lippine Drug Enforcement  Agency (PDEA), habang tatlo pa ang sugatan sa naganap na ‘misencounter’ ng dalawang ahensiya kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

 

 

Ayon kay National Capital Region Office chief,  Maj. Gen. Vicente Danao Jr. nakakalungkot na nagkaroon ng misencounter  na ang layunin ay sugpuin ang bentahan ng illegal drugs sa bansa.

 

 

Lumilitaw na alas-5:45 ng hapon nang maganap ang ‘armed encounter’ sa pagitan ng mga tauhan ng District Special Operations Unit ng QCPD at PDEA sa parking lot ng  isang fastfood chain sa Commonwealth Ave.

 

 

Sinabi ni Danao na walang ideya ang  PNP na ang kanilang katransaksiyon ay  PDEA agents.

 

 

“Kung sino ‘yung nag buy-bust, sino yung ka buy-bust, ‘yun pa yung iniimbestigahan natin, ” ani Danao .

 

 

Kapwa nagsasabi ang dalawang ahensya na kumpleto ang kanilang mga koordinasyon pero nangyari pa rin ang shootout.

 

 

Papasok rin sa imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) para mabigyang-linaw ang mga pangyayari.

 

 

Hindi umano maaapektuhan ang imbestigasyon ng NBI sa ginagawa ring imbestigasyon ng PDEA at PNP.

 

 

Nakilala ang dalawang nasawing pulis na    sina PCpl Lauro de Guzman at PCpl Galvin Eric Garado, kapwa nakatalaga sa District Special Operations Group (DSOU) ng ­Quezon City Police District (QCPD) habang hindi kaagad nakuha ang pagkakakilanlan ng ikatlong namatay na isang PDEA agent.

 

 

Alas-5:45 ng hapon kamakalawa nang maganap ang insidente sa parking area ng isang kilalang fastfood chain, sa tabi ng mall na matatagpuan sa Commonwealth ­Avenue, Brgy. Batasan Hills.

 

 

Samantala, sinisilip ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na posibleng ang mga drug syndicate ang sumabotahe at kumilos kaya nagkaroon ng misencounter ang grupo ng Quezon City police at ng una. Ayon kay PDEA director Wilkins Villanueva na bagama’t hindi pa sila makapagbibigay ng impormasyon dahil sa patuloy pa rin ang masusing imbestigasyon na kanilang isinasagawa, tinitignan nila ang anggulo nang pananabotahe, napaglaruan ng sindikato  o pwede rin naman na kapabayaan kaya naganap ang barilan.

 

 

Kaugnay nito, nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng patas na imbestigasyon sa nangyaring barilan.

 

 

Ayon kay Presidential Spokesperson ­Harry Roque, nalungkot ang Pangulo matapos malaman ang nangyari at nangako na magkakaroon nang “masinsinang” imbestigasyon.

 

 

Kapwa rin nagpahayag ang Senado at Kamara na magsasagawa rin sila ng imbestigasyon sa nangyaring barilan na sinasabing ‘misincounter’ sa pagitan ng dalawang law enforcement unit. (Daris Jose)

KELVIN, natupad na ang matagal nang pangarap na magka-billboard sa EDSA

Posted on: February 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NATUPAD ang matagal nang pangarap ng The Lost Recipe star na si Kelvin Miranda na magkaroon ng malaking billboard sa EDSA.

 

 

Si Kelvin ang latest endorser ng isang kilalang clothing at lifestyle brand.

 

 

Inamin ni Kelvin na bata pa lang siya ay curious na siya kung ano ang pakiramdam na magkaroon ng billboard.

 

 

“Iniisip ko kung ano’ng pakiramdam na magkaroon ng billboard at nasagot lamang ang katanungan na ‘yun gawa nitong billboard sa Bench. 

 

 

“Kakaiba ‘yung pakiramdam dahil namangha ako sa sarili nang makita ko sa EDSA ‘yung billboard ko,” sey ni Kelvin.

 

 

Patuloy namang namamayagpag sa ratings at sa social media ang The Lost Recipe kung saan kasama niya si Mikee Quintos sa GTV.

 

 

***

 

 

ISA sa pinangako ni Joaquin “JD” Domagoso sa kanyang amang si Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno ay hindi niya pababayaan ang pag-aaral niya kahit na busy siya sa GMA teleserye na First Yaya.

 

 

Kasalukuyang second year college si JD taking up business entrepreneurship.

