• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 27th, 2020

100 undocumented Filipino workers naharang

Posted on: February 27th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAHARANG ng Bureau of Immigration (BI) ang tinatayang 100 undocumented na manggagawang Filipino ang naharang sa Zamboanga International Seaport (ZIS).

 

Ayon kay BI Commisioner Jaime Morente, nasa kabuuang 110 kababaihang pasahero ang naharang sa tatlong magkakahiwalay na pagkakataon ng mga tauhan ng BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU).

 

Dagdag pa nito, nagtangkang sumakay ng MV Antonia 1 patungong Sandakan, Malaysia ang unang 37 biktima.
Sa ulat ni ZIS Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) Head Usman Sabdani, hindi magkakatugma ang ibinigay na pahayag ng mga pasahero at nagprisinta rin ng pekeng pasaporte at ilang supporting documents.

 

Natuklasan din na karamihan sa mga ito ay patungong Qatar at Dubai, kung saan hinikayat silang magtrabaho ng iligal o walang tamang dokumento para sa kanilang pag-empleyo.

 

Habang ang 73 iba pang pasahero ay hinikayat naman na magtrabaho bilang household service workers at caregivers sa Dubai, Qatar, Bahrain, Lebanon, at Kuwait.

 

Napag-alaman na ang nasabing mga pasahero mula sa iba’t ibang lugar sa bansa at nirecruit ng mga ahensya na karamihan ay sa pamamagitan ng Facebook.

 

Sabi pa nito, ginagamit ang Malaysia bilang jump-off point sa Middle Eastern countries kung saan sila inalok ng trabaho.

 

“These illegal syndicates are seemingly attempting to look for other exit points to be able to evade strict immigration inspection,” said Morente.

 

“What they have not realized is that we have spread out our personnel, and are maintaining the same level of screening in all ports in the country, to ensure that our kababayan will not be victimized by these unscrupulous individuals,” dagdag pa ni Morente.

 

Naiturn over na sa Inter-Agency Council Against Trafficking para sa kaukulang tulong at pagsisiyasat.

 

“We are pushing that cases be filed against their illegal recruiters. This is clearly a case of human trafficking, and even those from the north travel all the way to Zamboanga in an attempt to depart illegally to work abroad.”

 

“These schemes will not pass, as we are intent in doing our mandate in protecting Filipinos from these syndicates,” babala pa ni Morente. (Gene Adsuara)

Ika-13 titulo asinta ng Perpetual Help Altas

Posted on: February 27th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NADAGDAGAN ang preparasyon ng mga bataan ni Perptual Hep Altas coach Sinfronio ‘Sammy’ Acaylar para sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 95 men’s volleyball finals.

 

Kasalukuyang sagaran sa training ang UPH para paghandaan ang paparating na best-of-three finals makaraan ang 9-0 sweep sa elimination para sa awtomatikong pasok sa championship round.

 

“Maganda na magbabalik na uli ang games sa March 16, pero kami mag-aantay pa rin kasi may two play dates pa ang men’s team and then may stepladder pa ang makakalaban namin,” litanya ni Acaylar.

 

Makakatuos ng Las Piñas-based spikers sa finals ang alinman sa Arellano Chies, Aguinaldo Generals o St. Benilde Blazers na mga babagtas pa sa stepladder matches.

 

Pakay naman ni Acaylar na ibigay sa Perpetual ang ika-13 korona sa liga para mapantayan ang Letran na may pinakamaraking karangalan.

 

Sa pagtimon ni Acaylar, nakakopo na ang Altas ng mga kampeonato sa mga taong 1986, 1987, 1988, 1989, 1990, 2011, 2012, 2013, 2014, 2016, 2018 at 2019.

 

“We do regular practice and tune-up games against other commercial teams and UAAP (University Athletic Association of the Philippines) teams to stay–in-focus,” panapos na dada ni Acaylar. “We will correct all the lapses and errors in plays and improve to almost perfect receive, defense and blockings.”

 

Good luck na lang sa inyo coach Sinfronio.

Mayor Tiangco nagpasalamat sa DENR, San Miguel Corp. sa sustainable dredging program

Posted on: February 27th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAGPASALAMAT si Mayor Toby Tiangco sa Department of Environment and Natural Resources at sa San Miguel Corp. sa pagsisimula nito ng sustenableng programa sa dredging.

 

“Kailangan natin ang sustainable dredging program para masiguro na ang tagumpay na makakamit natin dito ay pangmatagalan at matatamasa ng mga susunod na henerasyon,” aniya sa kanyang talumpati sa opisyal na paglulunsad ng dredging ng Tullahan-Tinajeros river system.

 

Sinabi ng alkalde na patuloy na naiipon ang mga silt at sediment, pati na ang mga basura, sa ilalim ng mga ilog at iba pang anyong-tubig pero hindi ito regular na natatanggal.

