• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2020

NAKA-MOTOR NA SNATCHER, TODAS

Posted on: August 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TODAS ang isang umano’y snatcher na sakay ng motorsiklo matapos tamaan ng bala makaraang aksidenteng pumutok ang baril ng pulis na kanyang tinangkang agawin sa Malabon City, Huwebes ng gabi.

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang nasawing suspek na si John Paul Sanchez, 20 ng 175 Kaingin St. M. H. Del Pilar, Brgy. Tinajeros.

 

Sa imbestigasyon ni PSSg Jose Romeo Germinal II, ala-10:25 ng gabi, minamaneho ni PSSg Leo Lubiano, 41, nakatalaga sa Malabon Police Sub-Station 2 sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Andres Victoriano patungo sa Brgy. Tinajeros nang hingan siya ng tulong ni Rossana Santos, 37 ng Katarungan St. Brgy. Muzon makaraang hablutan ng gamit ng suspek.

 

Dahil dito, hinabol ng pulis ang suspek na sakay ng isang motorsiklo hanggang sa magawa nitong maabutan sa kahabaan ng M. H Del Pilar, Brgy. Tinajeros at mabawi ang inagaw na gamit.

 

Gayunpaman, habang inaaresto ay bigla na lamang sinunggaban ng suspek ang service firearm ng pulis na naging dahilann upang magpambuno ang mga ito hanggang sa aksidenteng pumutok ang baril at tinamaan sa katawan si Sanchez.

 

Matapos ang insidente, mabilis na isinugod ng pulis ang suspek sa Ospital ng Malabon subalit, hindi na ito umabot ng buhay habang narekober ng mga tauhan ng SOCO na rumesponde sa crime scene ang isang coin purse na naglalaman ng tatlong plastic sachets ng hinihinalang shabu mula sa gate away motorsiklo ng suspek. (Richard Mesa)

Tennis star Osaka nakiisa sa protesta

Posted on: August 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Tuluyan nang umatras sa paglalaro sa Western & Southern Open tennis tournament si Japanese star Naomi Osaka bilang pagpapakita ng suporta sa umano’y racial injustice sa America.

 

Bilang protesta, inanunsyo ng 22-anyos na tennis star ang pag-atras nito sa palaro ilang minuto matapos ang pagpasok nito sa semifinals ng palaro.

 

Matatandaang ilang sporting events sa US gaya ng basketball at baseball ang nagkansela ng kanilang mga laro bilang protesta sa pamamaril ng mga kapulisan sa isang African-American na si Jacob Blake sa Wisconsin.

 

Maging ang mga laro sa tennis tournament ay kinansela rin ng organizers nitong Huwebes bilang suporta sa protesta at ito ay nakatakdang ipagpatuloy sa mga susunod na araw. 

Mga laro sa NBA posibleng magbalik pagkatapos ng 1-2 araw

Posted on: August 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Posibleng maibalik ang mga laro sa NBA sa Sabado at Linggo ang mga laro sa NBA.

 

Sinabi ni NBA executive vice President Mike Bass, na ito ay matapos ang pagkansela ng mga laro nitong Huwebes at Biyernes.

 

Magpupulong pa aniya ang kanilang NBA board para sa nasabing desisyon.

 

Magugunitang nakansela ang mga laro matapos ang pag-boycott ng Milwaukee Bucks bilang protesta sa pamamaril ng mga kapulisan ng Wisconsin sa African-American na si Jacob Blake.

Toll fees sa NLEX at SCTEX magiging ‘cashless’ na

Posted on: August 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Magiging ‘cashless’ na ang lahat ng mga toll lanes ng dalawang pangunahing tollways sa Northern Luzon dahil sa pagpapatupad ng RFID stickers.

 

Ayon sa Metro Pacific Tollways Corp., ang nag-ooperate ng North Luzon Expressways at Subic-Clark-Tarlac Expressway, magsisimula ang nasabing cashless tollway bago ang Nobyembre 2.

 

Ang nasabing hakbang ay para maiwasan na rin ang posibleng pagkahawa ng coronavirus.

 

Nakasaad na rin ito sa kautusan mula sa Department of Transportation (DoTR).

 

Sinabi ni Toll Regulatoy Board (TRB) Executive Director Abe Sales, naapektuhan ang NLEX operations matapos na ang ilan nilang empleyado ay nadapuan ng COVID-19.