 

 

“Entering showbiz basta ‘wag ko lang kalimutan ‘yung studies ko and pag-aaral kasi sa papa ko ‘yun lang ‘yung pinaka-importanteng bagay.

 

 

“He was always working and he always wanted a better education and now that he has the ability to give that to me and parang gusto ko mag-showbiz, nagkaka-conflicting. But as long as I do both properly ok lang sa kanya,” sey ni JD sa Zoom medicon kamakailan.

 

 

Hindi raw siya pinilit ni Yorme na nag-showbiz. Si JD mismo ang may gusto dahil may interes siya sa naging mundo noon ng ama niya.

 

 

“Talagang my dad didn’t tell me to do it or wala naman nag-force sa ‘kin. I just wanted to cause I know my attitude eh pabibo nga po talaga ako and I saw na this is a good outlet,” sey niya.

 

 

Si Cassy Legaspi ang ka-loveteam ni JD sa First Yaya at kinikilig ang dalawa tuwing tinatanong sila sa kanilang mga eksena sa una nilang teleserye sa GMA-7.

 

 

***

 

 

NILAGAY na sa formal investigation ang French actor na si Gerard Depardieu on charges of rape and sexual violence noong nakaraang December 2020.

 

 

Kaso pa ito ng aktor noong 2018 nang aksuhan siya ng isang 22-year old actress ng rape and sexual assault.

 

 

Ayon sa lawyer ng 73-year-old actor na Hervé Temime,  na-drop na yung rape allegations noong 2019 “citing insufficient evidence.”

 

 

“I have strong elements to show that no offense took place and that the offense was the opposite of Depardieu’s personality,” dagdag pa no Temime.

 

 

Inamin ng aktor na kilala niya yung babaeng kinasuhan siya ng rape, pero never daw silang nag-date.

 

 

Isa sa sikat na aktor ng French cinema si Depardieu simula pa noong gawin niya ang pelikulang Going Places in 1974. In 1990, nanalo ng Golden Globe best actor si Depardieu para sa American romantic-comedy na Green Card in 1990.

 

 

Nanalo naman siya ng best actor sa Cannes International Film Festival for Cyrano de Bergerac in 1990 at nakakuha rin siya ng best actor nomination sa Academy Awards for the same film.

(RUEL J. MENDOZA)

Fajardo, iba pang maaangas kikilalanin ng PBA Press Corps

Posted on: February 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PAMUMUNUAN ng tatlong manlalaro at coach ng San Miguel Beer ang mga mga gagawaran ng parangal sa sabay na idaraos na Philippine Basketball Association Press Corps (PBAPC) 2019 and 2020 via virtual Special Awards Night 2021 sa sa TV5 Media Center sa Mandaluyong City sa Marso 7.

 

 

Ipinahayag Miyerkoles sa People’s BALITA ni PBAPC president Gerardo Ramos ng Spin.ph. na kinansela ang 2019-2020 PBAPC Awards Night dahildahil sa pandemyang COVID-19 sapul pa noong Marso 2020 hanggang sa kasalukuyan.

 

 

Si Beermen coach Leovino Austria ang recipient ng 2019 Virgilio ‘Baby’ Dalupan Coach of the Year trophy, habang ang mga player niyang sina June Mar Fajardo ang mag-uuwi ng Order of Merit trophy, Terrence Romeo sa Mr. Quality Minutes at Arwind Santos na isa sa lima nagwagi para sa All-Interview Team.

 

 

Kasama rin 2019 honor roll list sina Sean Michael Anthony ng NorthPort (Defensive Player of the Year), Christian Jaymar ‘CJ’ Perez ng dating Terrafirma bago na-swap kamakailan sa SMB (Scoring Champion), NorthPort vs. NLEX (Game of the Season);

 

 

Swak sa All-Rookie Team sina Perez, Batang Pier Robert Lee Bolick, Jr., Bobby Ray Parks, Jr. ng Talk ‘N Text, Javee Mocon ng Rain or Shine, at Abu Jaha Tratter ng NLEX (All-Rookie Team), kasama naman ni Santos sa AIT sina Road Warrior Kiefer Isaac Ravena, NorthPorts’s Christian Karl Standhardinger, Beau Michael Vincent Belga ng RoS, dating Alaska player at ngayo’y Phoenix Super LPG, Vic torino ‘Vic’ Manuel, at NLEX coach Joseller ‘Yeng’ Guiao.