 

“Dati, hindi parating nakakapagsagawa ng dredging dahil sa kawalan ng pondo. Kaya natutuwa tayo na may partnership ang DENR at ang San Miguel Corp., na nangakong magbibigay ng P1 billion, para sa proyektong ito,” dagdag niya.

 

Iniutos din ni Tiangco sa mga punong barangay na mahigpit na ipatupad ang anti-littering ordinance ng lungsod.
“Mababalewala ang dredging kung hahayaan natin ang ating mga mamamayan na magtapon ng basura kung saan-saan. Ang disiplina at mahigpit na pagpapatupad ay mahalaga rin para magtagumpay tayo sa ating kampanya na linisin ang ating katubigan,” diin niya.

 

Ang dredging ng 36.4-kilometrong Tullahan-Tinajeros river system ay bahagi ng kampanya na linisin at ayusin ang marine ecosystem ng Manila Bay.

 

Ang river system na ito ay mula sa La Mesa Dam sa Quezon City hanggang sa Centennial Park ng Navotas.
Ang SMC ang magsasagawa ng proyekto katuwang ang DENR na parehong pinangunahan nina SMC President and Chief Operating Officer, Ramon S. Ang, at DENR Secretary, Roy A. Cimatu ang paglulunsad ng dredging activities.
Maliban kay Tiangco, dumalo din sina Vice Mayor Clint Geronimo, mga konsehal at department heads, mga punong barangay, Malabon City Mayor, Antolin A. Oreta III, at DENR Usec Benny D. Antiporda. (Richard Mesa)

Tuloy ang laban sa korapsyon, krimen, droga at terorismo – PACC

Posted on: February 27th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

“KAILANGAN po nating ipagpatuloy ang laban sa korapsyon, krimen, droga at terorismo sa susunod na henerasyon.”
Ito ang naging panawagan ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica sa publiko.

 

Aniya, ang pangarap lamang aniya noong bata pa siya na maging pulis dahil gusto niyang ipagtanggol ang mga naaapi at supilin ang kasamaan. Iyon nga lamang aniya ay hindi siya naging pulis kaya’t ginawa pa rin aniya niya ang kanyang magagawa para itama ang mali at ipatupad ang batas.

 

At matapos aniya ang tatlong dekada ay pinagkatiwalaan siya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ginawa siyang PACC Commissioner para tulungan siyang linisin, huliin, ipakulong ang mga magnanakaw, korap, durogista, kriminal at i-ayos ang bansa para sa susunod na henerasyon.

 

“Tulad po ninyo, simpleng estudyante lang ako. Basta makapasa lang. Mas maraming laro kesa aral. Minsan pasado, minsan bagsak. Di malinaw kung saan dadalhin ng buhay. Pero sa huli ang mahalaga, gawin natin ang tama, at sa bawat kasawian, mayroon tayong matutunan. Diyos na po ang bahala, basta GO lang tayo at gawin natin ang tama,” ani Belgica sa kanyang talumpati sa idinaos na Symposium sa Unibersidad de Manila.

 

Natututo aniya siya sa bawat pagkakamali kaya habang nandyan pa sila ni Pangulong Duterte ay gagawin na nila ang kabutihang pwedeng gawin para sa bayan.

 

“Simpleng estudyante, simpleng tao, makakatulong na po ng malaki dahil sa pwestong pansamantalang inuukopa namin ni Pangulong Duterte, Kuya Bong Go at ako. Kami po ay inyong mga lingkod at partners sa kabutihan,” aniya pa rin. Binigyang diin nito na kailangang labanan ang kasamaan para ang lahat ay umasenso, kailangan aniya na may sumunod sa yapak nila nina Pangulong Duterte at Senador Go.

 

“Kayo ang susunod na tagapagtanggol ng bayan pagkatapos namin. You have to believe na kung kaya namin, kaya nyo din. Dahil tulad ninyo, simpleng tao lang kami na umiibig sa bayan, hindi bumitiw at ginawa ang tama. Kaya nyo rin po ito,” aniya pa rin. Makatutulong aniya ang mga ito sa pagsusumbong ng mga anomalya sa kanila.

 

“Then you will see na dahil po sa inyo, naituwid ang mali sa inyong kapaligiran at sa ating bayan,” dagdag pahayag nito.

 

Pwede aniyang mabago ang mali kung lalabanan at gagawin ang tama.

 

Samantala, tiniyak naman ni Belgica sa mga estudyante na maaasahan ng mga ito ang 100% na suporta mula sa kanila nina Pangulong Duterte at Go. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Tokyo Olympics, posibleng tuluyan nang makansela dahil sa COVID-19

Posted on: February 27th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Posibleng tuluyan nang makansela ang Tokyo Olympics kung hindi pa rin maaagapan ang coronavirus sa buwan ng Mayo, ayon sa senior International Olympic Committee.