 

Nauna na ring sinabi ng NLEX Corporation na kanila ng tatanggalin ang Easytrip Tags sa Setyembre 30 at lilipat na sila sa RFID.

 

Sa normal kasi na pagbabayad ng toll ay aabot sa 9-12 seconds habang ang RFID ay tatlong segundo lamang ay makakadaan na sa toll.

Kongreso tutulong sa PSC

Posted on: August 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HANDA ang Congress Committee on Youth and Sports Development na suportahan ang Philippine Sports Commission (PSC) sa hihinging P182M badyet para sa kampanya ng bansa sa 32nd Summer  Olympic Games 2021 sa Topkyo, Japan.

 

Base ito sa committee regular meeting nitong Miyerkoles na ginanap sa House of Representatives sa Quezon City.

 

Inesplika ni PSC Chairman William Ramirez kay Committee chairman Eric Martinez ang pangangailangan ng sports agency nang bawasan ang pondo nila sa taong ito dahil sa Coronavirus Disease 2019 pandemic.

 

“We were one of those government offices who also contributed to the Bayanihan Act. The DBM (Department of Budget and Management) deducted from us,” lahad ng tagapangulo ng ahensaya sa sports.

 

“Para sa amin malaking bagay ‘yun kasi kasama doon ‘yung Olympic budget namin. Hanggang ngayon po bakante ‘yan. It’s an opportunity for us to ask, we need your help,” apanapos na pahayag ni Ramirez nitong Biyernes. (REC)

 

1 ARESTADO NG NBI SA PAGBEBENTA NG ENDANGERED WOOD SPECIES

Posted on: August 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ARESTADO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Environmental Crime Division (NBI-EnCD) ang isang lalaki na naaktuhan na nagbebenta ng endagered wood species na “Agarwood”,isang uri ng kahoy ,ginagamit sa paggawa ng mamahaling pabango,kamakalawa sa may North Fairview,Quezon City.

 

Ayon kay NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ,nakumpiska ang may 6.46 kilos na agarwood na.may market value na P1,055,557.54 sa suspek na si Rafael Favia.

 

Nag -ugat ang operasyon ng NBI matapos makatanggap ng intelligence report na may isang grupo ang nagbebenta bg Agarwood. Sanhi nito,nagsagawa ng surveillance

 

Ang NBI at nang makuha ang contacts number ng suspek ay ikinasa ang buy bust operation.

 

Nagkasundo ang NBI-EnCD at suspek na bumili muna ng halagang P40,000 ng Agarwood .

 

Kasama ng NBI-ENCD ,ang ilang tauhan ng DENR-Biodiversity Management Bureau (DENR-BMB) at DENR-National Capital Region (DENR-NCR) nang magtungo sa lugar para sa entrapment operation.

 

Dalawang undercover agent sng umaktong buyer at.kalaunan ay dumating si Fabian sakay ng van at ipinakita sa undercover agent ang bulto ng agarwood.

 

Sa puntong ito ay inaresto na si Fabia at nakumpiska ang aabot umano sa P10,555,575.40 ang kabuuang danyos na kumakatawan sa Environmental Fee , forest charges at environmental damages ng forest products at pagdadala nito ng walang permit na 10 beses na mas malaki sa market value ng nakumpiskang Agarwood.. Sinampahan ng kasong paglabag sa Section 77 (formerly Section 68) of P.D. 705, as amended by E.O. 277 and R.A. 7161, kilala bilang “Wildlife Forestry Code of the Philippines; at violation of Section 27 (e) and (f) of R.A. 9147 otherwise known as “Wildlife Resources Conservation and Protection Act” sa Quezon City Prosecutor Office si Fabia. (GENE ADSUARA)

Ayo, Miguel wanted sa IATF

Posted on: August 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KAILANGANG mkipagkita na sina coaches Aldin Ayo ng University of Santo Tomas (UST) Growling  Tigers at Norman Miguel ng National University (NU) Lady Bulldogs o kanilang kinatawan sa Martes, Setyembre 1 sa Inter-Agency Task Force (IATF) o  government panel inquiry team para sa quarantine violation ng kanilang koponan.

 

Kumalat sa social media ang training bubble ng España-based men’s basketball team sa Sorsogon nitong Hunyo-Agosto kasabay sa away ni Ayo at dating team skipper Crispin John Cansino.