 

 

Pati sina PBA D-League Finals Most Valuable Player Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III ng Aspirants’ Cup at Hesed Gabo ng Foundation Cup.

 

 

Inaanunsyo pa ang 2020 Philippine Cup  Outstanding Coach of the Bubble, Executive of the Year, President’s Award, Mr. Quality Minutes, Scoring Champion, ART, Game of the Bubble, Top Bubble D-Fender at All Bubble D-Fenders. (REC)

Abueva, Sangalang bagong 1-2 pambato ng Magnolia

Posted on: February 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUMALABAS na sina big man Ian Paul Sangalang at stalwart Calvin Abueva na ang bagong 1-2 armas ng Magnolia Hotshots sa nalalapit na 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021.

 

 

Ilanga raw pa lang dumating si ‘The Beast’ Abueva sa Pambansang Manok na trinade ng Phoenix Super LPG  kasama ang first round (10th overall) pick sa 36th PBA Draft 2021 sa Marso 14 para kina veteran guard Chris Banchero, first round (sixth overall) at second-round (18th overall) picks ng isa tatlong team ng San Miguel Corporation.

 

 

Hindi umabot ng semifinals ang Magnolia sa nakaraang taong all-Pinoy conference nang malitson ng Fuel Masters sa quarterfinals sa Angeles, Pampanga bubble noong Oktubre-Disyembre.

 

 

Sang-ayon nitong Lunes kay Sangalang,  29, 6-7 forward/center at tubong Lubao, Pampanga, ang 33-anyos, 6-3 forward na isinilang sa kalapit na Angeles City, ang missing link nila sa nagdaang taon.

 

 

“Si Calvin malaking bagay ngayon sa amin kasi parang siya ang missing spot sa team. Kung napapansin ninyo, during our past season, lagi kaming talo sa dulo kasi merong kulang samin,” litanya ng four-time champion at incoming eight-year pro.

 

 

Idinagdag pa ni Sangalang, na malamang na makasabay na ang manok sa mga astig na koponan sa unang Asia’s play-fore-pay hoop dahil sa malaking maitutulong ng do-it-all wingman na katropa niya sa National Collegiate Athletic Association (NCAA)-San Sebastian College Golden Stags pa sila.

 

 

“Medyo makakasabay na kami ngayong season kasi ‘yung kulang na ‘yon kaya naman siguro ibigay ni Calvin and naniniwala talaga ako kay Calvin na malaki ang maitutulong niya sa amin gaya ng college kami sa Baste.”

 

 

Aminado si Abueva, na mabigat ang pressure sa kanya, pero nakahanda aniya siyang ibigay ang lahat upang muling makakuha ng kampeonato kasama ang Hotshots at magiging pangalawa pa lang niya sa pangsiyam niyang taon sa propesyonal na liga na magbubukas sa taong ito sa Abril 9.

 

 

“Super pressured  sa akin kahit saan team ako malipat, pero I’ll do my best na talagang umangat kami at we need to win more championship,” bulalas ng 2013 Commissioner;s Cup champion nang nasa Alaska Milk pa. “Ito na siguro ang pagkakataon para makakuha ulit ako ng championship,” wakas niya. (REC) 

VP Leni, kuwalipikado na maturukan ng Sinovac COVID-19 vaccine- Sec. Roque

Posted on: February 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL hindi pa naman senior citizen ay kuwalipikado si Vice President Leni Robredo na maturukan ng Sinovac COVID-19 vaccine.

 

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na batid naman ng lahat na nagpahayag ng kahandaan ang bise-presidente na makakuha ng COVID-19 vaccine.

 

Aniya pa, ang edad ni Robredo na 55 ay tama lamang sa “age range” kung saan para sa Food and Drug Administration (FDA) ay epektibo ang Sinovac.

 

Ang FDA, sa pag-apruba ng emergency use authorization para sa Sinovac ay nagpahayag na ang Chinese vaccine ay mayroong 65.3% hanggang 91.2% efficacy rate sa clinically healthy individuals na may edad na 18 hanggang 59 taong gulang.

 

Magkagayunpama ay hindi inirerekumenda ang Sinovac sa mga health workers dahil ang efficacy rate nito ay pumapalo lamang sa 50% sa nasabing grupo.

 

“Kung gusto niya, she is welcome to do so.Pasok na pasok siya. Hindi pa naman siya senior [citizen],” ayon kay he added.