 

“In and around that time, I’d say folks are going to have to ask: ‘Is this under sufficient control that we can be confident about going to Tokyo or not?’” pahayag ni Dick Pound sa The Associated Press sa isang panayam.
Kung patuloy na magiging banta ang COVID-19, posible na itong hindi matuloy o ‘di kaya naman ay muling mailipat ng araw.

 

Nakatakda ang naturang laro sa July 24 hanggang Aug. 9.

 

Iginiit ni Pound na nasa 11,000 atleta mula sa 200 bansa ang inaasahang makilalahok sa Tokyo Olympics.
“As far as we all know, you’re going to be in Tokyo,” ani Pound.

 

“All indications are at this stage that it will be business as usual. So keep focused on your sport and be sure that the IOC is not going to send you into a pandemic situation.”

 

Sa kasaysayan, tatlong beses pa lang nakansela ang Olympics.

 

Isang beses noong World War 1 at dalawang beses naman noong World War II.

 

Huling hinawakan ng Tokyo ang Summer Olympics noong 1964.

‘I accept the apology of ABS-CBN’ – Duterte

Posted on: February 27th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Tinatanggap umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghingi ng paumanhin ni ABS-CBN President/CEO Carlo Katigbak kung may pagkakamali ang kanilang network at nasaktan ang pangulo.

 

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa ambush interview sa Malacañang matapos ang Oath-Taking ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Officials at Presentation ng 12th Ani ng Dangal Awardees.
“I accept the apology, of course, I accept,” ani Pangulong Duterte

 

Kaugnay naman sa prangkisa ng ABS-CBN, sinabi ni Pangulong Duterte, bahala na ang Kongreso at hindi siya nakikialam sa trabaho ng mga mambabatas.

 

Ayon kay Pangulong Duterte, nasa Kamara na ang bola dahil sa kanila dapat magmumula ang franchise bill bago aakyat sa Senado.

 

Iginiit din ni Pangulong Duterte na wala siyang tinawagan ni isa sa mga kongresista para pigilan ang prangkisa ng network.

 

Malaya raw ang sinuman na magtanong at kung mapatunayang may tinawagan siyang kongresista, agad siyang magbibitiw.

 

Kasabay nito, inihayag ni Pangulong Duterte na hindi niya maaring pigilan si Solicitor General Jose Calida sa ginawang paghahain ng quo warranto petition laban sa ABS-CBN.

 

Independent umano ang SolGen kaya hindi niya maaaring diktahan sa anong dapat gawi sa trabaho. (Daris Jose)

2 snatcher arestado sa shabu

Posted on: February 27th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SWAK sa kulungan ang dalawang umano’y snatcher na nambiktima sa isang Lalamove driver matapos masakote at makuhanan pa ng shabu sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Nahaharap sa kasong robbery snatching at paglabag sa R.A 9165 ang naarestong mga suspek na si Rafael Damian, 21, ng 117 KKK St. Brgy. 150 at Richard Martinez, 31, ng Milagrosa Ext. Brgy. 154, kapwa ng lungsod.

 

Sa nakarating na ulat sa bagong hepe ng Caloocan Police na si P/Col. Dario Menor, alas-11:40 ng gabi, minamaneho ng Lalamove driver na si Elizalde Manansala, 47, ng 161 Ramenad St. Brgy. 154, ang kanyang motorsiklo habang tinatahak ang kahabaan ng North Diversion Road (NDR), Brgy. 154 nang pansa-mantala itong huminto upang tingnan ang kanyang cellphone.

 

Gayunman, bigla na lamang sumulpot mula sa likuran ang mga suspek at hinablot ang kanyang cellphone saka mabilis na tumakas habang humingi naman ng tulong ang biktima sa mga barangay opisyal.

 

Dahil sa mabilis na pagresponde ni Brgy. 154 Ex-O Eliver Apilado at Kagawad Rowah Latagan, agad naaresto ang mga suspek kung saan narekober sa kanila ang isang cellphone at dalawang plastic sachets na naglalaman ng 3.04 gramo ng shabu na nasa P20,672 standard drug value ang halaga. (Richard Mesa)

Saso, Ardina target ang Olympics berth

Posted on: February 27th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAY apat na Pilipinong golfer ang kumakatok sa mga pinaglalabang tig-60 silya para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 men’s and women’s golf sa Hulyo 24-Agosto 9 sa Tokyo, Japan.

 

Sila ay sina Yuka Saso, Dottie Ardina, Miguel Luis Tabuena at Angelo Que na pawang mga professional golfer.