 

Nabisto rin sa socmed ang training camp ngBustillos-base women’s volleyball team saisang sangay ng campus sa Laguna sa kabila na may COVID-19 pa.

 

Sa ilalim ng batas, hindi pa maaring ang dalawang kasapi ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na mag-ensayo,. Tanging ang professional sports na basketball at football pa lang ang pinayagang makabalik nitong August 25.

 

Ang komposisyon ng probe panel ay ang Philippine Sports Commission (PSC), Department of Health (DOH), Games and Amusements Board (GAB) at Commission on Higher Education (CHED). (REC)

COVID TELEMEDICINE INILUNSAD SA KYUSI

Posted on: August 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INILUNSAD ng Quezon City government ang kauna- unahang COVID-focused Telemedicine.

 

Sinabi ni  QC Mayor Joy Belmonte  na naisagawa ang proyekto sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH).

 

Nasa 15 na laptop at desktop ang ibinigay ng DOH  upang magamit sa HOPE Facilities at health centers.

 

Sa pamamagitan nito, mababawasan nang magkaroon ng direct contact ang mga pasyenteng apektado ng COVID-19 at mga doctor. Sa datos ng QC Epidemiology and Surveillance Unit and District Health Offices nasa  10, 736 na ang kaso ng COVID19 sa lungsod, kung saan 332 ang bagong mga kaso.

 

Nasa 701 naman nag mga bagong naka recover mula sa naturang virus. Habang 416 na ang naiatalang nasawi dahil sa COVID19. (RONALDO QUINIO)

Meralco pinatawan ng P19-M multa ng ERC

Posted on: August 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pinatawan ng P19-milyong multa ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Company (Meralco) matapos umano nitong labagin ang ilang direktiba ng ahensya sa gitna ng pandemya.

 

Kabilang dito ang bigong paglilinaw sa mga customer na batay sa estimation ang electric bils, at hindi pagsunod sa mandatong installment payment agreement.

 

Ayon kay ERC chairperson Agnes Devanadera, nagdulot ng kalituhan sa mga consumer ng Meralco ang hindi nito pagsunod sa mga inilabas nilang advisories.

 

“This serious neglect by MERALCO resulted to a multitude of complaints filed by its consumers to this Commission,” paliwanag ng opisyal.

 

Nakasaad sa desisyon ng ERC na may petsang August 20, na bilang Distribution Utility, dapat ikinonsidera ng Meralco ang reaksyon ng publiko sa paglalabas nito ng mga impormasyon ukol sa singil sa kuryente.

 

Ilan daw sa pinagbasehan ng komisyon sa kanilang naging desisyon ay ang billing statements na inihain ng mga nag-reklamong consumer; mga empleyado ng kompanya at mga ipinadalang billing statement sa opisina ni Senate Committee on Energy chairman Sen. Sherwin Gatchalian.

 

Dumaan din umano sa evaluation ng ERC ang billing statements mula sa National Association of Electricity Consumers for Reforms, Inc. (NASECORE). Dito natukoy na 190-araw ang katumbas ng paglabag ng Meralco. (Daris Jose)

Imbestigasyon sa UST tinatapos pa

Posted on: August 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INAAYOS na lang ng University of Santo Tomas ang imbestigasyon sa ‘bubble training’ ng Growling Tigers men’s basketball team sa Sorsogon at inaasahang nakatakdang mapasakamay ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) simula nitong Huwebes.

 

Nagdaos ng online meeting sa nitong Miyerkoles ang Inter-Agency Task Force (IATF) panel nina Philippine Sports Commission-Philippine Sports Institute (PSC-PSI) National Training Director Marc Edward Velasco, Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham Kahlil Mitra, UAAP executive director  Rene Saguisag Jr., UAAP Season 83 president Emmanuel Calanog, Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera at Executive Director Atty. Cindy Jaro sa isyu.

 

Ang ipapasang ulat buhat sa imbestigasyon ang ilalatag ng UAAP sa Joint Administrative Order group ng IATF panel ng PSC, GAB kasama ang Department of Health (DOH) para sa posibilidad na sanction sa pamantasan.

 

Sa darating na Martes, Setyembre 1, muling magpupulong ang IATF panel at ang UAAP. (REC)