 

Ang senior citizen ay may edad na 60 taong gulang pataas.

 

Sa ulat, muling iginiit ni Robredo ang kahandaang maunang magpabakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 

Kasunod na rin ito ng hamon ni Senador Bong Go kay Robredo na sabayan ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagpapabakuna.

 

Sinabi ni Robredo na hindi na niya kailangang hamunin dahil noong isang buwan pa lamang ay nagvolunteer na siyang maunang magpabakuna kung makakatulong ito para maibalik ang tiwala ng publiko sa pagpapabakuna.

 

Subalit iginiit ni Robredo ang pagpapabakuna muna ng Pangulong Duterte na bilang lider ng bansa ay mas malaki ang hatak sa kumpyansa ng publiko.

Comeback film ni SHARON sa Viva, balitang ididirek ni DARRYL YAP, Sharonians mega-react

Posted on: February 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MARAMING Sharonians ang clueless about Darryl Yap, na supposed to be ay magiging director daw ni Megastar Sharon Cuneta sa isang movie to be produced by Viva.

 

 

Sino po ba si Darryl Yap? Ano ba ang kanyang claim to fame? Deserve ba niya na maging director ni Ate Shawie?

 

 

Eh baka maging si Ate Shawie ay hindi rin kilala ang nasabing director.

 

 

Ayon sa aming research, siya ang nagdirek ng Jowable movie ni Kim Molina, Gusto Kong Maging Porn Star na ipinalabas via streaming at may ginawa rin na short film about rape victims.

 

 

Wala pa kaming napanood sa mga movies na dinirek niya at hindi rin namin siya kilala. Hindi pa namin siya na-meet personally.

 

 

Pero nagtataka lang kami sa violent reaction ng mga Sharonians upon knowing na possible itong maging director ito ng aming beloved Megastar in a future project.

 

 

Well, if we know Ate Shawie, for sure bago siya tumanggap ng any film ay gusto muna niya mabasa ang script. If she likes the script, then she will probably accept it.

 

 

Kung hindi man niya gusto ang script, Ate Shawie will probably say why she didn’t like it and ask for a new script.

 

 

We share the sentiments ng mga Sharonians na medyo andap sila sa sinasabing movie ni Ate Shawie to be directed by Mr. Yap.

 

 

Siguro dahil baguhan itong director at ang tipo ng movie ni Mr. Yap ay malayo sa klase ng projects na ginagawa ng megastar.

 

 

Siyempre, the Sharonians would want a special project para sa comeback film ng Megastar. Her last film was under Star Cinema kung saan nakatambal niya si Richard Gomez.

 

 

***

 

 

PAMPA-GOOD vibes. Yan ang aim ni Direk Joven Tan when he conceptualized Ayuda Babes.

 

 

Mag-iisang taon na tayo sa lockdown in two weeks and for sure marami tayong memories kung paano natin hinarap ang problemang dulot ng Covid-19 sa ating buhay at livelihood.

 

 

For sure lahat tayo ay may kanya-kanyang unforgettable experience while in a lockdown kay tiyak na marami sa atin ang posibleng maka-relate sa characters ng Ayuda Babes.

 

 

Masaya man or malungkot ang experience natin, tiyak na mapasasaya naman tayo ng movie.

 

 

Pampawala raw ng stress as ng pelikula dahil ito ay ginawa para magpasaya. Tiyak na riot ang comic situations involving the cast that includes Gardo Versoza, Ate Gay, and Joey Paras just to name a few.

(RICKY CALDERON)

Torralba nakipagbuno na sa ilang manlalaro ng NBA

Posted on: February 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MATINDING kompetisyon na rin ang natikman ni Joshua Torralba sa United States  of America kung saan naging trainer siya para sa Rio Grande Valley Vipers team na kumakampanya sa National Basketball Associatin (NBA) G League.

 

 

Ipinahayag kamakalawa ng 26-anyos, may taas na 6-2 swingman, na naranasan na niyang makaharap sa hardcourt ang ilang manlalaro sa NBA kagaya ng kalibre nina Shaun Livingston ng Golden State Warriors, Aaron Brook ng Houston Rockets, Gary Payton II ng dating Washington Wizards  at Danuel House na lumaro dati sa Houston din.

 

 

“There are a lot of guys that I’ve seen play and played with,” litanya ng beterano ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa pagsusuot ng Makati Super Crunch jersey at University Athletic Association of the Philippines (UAAP) sa De La Salle University Green Archers.