 

Umakyat na si Tabuena sa ika-59 sa listahan sa pinakahuling inilabas na Olympic golf ranking o OGR ng International Golf Federation dahil sa respetadong finish sa SMBC Singapore Open sa nakalipas na linggo upang manatili sa kontensyon sa pangalawang niyang sunod na paghambalos sa quadrennial sportsfest.

 

Tumapos si Tabuena sa triple-tie sa eight place na may US$21,667 (P1.1M) cash prize sa 275 aggregate sa Singapore golfest sa likod 68, 65, 66 at 76 sa 110-man world class field na pinagwagian ni Matt Kucher ng United States.
Ang isa pang Pinoy na si Angelo Que nalagak sa quintuple-tie sa 24th spot sa 281.

 

Ang top 60 men at top 60 women golfers na nasa OGR sa cut off date sa Hunyo ang mga magku-qualify sa Tokyo Olympics golf.

 

Nasa kontensiyon para sa Top 60 women sina Saso (nasa dulong kanan ng larawan) na nasa ika-49 at Dottie Ardina na nasa ika-51. (REC)

Pares vendor na hinoldap at binaril sa Maynila, pumanaw na

Posted on: February 27th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Binawian na ng buhay ang pares mami vendor matapos sumailalim sa major operation sa Philippine General Hospital (PGH) kamakalawa ng gabi, Pebrero 25.

 

Ayon sa bunsong kapatid ng biktimang si Samson Bautista, na si Sidney Bautista Mercado, alas 9:21pm nang bawian ng buhay ang kanyang kapatid.

 

Pahayag pa ng kapatid, natanggal naman umano ang parte ng bala sa batok ng kanyang kapatid ngunit hindi na rin kinaya ng kanyang katawan.

 

Si Bautista ay unang na-admit at naratay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Center (GABMMC) matapos barilin ng naarestong suspek na si Alexander Ogdamina, alyas Kalbo, 36, residente ng Gasangan, Baseco Compound, Port Area.
Habang kausap ang nakababatang kapatid ng biktima, hindi naman mapigilan ang buhos ng kanyang pag-iyak dahil sa sinapit ng kanyang kuya at maglabas din ito ng hinanakit sa suspek.

 

“Buhay ang nawala sana buhay din ang kapalit. Kung mabuhay pa sana si kuya mapapatawad pa namin siya pero wala na siya, nakakakaawa ang ginawa niya sa kuya ko” hinagpis ni Sidney.

 

“Akala namin magiging okey na siya kasi nagpakitang gilas pa siya, nakausap pa siya ni Mayor Isko Moreno nung pinuntahan sa Gat tapos bigla nalang siyang bumigay”, dagdag pa niya.

 

Nabatid na dinala ang labi ng biktima sa kanilang probinsya sa Tiaong, Quezon dahil nang nabubuhay pa umano ito ay hiniling niya sa kanyang mga kapatid na dalhin siya sa probinsya upang doon magpagaling.

 

Si Bautista ay may iniwang tatlong anak sa kanyang maybahay na ngayon ayon kay Sidney ay hindi alam kung paano na masu-suportahan ang kanilang anak.

 

Muli namang nanawagan ng tulong at hustisya ang pamilya ng biktima kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at sa pamunuan ng Manila Police District (MPD). (Daris Jose)

Spa sa Makati, P3K ang ‘sex fee’

Posted on: February 27th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAHULI sa akto ang isang therapist na magsasagawa ng ‘sexual extra service’ habang nasagip ang 13 iba pa sa isinagawang operasyon ng mga pulis sa isang spa sa Brgy. Poblacion, Makati City, kamakalawa ng madaling araw.

 

Maingat na isinagawa ng mga tauhan ng Makati SIDMS, sa pangunguna ni Police Major Gideon Ines Jr. at ng Women and Children’s Protection Section, sa pangunguna ni P/Lt. Mylene Juan, ang rescue operation sa mga massage therapist sa SPA Osaka sa #5353 Gen. Luna St. kanto ng Mariano St., Barangay Poblacion, Makati City

 

Isang police asset ang pumapel na customer at nang maibigay ang P3,000 halaga sa isa sa mga therapist para sa sexual intercourse sa Room 3 ng Spa Osaka ay agad siyang nagbigay ng hudyat sa mga operatiba para salakayin ang nasabing establisimiyento.

 

Nakuha sa show room ng Spa Osaka ang iba’t ibang sex paraphernalia.

 

Samantala, hindi inabutan ng mga awtoridad ang may-ari ng Spa Osaka na kasalukuyang pinaghahanap pulisya.
Ayon kay P/SSgt. Glen Marvin Gallero, investigator on case, mananatili muna sa ngayon sa kustodiya ng Women’s Desk ang 13 kababaihan para sa beripikasyon at ebalwasyon para sa magiging aksyon ng pulisya. (Daris Jose)