 

 

Sa mga nabanggit na manlalaro ni Torralba, pinakatigasin aaniya ang si Livingston, na nakatatlong kampeonato na sa US major cage league bilang kasapi ng Golden State Warriors.

 

 

Hindi rinnapag-iiwanan si House, na nasa rotation ng Rockets, maging si Payton  na anak ni NBA Hall of Famer Gary Dwayne Payton Sr.  (REC)

Sen. Drilon pinahihinto ang implementasyon ng MVIS

Posted on: February 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Gustong pahintuin ni Minority Leader Franklin Drilon ang pagpapatupad ng widely criticized na Motor Vehicle Inspection System (MVIS) ng Department of Transportation (DOTr) na ngayon ay hawak ng mga pribadong kumpanya.

 

 

Ayon kay Drilon ay huwag lang itong gawing optional kung hindi ay dapat tangalin na rin ang implementasyon dahil ito ay unconstitutional at illegal.

 

 

Sinabi ni Drilon na ang DOTr at Land Transportation Office (LTO) ay kinakailangan munang sagutin ng maayos ang mga katanungan tungkol sa legality at constitutionality ng MVIS kung saan ay inihayag ng Malacanang na magpapatuloy pa rin ang implementasyon subalit voluntary basis na lamang.

 

 

“This is an issue on the regulation of the use of motor vehicles, can you privatize that? That (MVIS) exercise of power of the state to regulate behavior or conduct of the citizens, can you delegate that to the private sector?” wika ni Drilon.

 

 

Sa kanyang pag-aaral ay lumalabas na ang Clean Air Act lamang ng pamahalaan ang pinapayagan na mag delegate ng pagpapatupad ng batas sa pamamagitan ng smoke emission testing.

 

 

Noong mga nakaraang Senate hearings ay inisa-isa ng mga mambabatas na miyembro ng Senate public services committee tulad nila Senate Pro Tempore Ralph Recto, Sen Aquilino Pimentel III at Sen. Drilon ang mga iba’t ibang constitutional at legal violations kasama na ang mga procedural lapses na nagawa ng DOTr at LTO sa implementasyon ng MVIS.

 

 

Ayon naman kay DOTr transportation undersecretary Renier Yebra na ang MVIS ay may backing ng 56-year old na Republic Act 4136, Clean Air Act at Executive Order No. 127 ng 1987 na pinapayagan ang mga ahensiya ng pamahalaan na kunin ang tulong mg private sector para sa motor vehicle safety.

 

 

Diniin pa rin ni Drilon na wala sa mga nasabing batas ang nagbibigay sa DOTr na mag delegate ng powers na binigay ng Congress at dagdag pa niya na ang Department of Environment and Natural Resources lamang ang may karapatang gumawa ng mga specific actions related sa Clean Air Act.

 

 

“The act of regulation of the DOTr and the LTO is a police power – such as inspection of motor vehicles and charging owners for such – that can only be exercised based on the specific stipulation of Congress. While the EO only authorizes the tapping of services – if needed from the private sector and not to have enforce the law,” saad ni Drilon.

 

 

Wika naman ni Recto na ang pagbabayad sa mga pribadong MVIS para sa inspection ng sasakyan ay tulad ng taxation na walang representation lalo na kung ang mga MVIS ay humihingi sa mga vehicle owners na lumagda sa isang waivers upang ang huli ay hindi makahingi ng danyos kung sakaling may masira sa kanilang sasakyan sa panahon ng inspection.  (LASACMAR)

3 KULONG SA P.6M HALAGA NG DROGA SA CALOOCAN

Posted on: February 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tatlong hinihinalang drug personalities kabilang ang isang bebot ang arestado matapos makuhanan ng pulisya ng halos P.6 milyon halaga ng illegal na droga sa magkahiwalay na operation sa Caloocan city.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., nakatanggp ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) mula sa isang regular confidential informant hinggil sa umanoy’ illegal drug activities ni Orlando Domalaon, 52, construction worker ng Sto. Niño Area D, Camarin, Brgy. 178.

 

 

Matapos ang isang linggong validation ay nakumpirma na tama ang impormasyon kaya’t agad nagsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo ng buy bust opereation sa Pili St., Brgy.178, dakong 1 ng madaling araw na nagresulta sa pagkakaarestro kay Domalaon.

 

 

Nakumpiska sa kanya ang nasa P40 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P272,000 ang halaga at buy bust money na binubuo ng isang P500 bill at 6 pirasong P1,000 fake/boodle money.

 

 

Dakong 11:15 naman ng gabi nang maaresto ang tricycle driver na si Roberto Roque Jr., 27, ng 40 Masaya St. RP Gulod Novaliches Quezon City matapos tangkain takbuhan ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 12 na nagsasagawa ng check point sa kahabaan ng Phase 9, Langit Road corner Lacson Road, Bagong Silang sa pangunguna ni PLT Mel Soniega, PLT John Sadorra at NPD-DMFB sa pangunguna ni PLT Jerry Terte habang sakay ng isang motorsiklo at isa pang hindi kilalang kasama nito na nagawang makatakas.

 

 

Narekober ng mga pulis ang eco bag na nahulog mula sa motorsiklo ng mga suspek na naglalaman ng isang block na nasa 1,000 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon with fruiting top ng marijuana na tinatayang nasa P120,000 ang halaga.

 

 

Natimbog din ng mga tauhan ng Bagong Barrio Police Sub-Station si Janice Espiritu , 37 matapos makuhanan ng nasa 30 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasaP 204,000 ang halaga makaraang tumakbo nang sitahin ng mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Galugad sa Magaling Street Brgy. 145 dahil walang suoit na face mask dakong 3:20 ng madaling araw. (Richard Mesa)

Sinovac, inaasahang darating sa Pebrero 28- Malakanyang

Posted on: February 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ngayon ng Malakanyang na inaasahan nilang darating na sa bansa sa araw ng Linggo, Pebrero 28 ang 600,000 doses na COVID-19 vaccines na dinonate ng China’s Sinovac Biotech.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kapag nangyari ito ay kaagad na ikakasa ang pag-rollout ng nasabing bakuna, kinabukasan, Marso 1.

 

“Inaasahan na darating sa araw ng Linggo, itong Linggong ito, ang Sinovac. Kaya excited na tayong lahat,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Inaasahan at least ang pinaplano natin ay sasalubungin ng mga opisyal ang pagdating ng mga bakuna,” dagdag na pahayag nito.

 

Sinabi pa ni Sec.Roque na mangangailangan lamang ng isang araw ang pamahalaan para maghanda para sa pag-rollout ng bakuna matapos na dumating ito sa bansa.

 

“If it arrives on Sunday, if I’m not mistaken, then we can roll out on Monday dahil excited na ang maraming kababayan natin,” ani Sec. Roque.

 

Nauna rito, pinaggkalooban na ng Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA) ang Sinovac’s vaccine, ito ang pangatlong vaccine manufacturer na nabigyan ng EUA matapos ang Pfizer at AstraZeneca.

 

Sinabi ni FDA director general Dr. Eric Domingo na ang efficacy rate ng Sinovac ay pumapalo mula 65.3% hanggang 91.2% subalit umabot lamang sa 50.4% pagdating sa mga health workers na may COVID-19 exposure.

 

Ito ang dahilan kaya’t hindi inirekumenda ng FDA ang nasabing bakuna sa mga health workers.

 

“This should be administered by vaccination providers and to prevent COVID-19 in clinically healthy individuals aged 18 to 59 years old,” ayon kay Domingo.

 

Gayunpaman, nilinaw ni Domingo na ang mga health workers ay maaaring makapamili kung nais na mabakunahan ng Sinovac lalo pa’t gumawa lamang sila ng rekomendasyon kung anong grupo lamang ito nababagay.

 

“What we did was a recommendation… We don’t say that it’s not illegal or they’re not allowed to use it. We just say, if they’re gonna use it, they should know that the efficacy rate for health workers treating COVID-19 [patients] is at 50%,” ang pahayag ni Domingo.

 

Nauna rito, binigyang diin naman ni Roque na ang Sinovac ay “not a low quality vaccine” kahit pa ang dalawang iba pang COVID-19 vaccine brands ay nabigyan ng EUA at nakapagrehistro ng mataas na efficacy rate, na umaabot sa 70% hanggang 95%, at maaaring gamitin para sa mga health workers.

 

“It is not a low quality vaccine. It is better than no protection. Ang iniiwasan po talaga natin iyong pagkakasakit ng seryoso o nakamamatay,” ang dagdag na pahayag ni Sec. Roque sabay sabing pumasa ang Sinovac’s vaccine sa standards ng World Health Organization (WHO). (Daris Jose)